Chapter 8

69.1K 1.4K 37
                                    

Chapter 8

ANGELA

It's positive. Nanginginig na ibinigay ko kay Xander ang result. Nang makita niya iyon ay niyakap niya ako.

"I'm so sorry, hon."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha, I readied myself for this but I still can't help not to get hurt. Hirap na nga akong mabuntis, nakabuntis pa ng iba ang asawa ko. Hindi ko tuloy malaman kung magagalit o matutuwa ang father-in-law ko, he wants a grandchild badly. Kumawala ako sa kaniya

Pinunasan ko ang aking mga mata at pisngi, "Congratulation hon magkakababy ka na." I wanted to sound it like a joke but it turns out as a sarcasm

Guiltiness filled his face kaya humingi ako ng tawad, "I'm sorry."

"Angela,"

I tried to smile, "May meeting pa ako. Magkita na lang tayo sa bahay mamaya."

"I'm sure by now hawak na niya ang annulment papers." Sabi ni Cami

Tumango-tango ako, "Gaano katagal ang process ng annulment?"

"Well it depends, if Alexander cooperates mas mapapadali ang paghihiwalay niyo but knowing him susuot tayo sa butas ng karayom." Cami smiled, "But of course I'm your lawyer so hindi mo na kailangang sumuot sa butas ng karayom. It will be bloody but I assure you mananalo tayo. There's a living proof of his infidelity."

"Thank you Cams."

"You're welcome. Anyways may balak ka bang sabihin ang existence ni Andrei?"

Umilng ako, "Mas gugulo lang."

"Then be careful I'm sure si Atty. Valdemor mo ang kukunin ni Xander kapag nalaman nila ang existence ni Andrei mas mahihirapan tayong manalo."

I know that at paniguradong hindi lang siya ang makakalabanko kung hindi ang buong angkan nila.





ALEXANDER

I looked at my wife who is sleeping soundly beside me. I'm so lucky to have her kahit pa ang gago ko. Nakabuntis ako, the result of paternity test said it all, alam kong nasasaktan siya ngayon pero pinipilit pa rin niyang intindihin ako. Kung bakit naman kasi pumunta pa ako sa bar na iyon at uminom, kung bakit kasi hindi ko na lang inintindi ang asawa ko eh. D*mn! Ang gago-gago ko! My ego got the best in me!

"I'm so sorry Hon." bulong ko kahit na natutulog siya, I hugged her tight, sana lang at maayos ko ang gusot na ito, tutustusan ko ang bata, magiging ama pero hindi ko pababayaan ang asawa ko, hindi ko kakayanin kapag sinukuan niya ako. Kung sana siya na lang ang buntis ngayon, siguro wala ng lalakeng mas sasaya sa akin. Noong sinabi niyang magkakababy na ako parang hinihiwa ang puso ko dahil alam kong nasasaktan siya.

"Mahal na mahal kita Angela,"

Susundin ko lahat ng gusto niya kung ayaw niyang makita ko ang bata then so be it. I can live with that but I can't live without her.

"Xander," kumawala siya sa yakap ko, "Ang higpit naman ng yakap mo Hon, nagising tuloy ako." sabi niya na may munting ngiti sa labi

"Hindi mo naman ako iiwan di ba?"

"Xander pinag-usapan na natin 'to. Hindi kita ibibigay sa babaeng iyon. Hindi kita ipagkakait sa a-anak mo dahil karapatan niya iyon but please Xander kung pwede umiwas ka sa Lara'ng 'yon. I don't want to loose you." She said that made me smile

"Mas takot akong mawala ka."

"Kailangan malaman ng pamilya natin ito, especially your family."

Bigla akong nakaramdam ng takot, hindi pwedeng malaman ng pamilya namin lalo ng tatay niya dahil baka ilayo niya si Angela sa akin. I know he's capability, noong girlfriend ko pa lang ang asawa ko, we had a small fight at nakita ng tatay niya na umiiyak siya at dalawang buwan ko siyang hindi nakita.

"No," pagtanggi ko, "Hindi nila dapat malaman."

"Pero Hon---"

"Hon ayoko, ayokong ilayo ka na naman ng tatay mo sa akin."

She sighed, "Hindi natin pwedeng itago ang bata. Sooner or later malalaman rin nila."

"I'm not ready Hon. Not now please."

Tumango siya, "I understand." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, I hugged her back, she always understand me.


Galit na itinapon ko ang mga annulment papers na hawak ko. Hindi ako papayag kahit saang korte pa kami makarating. If she has the best lady lawyer in the Philippines then I have my friend, Brent who's the best.

Hindi ko pinabagsak ang negosyo nila para hiwalayan niya ako, kung hindi ko siya madadaan sa matinong usapan then she left me no choice but to be rough to her. Ngayon na niya kukunin ang posisyon at ngayon ko siya babawiin. Tumayo ako, pupunta ako sa Estate, bigla akong napangiti sa namuong ideya sa ulo ko. When I arrived at the Estate dire-diretso ako sa board room, lahat sila ay nagulat sa pagdating ko lalo na ang pinakamamahal kong asawa.

"What are you doing here, Montero?" tanong niya

"I'm here to vote myself as the new CEO." I said

"You can't do that!" She hissed

"Of course, I can don't worry Angela you can still get a position."

"And what position?" Sabi niya habang nakakunot ang noo

Oh...my pretty wife is angry, "As the CEO's wife." I smiled sweetly

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon