X. pagbulabog

52 4 2
                                    


A/N: Unedited




KINABUKASAN, ipinilit nila kay Sal ang normalidad. Binisita siya noon ni'Nay Rosa, oras na daw para matuto siya ng mga bagong bagay. Wala na sa tono niya iyong kunwaring lambing at tanging mababang tono ng pagbababala ang narinig niya. Ang sabi niya, magugustuhan niya daw ang ibang mga bata. Walang pakialam doon si Sal.

Tila maliit ang espasyo sa tanggapan sa unang palapag kahit na kung tutuusin ay kasinlaki lang ito ng sa kanilang Casa.May mga ilang dosenang bata ang nakapaligid sa kanya, pare- parehong abala sa kanilang mga Gawain. Nagkukuskos ng kahoy na sahig, nagwawalais, nagpupunas ng mga kagamitan. Paulit- ulit na tunog at tanawin. Pamaya't- maya ay may mga pagkakantiyawan. Kakaiba ang nakikita niya.

" Ang tanga mo! Ni hindi ka marunong gumamit ng walis."

Biglaan, nakatitig sila lahat sa kanya. May mga tumatawa. Hinigpitan ni Sal ang hawak sa walis a sinubukang iwasiwas ito parro't- parito gamit ang mga kiming kamay. Mas malakas na tawanan. Tila nagmanhid ang mga daliri niya.

Nasa kaliwa lamang niya ang malaking hagdan. Kung aaakyatin iyon ay hindi aabot ng isalng minute kung mag- isa lamang siya. Ngunit, tila nakatanim ang mga paa niya sa sahig. Nakatitig sila lahat sa kanya. Ilang dosenang kayumangging mga mata.

Dumating si 'Nay Rosa at parang mga daga silang nagsitakbuhan pabalik sa kanilang mga pwesto. Nagbabait-baitan. Nilapitan siya ng nakakatandang babae, pinanapanatili pa rin ang disansya sa pagitan nila. Mukhang may sinabi ito pero wala nang narinig dito si Sal at pinanood na niya lang ito na pumunta sa may pintuan ng ampunan.

May dumating na liham.

" Bumalik ka muna sa silid mo, ha," sabi sa kanya ni 'Nay Rosa. Tiningnan lamang siya ni Sal, sa baba.

" Gawin mo na lang ang sinasabi ko."

Para siyang iyong mga tagapagsilbi. Palagi silang naglilihim. Sumuway si Sal at tahimik lamang na umakyat ng hagdan pero nagtago sa likod ng mga riles ng hagdan. Pinapanood ang lahat sa likod ng mga maliliit na butas.

Nagsama-sama ang mga bata. Nagsalita sa isang malakas na boses si 'Nay Rosa.

" Maging handa tayo. Visita Ofisyal sa susunod na linggo at kailangan na matuwa sa atin ang Signor na darating." Nanahimik ang mga bata. May nagtanong,isa sa mga matatangkad na bata, " Kasama rin ba sila sa dadalawin?"

Sumagot si 'Nay Rosa nang hindi nawawala ang kalma ng boses. " Hindi iyan ang dapat na iniisip mo."

Sumaglit siya ng matalim na tingin sa direksyon ni Sal.



INUTUSAN sila na magburda sa isang kapirasong tela na gagamitin raw para sa pagdating ng bisita. Kailangan na matapos ito sa isang linggo. Madalas, matutusok si Sal sa karayom. Marumi rin ang pagkakagawa niya dito. Wala siyang alam sa kung anong gagawin, pero mas mabuti na ito kaysa sa wala. Mas maganda na ito kaysa sa magtrabaho sa labas ng silid. Wala rin naman siyang silbi doon.

Dagling pumasok si Lea sa silid.

" Bitawan mo iyan."

'Bakit?' ang nais itanong ni Sal.

" Makinig ka sa akin. Bitawan mo iyan." Nawalan na siguro siya ng pasensya at hinablot ang karayom mula kay Sal, kamuntikan nang magalos si Sal sa pisngi. " Ginagawa niya ito para manatili tayo dito. Para makontrol niya tayo."

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon