IX. laya

58 4 0
                                    

Maliwanag na naman ang buwan. Nakaupo ang batang babae sa loob ng isang karwahe at nakabalot sa yakap ng isang binate. Bumulong ang binata sa kaniya sa isang boses na kasinggaan ng mga ulap. Nakaunan ang bata sa kaniyang habang ang isang braso ay nakahawak sa baywang.

" Mi avis, mi amare, fieri liberta"

Sa liwanag ng buwan, makikita ang gubat sa labas ng karwahe na unti-unting nalalagas at nagiging mga magulo at kakatwang mga linya. Nanginginig ang mga anino sa itim na alapaap habang unti-unting lumalaki ang buwan.

Natagpuan ng batang babae ang kaniyang sarili na nakatayo sa lupa. Nasa likuran na niya ang karwahe at nandito sila ulit sa Casa. Tila higante ang Casa sa harap niya at nakaupo ang buwan sa mga tore ng kanilang Casa. Tila ba kinakain ito ng buwan.

Nanghina ang bata. May bagyo sa loob niya. Naghabol siya ng hininga sapagkat nakabaon sa kaniyang laman ay isang mahabang lubid na nakakabit sa kamay ng isang lalaki.

Wala nang tao sa loob ng karwahe.

Sinubukan niyang umutal ng isang pangalan. Ngunit walang pangalan ang lalaki sa harapan niya. Ang mukha niya ay parehong kaligayahan at pagkawasak. Sa kabila niyon, pinilit pa rin niyang magsabi ng pangalan. Banggitin ito ng malakas.

" Huwag kang mag- alala. Ligtas ka na."

Nagmulat si Sal at tiningnan ang bukas na pinto ng kuwarto. Tila napakaliit, madilim, at madumi ang kuwarto. Makati ang kumot na nakabalot sa kaniyang paanan at matamlay ang kulay ng kamisa na nakasuot sa kaniya. Nangangati siya sa tela. Pumaypay sa kaniyang mukha ang mahinang hangin mula sa bukas na bintana. Masyadong maliwanag, masyadong maaraw.

" Heto, kumain ka." Inilahad niya sa kanya ang mangkok na may sabaw. Tubig iyon. Mainit din. Hindi mabuti. Tubig din ang lason. Mainit. Oo, mainit na gaya ng naramdaman niya noon.

" Sabaw ng pinakuluang manok, luya, tanglad, at papaya. Huwag mong aayawan ang pagkaing ganito kagarbo,' sabi ng dalaga. Huminga lamang ito ng malalim at siya na mismo ang tumikim sa sabaw. " Babagsak ako ng walang malay sa loob ng ilang Segundo kung mayroon ngang nakahlo dito."

Isa, dalawa, tatlo. Tahimik na naghihintay sa kanya ang kaharap. Apat, lima, mukhang masarap nga, ngunit nakakatukso. Anim, pio, walo- tinitigan lamang ni Sal ang mukha ng dalaga, nawawala at naglalakbay ang utak sa mga luntiang mata.

Mabagal na sumalok ng sabaw si Sal. Pinakakatitigan ito. Madali naming hinipan ito ng dalagang kaharap. " Mainit iyan mapapaso ka." Tinikman ito ni Sal, ngunit parang walang lasa.

" Magdadala sana ako ng karayom para man lang mapatunayan kong mabuting kainin ito pero iyong si 'Nay Rosa ay aya akong pagbigyan.Nakakadiri daw. Kahit na ang ama kong purong Mutiaran alam nga niya na mabisa iyon," wika ng dalaga.

"Karayom." Nakatitig lamang sa kawalan si Sal." Tila kumpol ng karayom sa tiyan. "

Natahimik ang dalaga. Batid na niya kung ano ang tinutukoy nito.

" Mainit rin. Napakainit."

" Napakaswerte mo na buhay ka,," wika ng dalaga.

Inangat ni Sal ang ulo para tingnan ang dalaga. Hindi makapaniwala.

" Ic malediccio" bulong niya sa sarili. Walang emosyon sa kaniyang boses. Hindi makasagot ang dalagita sa harap niya. Nalukot saglit ang mukha ng kaharap. Wala siyang naiintindihan. Ginusto niyang hindi siya maintindihan.

" Makinig ka." Paunti- unting hinawakan ng dalaga ang kamay ni Sal.

" Pwede kitang tulungang umuwi, makatakas. Tutulungan kitang pumunta kung saan mo man gusto. Kung saan ka magiging ligtas." Halos pabulong ang pagkakasabi ng dalaga. " Magkabaro tayo. Dapat tayo nagtutulungan." Sa mga pagkakataon na ito, alam niyang hindi niya maintindihan ang talaga. Ang lahat ng sinasabi nito sa pagtakas, sa pagtulong. Ano ba ang dapat isagot? Si Sal ang tinatanong, hindi ba? KAya at marapat lang na ang isagot niya ay mula sa kanya mismo. Ngunit ni hindi rin malinaw kung ano talaga ang nais niya sa mga oras na ito.

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon