xiv. liham

46 5 5
                                    

MAhihinang yapak ang bumali sa katahimikan ng umaga, tapos ay sinundan ng isa pa habang patuloy na maririnig ang bulong-bulungan at matitinis na tawanan sa bahay. Mag-isa na naman si Sal sa silid na pareho nilang tinutuluyan ni Lea. Pagkatapos ng ilang sandal, hinawakan niya ang kaniyang labi. Buo pa nga siya. Napabuntong- hininga ang dalaga.

"Anak ng pirata! Ang sakit noon."

Boses na naman ng constable ang bumasag sa umaga.

" Iho, huwag kang gagalaw muna. Mas masakit kung hindi ka makikinig sa akin. " Malumanay muli ang tono ni 'Nay Rosa. Ang lakas kasi ng boses ni Sei. Aaray siya tapos tatawa. Napakakakaiba.

Pinilit niya na tumayo kahit na nanlalambot pa ang mga binti para sumilip sa kabilang silid. Sa labas ng pinto ng silid na iyon, nakalupong ang mga bata hanggang sa dumating si Lea. Lahat sila ay nagsialis, dahil sa, pandidiri?

" Ruotse," bulong ni Sal.

Napangisi lamang si Lea. Maya-maya ay dumating si Nay Rosa para paalahanan silang lahat na kailangang magpahinga ni Sei. Yumuko si Lea, pagkatapos ay tumingin sa direksyon ng silid ni Sal. Madaling isinara ni Sal ang pinto. Bagama't sinabihan sila ng nakatatanda na hayaan nang magpahinga si Sei, nanatili si Lea sa silid. Nag-uusap sila.

"Ang hapdi siguro niyan. Ang sarap pilipitin," uyam ni Lea.

" Ang mahalaga ay nakatulong ako. Bahala na ang batas sa mga damuhong iyon," tugon ni Sei.

Ano kayang hitsura ng lalaki habang sinasabi niya iyon? Nakangiti ba kagaya parati? Kagabi ay nandoon ang galit, ang liyab sa boses niya. Tinanggla ni Sal ang sandalyas at nakapaang lumabas ng silid.

" Kapalit ng braso mo?"

"Gasgas lamang ito."

Humakbang palapit si Sal sa silid nila.

" Hindi naman niya tatanggapin ang tulong natin, ang tulong mo. Hayaan mo na lang siya. "

" Konstable ako." Bumontung-hininga si Sei. " Iyon ang trabahong binigay sa akin. Lahat ng mga babaeng iyon, lahat sila mapapahamak. Hindi lamang siya. "

" ALam mo naman na walang pakialam ang syudad na ito kung mawala sila. Sila. Kami. Kami iyong mga madudungis na pirata."

Mahigpit na tinakpan ni Sal ang tainga na parang mabubura niyon ang mga salita.

" Ruotse," buong niya. Pagsilip niya ay makikitang nakaupo si Sei sa papag na nagsisilbi ring kama. Nakabalod ng benda ang braso niya. Nakatalikod siya kaya lumapit lalo si Sal.

" Hala! NAndiyan ka pala." Sa gulat ni Sei ay madali niyang tinakpan ng kumot ang sarili dahil wala siyang damit pang-itaas sabay reklamo sa lamig.

"Alam mo, ang sakit niyan, Sei. Kung ako siguro ang nasa kalagayan mo, namatay na ako." Tinapunan ng masamang tinin ni Sal si Lea. " Mauna na ako sapagkat kailangan na kailangan mo ang pahinga."

"Sandali. Kararating mo pa lang, ah."

" Hindi niyo naman kailangan ang presensya ko. Nandiyan naman ang, Signorina Cuore."" May diin ng pagkakasabi ng Signorina. Mataman siyang tinitigan ni Sal nang ibagsak niya ang pint.

" Huwag mo na lang isipin iyon. Ganiyan lang talaga siya minsan."

Napakaswal ng tono ng kausap niya sa kabila ng benda sa braso niya. Ano iyna? Nais itanong san ani Sal, pero.

" Eto?"Tinuro ni Sei ang brasong nakabenda. Halatang-halata siguro na tumitingin siya ditto. " gasgas lang ito." Tulog ni Sei. Lumapit si Sal at pinindot ang benda. Napalakas yata kaya napaaray na naman ang Konstable.

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon