A/N: Pinakamahabang chapter so far
NAPAGKATUWAAN na naman ng mga bata na ikulong sa bodega si Lea. Hindi na nakakatuwa para sa kaniya pero wala rin siyang magawa. Siya rin ang talo kung lalabanan niya sila. Sa mga pagkakataong ito niya naalala ang Kuya niya. Hindi naman siya maipagtatanggol noon dahil mahina siya para gawin iyon. Pero kahit na ay natutuwa pa rin siya pag ipinagtatanggol siya nito sa mga bata na inaakalang magkakasakit sila pag nalapit sila sa kanya. Kagaya ngayon, oras na naman ng tanghalian kaya isinaktong may inasikaso siya sa bodega kaya siya nagawang ikulong doon ng mga bata.
May nagbukas sa kandado ng pinto. Si Zei na siguro iyon.
" Isusumbong ko na talaga sila kay "Nay Rosa," sabi nito. Nakasuot pa rin ang uniporme nito at halatang kagagaling lamang sa kabayanan.
" Huwag na. Hayaan mong magtae sila sa kinakain nila." Sagot ni Lea. Bahagyang inis lamang ang naitugon nito.Palibhasa, araw- araw na lang kasi itong nangyayari. Kumbaga, masasana ka rin. Niyaya na ng konstable si Lea na kumain pero tumanggi ito. Kaya wala nang nakapagtataka sa trato sa kaniya ng ibang bata. Ni hindi niya magiliwan ang mga ito.
" Saka isa pa, wala rin namang siyang gagawin. " sagot nito.
Naasar na si Zei. Ni hindi na nga madali para sa mga bata sa ampunan na tanggapin si Lea i dahil sa pinagmulan niya. Kahit paano man lang ay matuto sana siyang pakisamahan ang mga ito.
'' Wala kang pakialam." Sagot ni Zei.
" Hindi ako nagugutom. " tanggi nito. Wala namang bago. Bigla- bigla na lang siyang magdedesisyon. Kagaya ngayon.
" Kamusta na pala iyong bata?" tanong ng dalagita. Iyong batang babae na natagpuan nila sa labas ng ampunan ang tinutukoy niya. Mga dalawang araw na rin pala itong nakatuloy sa kanila.
" Nagpatawag si 'Nay Rosa ng manggamot. Iyong mga klase ng manggagamot na magara ang suot, iyong mga mamahalin magpabayad. Kaya agad din siyang bumuti." Sagot ni Zei.
" Walang sinasanto ang ganoong uri ng lason. Pumapatay iyon ng biktima sa loob lang ng limang minuto. Wala pa akong nakikita na nakakaligtas sa ganoon."
" Ngunit sa kaso niya ay humihinga pa natin siyang inabutan. Mabuti na nga siya ngayon. Sa katunayan, ang sabi ay baka magising na siya sa araw na ito."
Biglang namilog ang mga luntiang mata ni Lea sa narinig. At gaya ng lagi nitong ginagawa, pinangunahan niya i Zei at pumunta sa silid na tinutuluyan ng bata.
Nasa ikalawang palapag ang sild kaya hindi maiwasan na makikita sila sa komedor. Pasensya na lamang sila at nakabantay sa kanya ang konstable. Nang makarating sila, naabutan nilang may isang batang alalayi na nakahimpil din sa labas ng silid nito. Napabuntong- hininga na lang si Lea nang binawalan silang pumasok ng bata . Kumuha ito ng isang palanggana ng tubig sa kusina saka inihatid sa kanya. Sumunod na lang siya sa gusto ng batang alalay para matapos na. Inilublob ni Lea ang kamay sa maligamgam na tubig para magbanlaw. Sa matiim na titig ng bata sa mga kamay niya, halata na nandidiri sa kanya ito. Kaya nang matapos siya ay winisik niya ang tubig sa kaharap.
" Heto! Nahugasan na ang dumi ng pirata.Malinis na ako, ha."
Masyadong abala ang bata sa pag- iwas sa kanya at hindi napansin na maghuhugas din sana ng kamay si Zei. Itinanggi na iyon sa kanya. Akala ni Lea ay aabutin pa sila ng siyam- siyam bago makapasok kung hindi lang napakiusapan ni Zei ang bata. Nang makalis ito, walang pagsino-sinong pumasok siya sa silid para makita ang tagapangalaga na nakatayo sa tabi ng kama kung nasaan ang batang babae. Gising na siya, nakaupo ngunit hindi gumagalaw at ni hindi maaninag ang mukha dahil sa malago at mahaba nitong buhok. Maingay na binuksan ni Zei muli ang pinto at malugod na binati ang tagapangalaga sa loob. Nakapag- usap pa sila ng mga ilang minuto bago napansin ng nakakatandang babae na kasa- kasamang pumasok ni Zei si Lea sa loob.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
General Fiction"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...