Chapter 6

69.8K 1.3K 23
                                    

Chapter 6

ANGELA

*Past*

Napaigtad ako sa gulat ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod habang nagpeprepare ng agahan, "X-xander?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"I'm sorry Hon. I'm sorry." He said apologetic

Kahapon kami nag-away at hindi rin siya umuwi kagabi, hindi ko na siya tatanungin kung saan siya galing dahil sigurado namang kasama lang niya ang mga kaibigan niya, napaawang ang aking labi nang maramdaman kong nabasa ang balikat ko.

"H-hon, are you crying?"

"I'm sorry for not understanding you. I'm sorry for being cold and I'm sorry for what I've done. I'm so sorry."

Humarap ako sa kaniya at sinapo ang kaniyang mukha, "Hey don't cry. Ano ka ba? Alam mo namang iyakin ako eh." I said as my tears flows too, "I have fault too hindi muna kita kinunsulta bago ako magdesisyon. I'm so sorry." I hug him

"I love you Hon. Mahal na mahal kita, always remember that."

"I love you too and I'm sorry if I can't quit my job." I said

"Ok na sa akin na magtrabaho ka, ang mahalaga huwag ka lang mawala sa akin." sabi niya na ikinangiti ko

"Thank you."

"I love you." He said lovingly then kissed me

Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng araw na iyon at balik kami sa dati ng asawa ko except sa sabay kaming umaalis sa bahay dahil nagtatrabaho na rin ako.

"Hon!" Kinatok ko siya sa banyo

"Bakit?"

"Tumawag si Hans, cancelled daw ang meeting niyo ng 8am."

"Ok!"

Naglakad ako palayo ng sumagot siya hawak ko pa din ang cellphone niya nang may nagtext.

Alexander, si Lara 'to. May sasabihin ako sa'yo.

Lara? Sinong Lara? Wala akong kakilalang kaibigan niya na Lara ang pangalan. Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng banyo.

"Hon may nagtext." sabi ko

"Sino?" He asked

"Lara daw."

Kumunot ang noo niya, "Lara?"

"Oo. Sino siya?" tanong ko

"A-ah! Si Lara! Ang bagong branch manager sa Cebu."

Muntikan ng tumikwas ang kilay ko, "Bakit Alexander lang ang tawag sa'yo? Di ba dapat may SIR?" idiniin ko ang salitang Sir

"Ahm...si Lara kasi 50 plus na syempre medyo alangan kung tawagin niya akong Sir, eh mas matanda pa siya kay mommy."

"You sure about that, ha?"

Lumapit siya sa akin at naglalambing na yumakap sa akin, "Hon...huwag ka ng magselos, umagang-umaga, atsaka hindi naman ako magkakagusto sa isang babaeng mas matanda pa sa nanay ko at hinding-hindi na ako magkakagusto sa ibang babae maliban sa'yo."

"Siguruhin mo lang Xander. Ay! Sinasabi ko siya, gagawin kong basahan ng sahig ang kabit mo at ikaw iiwan kita ng may bakas na kamay ko ang magkabila mong pisngi." pananakot ko sa kaniya

Nakita ko kung paano siya mapalunok, "Don't leave me." He said

"May ginawa ka bang kasalanan sa akin?" Kunot-noong tanong ko

"Wala! Kaya huwag mo kong iiwan."

Weeks passed by parang mas naging sweet sa akin si Xander pero may mga sandaling aloof siya tuwing tinatanong ko siya kung anong ginawa niya maghapon o kung saan siya galing kapag gabi na siya nakakauwi. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko, para bang hindi ako mapakali, parang may itinatago siya sa akin. I called Lady dahil sa aming apat na magkakaibigan siya ang mas madaming experience sa relationships and she's a B.S Psychology graduate.

"Hello A!" bati niya

"Dy, may problema ako."

"What is it? Should I call the girls?"

"No! Huwag muna. I-i just need an advice from you."

"What kind of advice?"

"Its about Alexander and his behaviour."

"I'm listening." She said

Kinuwento ko lahat pati iyong pagkakaroon niya ng another phone na may password.

"Tingin mo may babae ang asawa ko?"

"Well my friend, it seems impossible because of how I see Alexander he's so much inlove with you pero may tinatago ang asawa mo eh hindi lang ako sigurado kung ano o sino at ang sabi mo may kutob ka, bakit hindi mo imbestigahan or you want me to ask for Cami's help alam mo naman ang babaeng 'yon madaming connections."

"No need. I'll hung up now. Bye Dy, thanks."

"You're welcome A. Bye."

Ibinaba ko ang cellphone ko, d*mn it! gulong-gulo na ko. I received a text message from Briana

'May sakit ba si Alexander?'

Kumunot ang noo ko, 'Wala naman, why?' I replied

'I'm in Dela Vega's hospital right now. Nakita ko siya although hindi ko na siya nalapitan dahil mukhang nagmamadali.'

I received another text this time its from my husband, 'Hey, hon. Malelate ako ng uwi, I have a meeting to attend to.'

Hindi kaya may sakit na itinatago ang asawa ko? Lalo akong nakaramdam ng takot so I did what I have to do I rushed in the hospital.

"Excuse me miss, meron bang Alexander Montero ang nagpacheck-up or admit dito?"

"Wait lang po ma'am ichecheck ko po."

Hindi ako mapakali habang naghihintay, sana naman ok lang ang asawa ko.

"Ma'am wala pong Alexander Montero dito."

"Ok. Thank you." I said then texted Briana

'Are you sure nakita mo ang asawa ko aa ospital?'

'Yup! Kagagaling ko lang sa eye specialist ko. May bago akong salamin.'

Tumingin ako sa harapan ko at bigla akong natigilan ng makita ko ang asawa ko na may kasamang babae, the woman has a small baby bump pero halatang buntis ito.

"A-angela..." gulat na tawag ng asawa ko

My jaw clenched, my heart is beating so fast and my knees are trembling. Please sana naman mali ang iniisip ko.

"Alexander, what are you doing here? I thought you have a meeting?" Pinatapang ko ang boses ko kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko

"Angela,"

"Aren't you going to say anything other than my name?" I asked my eyes started to water

"I'm sorry."

Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas, so tama ang hinala ko? May babae sya at magkaka-anak pa sila. Umupo ako sa upuang malapit sa akin, pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilang hindi maiyak.

Lumapit sa akin si Alexander at pumantay sa akin, he looks apologetic, "Hon...let me explain."

"Kailan pa? Kailan pa Alexander?" halos pabulong na sabi ko

"Hon umuwi muna tayo."

I looked at him then my gaze shifted to his mistress, "Kaya kong umuwing mag-isa pero ang kasama mo mukhang hindi." matigas kong sabi

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon