Chapter 23

66.5K 1.3K 30
                                    

I dedicate this chapter to @Ginq-GinqWestlife. 😊😊

Chapter 23

ANGELA

He's ruthless! He left me no choice! Alam niyang wala akong laban, wala na ang dati naming kapagyarihan, my family is suffering a financial problem, nagpapagamot pa si Daddy, si Ali naman ay nagmamasteral at hindi na namin kakayanin kung kakalabanin ko pa ang gago kong asawa. Kahit pa si Cami ang abogado ko alam kong mahihirapan pa rin ako at madadamay pa si Andrei

"Anong pinag-usapan niyo?" bungad ni dad ng makauwi ako

I gave him a small smile, "Ok na kami dad. Nagpaliwanag na siya and...I decided na ipakilala na si Andrei. Uuwi na po kami." pagsisinungaling ko

Tumango si Daddy, "I will respect your decision kung gusto mo ng bumalik sa bahay ng lalakeng iyon then go iyon nga lang mamimiss ko ang makulit na bulilit."

"Bibisita naman po kami Dad and about the Estate, its yours again but for now ako muna o si Ali ang magmamanage habang nagpapagaling ka."

"No princess, ibalik mo kay Alexander ang Estate hindi ko tatanggapin ito."

Like what I expected, hindi niya tatanggapin ang Estate kaya kay Ali ko ito ibibigay. Nginitian ko na lang si Dad at niyakap after that I went straight to my son's bedroom.

Busy ito sa panonood ng t.v at nang mapansin ako ay agad itong lumapit at nagpabuhat, "Miss mo na agad si mommy?" tanong ko sa kaniya

He nodded, "Mommy saan ka galing?"

I smiled kahit pa kinakabahan ako, "W-well I went to you dad's office."

Kita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata, "My daddy? Pinuntahan mo po siya? Bakit hindi mo ko sinama?"

"Yes, your daddy. Hindi kita sinama kasi nag-usap pa kami but don't worry nasa labas ang daddy mo, hinihintay ka."

Unti-unting binabalot ng excitement ang kaniyang mukha, "Really mommy?!"

"Yes."

Mabilis siyang tumayo sa kama at tumakbo palabas, " Be careful Andrei! Don't run."

Napahinto siya sa pagtakbo at ako naman ay lumapit sa kaniya at binuhat siya.

"I will see my daddy! Yehey!"

Napangita ako ng malungkot, am I bad for keeping him from his father? Akala ko napupunan ko ang pwesto ni Xander pero hindi pala.

Lumabas kami ng bahay at madali kaming sinalubong ni Xander, "I-is he?" tanong niya

Tumango ako, kinuha niya sa akin si Andrei at niyakap ito ng mahigpit, "Are you my daddy?" tanong ni Andrei

"Yes son. I'm your daddy." I saw his eyes watered as he hugged our son

Umiwas ako ng tingin, "Mag-aayos lang ako ng gamit." paalam ko but Xander held me

"No need. We are going to the mall, we will have our first family bonding, buy everything Andrei needs and wants."

"We are going to the mall, daddy?" tanong ni Andrei

"Yes kiddo. Do you want something?"

I sighed, I know he will spoils our son

Ilang segundong nag-isip si Andrei nang mukhang may pumasok na magandang ideya sa isip niya, "Oh I know! I want a bicycle daddy."

"No bicycle, Andrei." I told him, he's only four masyado pa siyang bata para matutong magdrive ng bike, ok na ang mga toy car niya at least doon hindi siya ma-a-out of balance

Andrei pouted kapagkuwan ay naglalambing na yumakap sa ama, "Daddy, ayaw ni mommy. Convince her that I'm a big boy already."

Xander looked at me, may sinusupil siyang ngiti, I know he wants to smile but then he's mad with me, "Let him have a bike."

"No Xander. Masyado pa siyang bata."

"May training wheels naman."

"Please mommy. Tuturuan naman po ako ni daddy..." he pleaded

I sighed again, "Bahala kayo." pagpayag ko

"Let's go." aya niya

Inilagay niya si Andrei sa passenger seat habang ako ay umupo sa tabi niya. Wala akong imik buong byahe hindi tulad ng dalawa, halatang sabik na sabik sa isa't-isa.

"Daddy titira ka na ba sa house namin?" tanong ni Andrei na nakakuha ng atensiyon ko, napatingin ako kay Xander gamit salamin sa harap

"No, son. Kayo ang lilipat sa bahay natin."

"We have a house?" my son asked

"Yes. Its a big house just like your grandfather's house." aniya

"Mommy hindi na po tayo babalik ng Switzerland?"

Kunot-noong tinignan ako ni Xander, actually next week dapat ay babalik muna kami sa Switzerland kailangan ko kasing asikasuhin ang business ko doon pero mukhang imposible na ngayon ito dahil hindi ako papayagan ni Xander na umalis lalo na kung kasama ko si Andrei.

"H-hindi na." medyo nautal kong sabi

"Hindi na kayo babalik doon o kung sakaling babalik kayo doon kasama ako, right Angela?" tiim bagang niyang tanong

"Do I have a choice?" I said with sarcasm

Humigpit ang hawak niya sa manubela habang ako ay tumingin sa labas ng bintana

"Mommy," tawag ni Andrei

"Yes baby?" Malambing kong baling sa kaniya

"Since daddy is here, can I have a baby sister?"

Halos mapanganga ako sa tanong niya, napatingin ako kay Xander sabay lunok. I saw him smirked, bipolar talaga ang lalakeng 'to, kanina galit, ngayon naman nakangisi.

"Of course son. Walang hindi ibibigay si Daddy sa'yo."

Oh crap! May balak pa yatang buntisin ako uli ng mokong na 'to.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon