" Taragis na biyaheng ito! Dapat ay umalis na ako nang pumasok ang sinumpang Cabot na iyon! "
Pinakinggan lang ni Sei ang nakatatandang opisyal habang pinapatakbo ang Carromata. Nakasakay ng kabayo si Sei, naka-antabay lang sa likod. Malamig na ang simoy ng hangin na sumalubong sa kaniya habang kumakanta pa rin ang mga palaka. Uulan na naman siguro nito, sabi ni Sei sa sarili. Mayroon lamang silang maliit na gasera at makasasama kung magkakaroon ng malakas na buhos ng ulan.
" Oo nga ho, masyado ngang tahimik, " sagot naman ng binata.
" Hindi ka naman marunong mapagod. " Umismid ang opisyal. " Ikaw pa, palibhasa, ikaw nga iyong bayani."
Nangisi naman si Sei sa binanggit niyang bayani at napabulong ng malakas sa sarili, " Oo, Bayani ng labanan sa laot. Batang may kamaong bato. Bato!"
Walang reaksyon ang nakatatandang opisyal at lumingon lamang sa kanilang pasahero. Naglaho ang sigla sa mukha ni Sei ng masulyapan niya ang babae sa Carromata. Ni hindi man makitaan ng gulat kahit na pasaglit siyang mahihiwalay sa upuan dahil sa pagtalbog ng kaniyang sinasakyan.
" Sabihin mo nga sa akin. Bata ba o estatwa itong hinahatid natin?" sabi ng matanda. Pumasok sa ilong ni Sei ang matapang na amoy ng alak mula sa hininga ng kasama. Lumingon si Sei para makita ang babae na nakatalungko at nababalot ng kumot . Halos hindi siya gumagalaw. Gaya ng dati, misteryo na naman kay Sei kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito.
" E, edi kung ano man iyon, ang mahalaga ay inutusan tayo ng Cabo Opisyal na ibalik siya ng ligtas sa gitna ng gabi. Espesyal na misyon. Masaya ito."
Nagpalatak ang nakatatanda. " Ikaw dapat ang nagtratrabaho dito. Sa iyo lang dapat trabaho ito." Ramdam ni Sei ang sama ng tono ng kasama. Kung kausapin siya ng mga kasamahan ay tulad ng pakikipag-usap sa katulong kahit na tinatawag nila siya sa kaniyang titulo.
"Kung mabulilyaso ko ang misyon na ito, walang mangyayari sa akin. "
Totoo naman ang sinasabi ng nakatatandang Ofisyal. Masuwerte na nga sila na makita siyang hindi lasing sa oras ng trabaho. Kahit na ganon siya umasal, ilang taon na ang itinagal niya sa pagiging Constable. Sumagot pa rin ang binata, " Nakakatawa, ho. Pero di nako natawa. Siguro biro iyan na hindi ko mahulaan. Bago yata iyan."
"Utak taga-bundok!"
Natahimik si Sei. Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa kabayo niya na tinitiis ang bigat ng taong nakasakay dito. Kailangan na nga niya itong bigyan ng kaunting grasya. Maya-maya ay nakarating sila sa isang parte ng daan. Kailangang mamili sa dalawang landas sa harap nila. Kitang-kita ni Sei ang ngisi ng matanda ng idirekta niya ang sasakyan sa kanan, sa mabatong daan. Halatang- halata na magtatagal sila bago makabalik sa Tanawa.
"Kailangan ay matapos ako agad dito. May naghihintay pang serbesa sa akin sa bahay, " sabi ng nakatatandang Ofisyal.
Binilisan ni Sei ang pagpapatakbo, " Oho, kailangan ay matapos nga agad. Ang mga lingkod ng batas, mabilis magtrabaho. "Tatapusin niya ng mabuti ang trabaho. Mabuti na lang ay hindi niya kailangan na makipag-usap sa babaeng kasama nila. Nakatakip pa rin ang mukha niya sa kumot. Aminado siyang mas komportable siya sa ganito. Sumisigaw sa gitna ng gabi ang babae ng makita nila siya sa tarangkahan ng casa kaya sinigurado ng binata na hindi niya siya hinawakan nang ibalot niya ang kumot sa kaniya.
Ang lupit naman na magbiyahe ang babaeng iyon kung maari naman siyang matulog doon sa casa. Hindi na lang iyon inisip ni Sei. Ang mahalaga ay magawa niya nang maayos ang trabaho niya.
" Hoy! Mauna mga taga-bundok, di gaya niyo, di ako makakakita sa dilim, " sigaw ng kasama. Napabuntong-hininga na lang ang binata. Napapatda na pala ang ilaw ng gasera nila. Mabuti na rin kaysa sa makita ng nakatatandang konstable ang mukha ng kasamang baae.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
General Fiction"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...