Chapter 28

63.6K 1.1K 24
                                    

Chapter 28

ANGELA

I was watching my son and husband playing, nasa park kami ng village at nagpipicnic, nakaupo ako sa blanket habang naglalaro ng soccer ang mag-ama. Xander is teaching Andrei how to kick the ball properly. While watching them, I can't help but to reminisce the past.

I looked at my watch and saw how late my friends are. Five ang usapan namin at 30 minutes na silang late. I texted them, ang sabi naman nila malapit na sila. Tumingin ako sa paligid, malapit ako sa field at may naglalaro ng soccer. A particular player got my attention, I know him, he's Alexander Montero, isa sa mga sikat na lalake sa campus, lahat yata ng babae kilala siya well ang gwapo naman kasi ng mokong kaya lang mukha siyang mayabang, ang presko pa and from what I've heard bulakbol siya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya graduating. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon nasa varsity siya.

Titingin na sana ako sa ibang direksiyon ng bigla siyang tumingin sa direksiyon ko dahilan para magtama ang aming mga mata. I saw how his lips form a smile, is he smiling to me? Baka naman hindi sa akin, pasimple akong lumingon para tignan kung may tao ba sa bandang likod ko pero wala naman. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay nanlaki ang aking mga mata, the ball is heading to him at bago pa ko makasigaw ay tumama na sa ulo niya ang soccer ball, rinig ko rin ang malakas na tili ng mga babaeng nanonood sa practice nila.

Lumapit ang mga teammates niya sa kaniya while the girls are bit hesitant kung lalapit ba o hindi pero sa huli ay lumapit rin sila kay Alexander. Hindi na ko nangahas na lumapit, para saan pa di ba? Ang dami na nila doon tsaka hindi naman kami close. After a minute sabay-sabay dumating ang mga kaibigan ko.

"What is happening?" Lady asked

"May natamaan lang ng bola." Sagot ko, "Tara na." Aya ko sa kanila

Kinabukasan, maaga akong pumasok balak kong magbasa sa library at habang papunta ako doon ay may naririnig ako.

"Psst!" Hindi ako lumingon, "Psst!" Hindi uli ako lumingon

Alam kong ako ang tinatawag ng kung sino man iyon dahil ako lang naman ang nasa corridor dahil maaga pa at wala pa masyadong mga estudyante.

"Angela!" Doon ako tumigil sa paglalakad at lumingon and there I saw Alexander.

"Do you need anything?" Tanong ko

"Kanina pa kita tinatawag." Aniya

"Really? Akala ko aso ang tinatawag mo." Maanghang kong sabi

He bit his lower lip, "Sorry."

"Do you need anything?" Tanong ko uli sa kaniya

Bigla siyang pumormal, "I'm Alexander Montero. Xander for short." He offered his hand and for me not to be rude ay tinanggap ko iyon

"Earlier you called my name so I think you know me."

"Tama nga ang sinasabi nila tungkol sa'yo." Aniya dahilan para kumunot ang noo ko, "Mas maganda ka sa malapitan."

Hindi ako ngumiti, "Iyon lang ba ang sasabihin mo?"

Umiling siya, "May atraso ka sa akin."

Atraso? Kailan pa ko nagkaroon ng atraso sa kaniya?

"Wala akong atraso sa'yo baka ibang tao 'yon."

"Sigurado akong ikaw 'yon."

"Alexander, right? Ngayon lang kita nakilala at nakausap so tell me paano ako magkakaatraso sa'yo?"

"Yesterday at the field, ikaw ang dahilan kaya ako natamaan ng bola." Seryosong sabi niya

"Sa pagkakatanda ko, hindi ako ang sumipa ng bolang tumama sa ulo mo."

Tumango-tango siya, "You're right pero ikaw ang dahilan kaya hindi ako naka-iwas."

Bago pa ko makapagsalita ay inunahan na niya ako, "I was lost by your beauty. Ni hindi ko naramdaman ang paparating na bola kaya ikaw ang may kasalanan and for that you owe me." He smiled, a kind of smile that made my heart jumped. "I demand a date."

Hindi ako makapagsalita tila namanhid ang aking dila, did I hear it right?

"Silence means yes, mamaya hihintayin kita sa pathway." Bago pa ko makapagsalita ay nakaalis na siya

Hihintayin niya ko? Alam ba niyang 9pm ang labas ko?


"Mommy, I'm hungry." My son said


"Ok, kumain na tayo." Tinignan ko si Xander simula kaninang umaga hindi pa niya ako kinakausap, alam kong galit siya sa akin. Siguro nga sumusobra na sa tigas ang puso ko, maybe bumabalik ako sa dating ako. Back when I'm highschool I was known as the Ice Angel, hindi kasi ako sociable na tao kaya iilan lang talaga ang mga naging kaibigan ko. Nagbago lang iyon noong naging kami ni Xander, natuto akong i-express ang nararamdaman ko ng walang takot. Pero ngayon siya ang dahilan kung bakit ako natatakot, I was afraid to admit na mahal na mahal ko pa rin siya.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon