Chapter 1

5.5K 115 3
                                    

Hottie


Huminga ako ng malalim ng natanaw ko ang grupo sa hallway ng second floor. Nung una,hindi ako makapaniwala na may mga ganitong tao ang nag e-exist sa lipunan. Yung kung sino pa ang ma-swerte sa lahat ng bagay, sila pa yung matabang ang buhay. Hindi ko alam kung anong pwedeng panimpla ang gamitin sa kanila ng magkaroon ng kulay at masayang buhay. Nang makita ako ay kanya kanya silang nagsisikuhan. Nakita ko ang pag ismid ni Althea dahil sa bulong ng isa sa alipores nya.

" Jade, you wanna join my group? ", alam ko na snob si Althea. Himala na kinakausap nya ako ngayon.

With my poker face, umiling ako. Wala akong ambisyon na makisama sa grupo nila. Mas gusto ko na mag isa.

Umirap ito. " You don't want to be my friend? "

" Hindi sa ganun. Okay na ako na mag isa. Marami naman dyan ang gustong sumali sa grupo nyo. Sila nalang."

Tumalikod na ako para pumasok sa classroom. Malapit ng mag umpisa ang unang subject. Ngumiti ako kay Pia na laging seatmate ko simula freshman ng high school hanggang ngayon. Kung kaibigan, siya lang yun. Nag iisa.

" You're so mayabang! Ikaw na nga itong isasali sa grupo ikaw pa ang umaayaw! You should feel honor to be with us kahit poor ka.I don't know why you are even in our school eh hindi naman mayaman ang parents mo! You don't belong here tapos ang kapal ng mukha mo na isnabin ako?"

Natigilan ang mga kaklase ko sa pagtaas ng boses ni Althea na lumapit sa pwesto ko. Tama naman sya. I'm not suppose to be here. I don't belong here. Dahil sa dahilan na hindi kami mayaman. Kaya ako nakapasok dito dahil sa scholarship na ibinigay sa akin.

Mapait akong ngumiti sa kanya. I maybe poor but i'm not stupid not to fight back.

" Kaya nga ayaw ko na sumali sa grupo nyo dahil mahirap lang ako diba? Hindi ko ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin."
Dahil sa status ko, madalas akong tuksuhin na mahirap, madalas akong binu-bully unang araw ko pa lang sa skwelahan na to. Pero tiniis ko. Ayaw ko na maapektuhan ang scholarship ko dahil pinatulan ko ang taong katulad nya. The insult and the bullying didn't stop. They keep me isolated and no one approach me except Pia. Kahit mayaman ito, nagiging magkaibigan kami.

" Stop it Althea..."
Umiling si Pia na nakatitig kay Althea. Hindi ko alam kung anong meron ang dalawa at umuurong buntot ni Althea pag si Pia ang kaharap.

Nagdadabog itong umupo sa pwesto nito na hindi maipinta ang mukha. Tanging tipid na ngiti ang iginawad ko sa kaibigan ko. I survived my high school life because of her.

Sa ilalim ng mga puno ang naging paboritong tambayan namin ni Pia kapag nagre-review at breaktime.

" Ga-graduate na tayo pero hindi pa rin nagbabago si Althea."

Huminga ako ng malalim at nakasimangot na nakatingin ako sa kanya.

" Hindi na siguro mababago yun. May mga taong hindi nagbabago kasi wala sila sa sitwasyon na magbago."

Tumawa ang kaibigan ko.

" We're only sixteen pero ang lalim ng mga hugot mo."

Hunyo pa lang kaya mahabang panahon pa na makakasama ko sila. Sabagay, huling taon na rin naman to kaya pagtyagaan ko na. As if may pagpipilian ako.

" Saan ka magkolehiyo?"

Malungkot ko syang tiningnan at nagkibit balikat.

" Hindi ko alam. Baka hindi ako makapag aral ng kolehiyo dahil hindi ako mayaman. If ever, magtatrabaho siguro ako pagkatapos."

" Sayang kung hindi ka makapag aral ng college. Bakit di ka mag apply ng scholarship? You have a future and you know that."

" I do have a future but i don't have  a money for that."
Which is true. May mga naisip na akong solusyon para sa kolehiyo ko pero hindi ko alam kung mangyayari ba. " Ikaw?"

" My parents want me to study abroad. Ayaw ko sana kaya lang nagagalit sila kapag hindi ko sinusunod."

" Ang swerte mo nga na makapag aral ka at ibang bansa pa! Kaya pagbigyan mo na sila."

Ngumiti lang ito at hindi na nagkomento. Lagi kong napapansin na laging malungkot ang ngiti nito pag pamilya ang pinag uusapan.Hindi ko alam ang istorya ng pamilya ni Pia at kahit kilan ay hindi ito nagkukwento na inintindi ko naman. Baka, gusto lang nito gawing pribado ang tungkol sa pamilya. Isa pa, wala na ako dun.

Nagkakagulo ang ibang mga estudyante sa labas ng classroom namin ng bumalik kami. Nagkatinginan kami ni Pia. May nangyari bang sabunutan sa grupo nila K at marami silang fans sa labas ng room namin?

Our adviser standing in front of us with a new student? Bagong lipat? Kaya pala nagkakagulo sa labas dahil may bagong lipat na estudyante at kaklase namin. At higit sa lahat, gwapo, matangkad, at syempre mayaman. With his handsome poker face and bad boy aura, alam ko na maraming maghihilahan ng buhok in the future.

" May bago kayong classmate, and this Kaius Moirey. Please behave yourself. And you can ask Ms. Jade if you have a question about anything."

Nakaalis na yung adviser namin pero ang tingin ng mga kaklase ko at sa bagong estudyante ay palipat lipat sa aming dalawa.

" Bakit ako?", bulong ko kay Pia.

" Dahil ikaw ang president ng classroom natin?"

I rolled my eyes to her. Obligasyon ko pa ngayon yung bagong estudyante?

As if the newbie is carrying a bomb, sobrang tahimik ng room namin na pinagmamasdan itong naglakad patungo sa bakanteng upuan sa kanang banda ko. Nagkibit balikat nalang din ako ng makita ko na wala itong pake sa paligid. Yung mga kaklase ko na parang mga taong lobo na naghihintay na lapain yung baguhan. Even Pia keep looking at him.

Kinuha ko ang libro para sa susunod na subject at nagreview habang abala ang mga tao sa paligid ko pagmasdan yung transferee na walang pakialam sa mundo. Naglagay ito ng earpods pagkatapos kalikutin ang cellphone nito. Then close his eyes. The girls went nuts and even took a picture of him. Kahit bulong ay naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nila : that he is a hottie. Mas alam nila yung salitang hottie kaysa paano bigyan ng solusyon ang math problems. Napairap ako ng wala sa oras.

Lalapit naman siguro sya kung may itatanong diba?

You, Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon