Chapter 10

73.7K 1.3K 104
                                    

Chapter 10

ANGELA

Lihim akong napangiti ng makita kong nabibigatan si Xander sa mga pinamili ko. Hirap na hirap na siya sa dami ng pinamili ko.

"Hon are you not done yet?" He asked

"Bakit pagod ka na? Pwede namang mauna ka na sa bahay." Suwestiyon ko

"Sabi ko nga mamili ka pa. Ano pang gusto mong bilhin? Bag? Sapatos? Damit? Bilhin ko na kaya ang buong mall na 'to?" Aniya na parang bata

I smiled at him pero pinahalata kong pilit iyon then I rolled my eyes, pupunta ako sa store ni Briana, kung saan mabibili lahat ng mamahaling signature bag, pero bago pa ko makarating doon ay may kumuha ng atensiyon ko na dalawang maneuqin, mukhang mag-ama ang mga ito dahil pareho ang suot ng mga ito at pang-kids size ang isa, my son suddenly crossed my mind that made me smile.  Pumasok ako sa store na iyon at hinawakan ang damit na pambata habang nakasuot sa maneuqin.

"Good afternoon ma'am." bati ng saleslady

Ngumiti ako rito, "Its beautiful."

ALEXANDER

Biglang natigilan si Angela nang makakita siya ng damit. For the first time shecame back I saw her genuine smile.

"It's beautiful."

"4 or 5 na po ba ang anak niyo? Sigurado po ang cute niya, ang ganda niyo po kasi. Siya po ba ang asawa niyo, ma'am?" The saleslady said referring to me

Angela looked at me and her smile fades, "Ahm..." bigla siyang umiwas ng tingin at parang hindi siya komportable sa usapan, bakas sa mukha niya ang lungkot at sakit, "Let's go." mahinang sabi nito sabay labas sa boutique. Bigla akong nakaramdam ng guilt, alam ko kung bakit ganoon na lang ang ikinilos niya. Siguro dahil naalala niyang wala na ang anak namin at kasalanan ko iyon.

Huminto sa paglalakad si Angela at hinarap ako, "Dito ka muna. MagsiCR lang ako." aniya

Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng asawa ko. Alam kong nasasaktan ko na naman siya.

Naabutan kong nakaupo si Lara na nakupo sa lobby ng ospital. Ngayon ang check-up niya, sa totoo lang ayoko siyang samahan at suwayin ang asawa ko pero tama si Lara, resposibilidad ko ito at kahit man lang sana pagsama sa monthly check-up ay magawa ko.

"Hi Xander!" maligayang bati niya nang makita ako

"Let's go." malamig kong sabi, Lara is 7 month pregnant now at babae ang magiging anak ko. Its good that the baby is a girl mas gugulo kasi kung lalake because we have this tradition na kung sinong panganay na lalake ay siyang susunod na hahawak ng Montero regardless if he's an illegitimate son, iniisip ko paano si Angela at ang mararamdaman niya.

"The baby is healthy." The doctor said

Tinignan ako ni Lara at ngumiti ng matamis, tipid ko siyang nginitian tuwing sinasamahan ko siya dito ay parang dinadaga ako parang anytime kasi susulpot sa harap ko si Angela.

"That's good to hear." I said

Habang papalabas kami ng ospital ay kinakausap ako ni Lara tungkol sa bata.

"Kailan tayo bibili ng mga gamit para sa baby natin?" tanong niya

"I'll give you money to buy things the baby needed."

"Hindi mo ko sasamahan?" malungkot na wika nito

"Listen Lara, hindi pwedeng lagi akong sasama sa'yo, I have a wife."

"Pero magkakaanak na tayo."

"Alam ko 'yon kaya nandito ako dahil sa totoo lang I wouldn't even be here if it's not because of my child."

Ilang segundo siyang natahimik habang tinatahak namin ang daan papunta sa parking lot nang hawakan niya ako sa braso dahilan para matigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya at kita ko ang lungkot sa mukha niya, "Xander...hindi mo ba pwedeng hiwalayan si Angela? Akin ka na lang. Amin ka na lang ng anak natin. Mahal na kita Xander." bago pa ako makapagsalita ay siniil niya ako ng isang halik

"WHAT IS THE MEANING OF THIS, ALEXANDER?!" Madali akong humiwalay kay Lara nang marinig ko ang boses ng asawa ko

"Angela! I-i can explain." kinakabahang sabi ko

"Explain what?!! Na hindi mo lang ako sinuway nakikipaghalikan ka pa sa malanding babaeng ito?!" sigaw nito

"H-hon---" natigil ako sa pagsasalita nang biglang sabunutan ni Angela si Lara

"Ikaw na putang babae ka sagad na sagad na ko sa'yo! Wala kang karapatan na halikan ang asawa ko!! Putangina mo!!"

Agad kong pinaghiwalay ang dalawa pero malakas na naitulak ni Angela si Lara dahilan para mapasalampak ito sa lupa, "Aww..." daing ni Lara.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong dinudugo siya, "X-xander ang baby natin!" anito na umiiyak, agad ko siyang dinaluhan at binuhat.

"Tulungan niyo kami!" sigaw ko ng makapasok kami ng ospital, agad na may lumapit sa aming nurse at doktor

"Anong nangyari?" tanong nito

"Natumba siya at dinugo." sabi ko

Madaling dinala sa ER si Lara habang naiwan ako sa labas na hindi mapakali, "X-xander." tawag ni Angela

Galit na hinarap ko siya, "What have you done, Angela?! Masaya ka na ba na nasa loob ng pesteng kwartong 'yan si Lara?!"

Her tears flowed, "Masaya? Tingin mo ba Xander masaya ako sa mga nangyayari?" Pinunasan niya ang mga luha gamit ang kaniyang mga kamay, "Nakabuntis ang asawa ko ng ibang babae!"

"Oo nagkasala ako sa'yo but doesn't give you the right to hurt her!"

"And who give you the right to hurt me?!" pabalik niyang tanong

"Umalis ka na muna Angela." I don't need this right now. Bukas ko na lang siya kakausapin, kailangan kong masiguro na ligtas ang bata

"You want me to leave?" Hurt was written all over her face.

"Yes." Tinalikuran ko siya ng biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas doon ang doktor

"Ikaw ba ang asawa?" tanong nito sa akin

"Ako po ang ama ng bata." sagot ko, "How's the baby, doc?"

"Kailangan na naming ilabas ang bata."

Bigla akong nakaramdam ng takot para sa anak ko, "Pero doc, 7 months pa lang ang anak ko."

"We have no choice, mamatay ang bata kung hindi pa natin siya ilalabas." anang doktor

"Do everything to save the baby." I said, tumango ang doktor at pumasok uli ito

"I-i'm sorry." Hingi ng paumanhin ni Angela mula sa likod ko, hinarap ko siya at kita kong puno na ng luha ang kaniyang mukha, "Goodbye Alexander." Then she left, gusto ko siyang sundan pero mas kailangan ako dito.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon