Sa nakaraang kabanata:
" Ganoon pa man, nais ko sanang isoli itong liham sa nagpadala"
"Placiere, Il to requarete yo."
"Mukha ba siyang masaya dito sa sulat?"
"Ang sabi niya'y kilala niya kayo. Sabi ng Kuya Dario."
"Kahit ang magkakatay ay mabait sa kaniyang mga baboy."
"Ang Sgr. Cuorre ang nagturo kay kuya na bumasa't sumulat."
"May talino ka. Talinong galing sa libro. Gamitin mo iyan."
Sa Ampunan. 1873
Lumagabag pabukas ang pinto ng bodega. Pagdaka’y muntikan nang mahulog ni Sal ang hawak na bote mula sa kaniyang kinauupuan. Tahimik siyang nakinig habang nakasalampak sa sahig sa likod ng isang kariton.
“ Wala na sila. Kaya wala na silang magagawa laban sa akin.”
Dinikit ni Sal ang mga tuhod sa mga winika ni Lea. Hindi na niya kailangang sumilip para makilala ang kausap ni Lea. Siya lang naman lagi ang halos kausap niya.
“ Hindi naman iyon.” Tila pagod si Sei.
“ Ang inaalala mo lang naman ay lumalabag ako sa batas,” sagot ni Lea.
Isang hamon. Ganoon naman palagi ang kanilang mga pag-uusap. Wala nga talagang pakundangan si Lea sa batas. Napatingin si Sal kay Sei, tinatantya ang ekspresyon ng mukha niya. Ang paniniwala niya sa batas, nakakalito.
“ Tinulungan kita noon. Sa pagkakataong ito, baka hindi na umubra, sinasabi ko sa ‘yo. Talaga’y susugurin mo ang tinitirhan niya at inaasahang walang makakakita? Mahuhuli ka. Ayaw naman nating mangyari iyon, di’ba?” sagot ni Sei. Hinaplos ni Sei ang laylayan ng kaniyang uniporme. “ At saka isa pa, ang Signor Comaco, wala naman siyang ginawang masama sa atin-“ huminga nang malalim ang binata bago tumuloy” Mabait nga siya,e.”
Itinuon ni Sal ang buong atensyion niya sa narinig.
“ At igalang natin iyon? Pinaglaruan nga niya tayo. Wala siyang intensyon na tumulong sa atin. Mapera siyang baboy at ang mga katulad niya, pagsisinungaling lang ang alam. Ang mga taong ginto ang dumadaloy sa ugat ay laging mga sinungaling.”
Binato ni Sal ang bote at umalingawngaw sa mga batong pader ng bodega ang tunog ng pagbasag nito. Nagkalat ang mga bubog na parang mga kristal. Bukod-tangi ang isang bubog, nakahiwalay sa iba.
“ Nadulas. Sa kamay ko,” sabi ni Sal. PAgkatapos ay pinulot niya ang bubog kaya pinalis ito ni Lea.
“ Halata namang hindi,” ismid ng mas batang dalagita habang mahigpit na pinisil ang kamay ng kasama at pinapadugo ang sugat ni Sal sa daliri bago itali ng punit na piraso ng panuelito. Tila tumubo sa puting tela ang dalawang tuldok ng pula, tinititigan si Sal.
“ Iyong mga nasa Paisang. Mga boses lang nila ang narinig ko.”
Mabigat ang titig ni Lea. Pinahid niya ang mga kamay sa palda pero nanatili siya sa harap niya.
“ Sino sila?” Sa tanong na iyon ay napaiwas ng tingin si Sei sabay ang bahagya niyang pag-atras. Hayon at napahawak na naman siya sa batok.
“Masasama silang tao. Dumudukot sila ng tao.”
Sabi na nga ba. Ganoon ang itutugon ni Sei, Hinila lang ng kaharap ang mga kamay para suriin ang pagkakabenda niya rito.
“ Umaaligid sila sa mga mahihirap na distrito tulad ng Paisang kung saan puwede tayong makibagay.”
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
General Fiction"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...