Chapter 12

76.6K 1.3K 49
                                    

Chapter 12

ALEXANDER

Matapos mamatay ng anak namin,  dalawang linggo ang lumipas at ang asawa ko naman ang inilayo sa akin. Halos mabaliw ako ng paggising ko, wala na sa hospital bed si Angela at ibinalitang inuwi na siya ng kaniyang ama. Ang nakakapagtaka lang ay hindi man lang ako nagising then Prey said na baka pinainom ako ng pampatulog. Ilang beses akong pumunta sa mansiyon ng mga Valdez pero hindi ako makapasok, binalak ko ring magsampa ng kaso dahil sa pagtatago nila sa asawa pero naunahan nila ako.

I saw my wife walking towards me, sinalubong ko siya at kita ko ang pamumugto ng mga mata niya, "Are you ok?" nag-aalalang tanong ko

"Uuwi na ko." she told me

"Halika na." aya ko

Tahimik lang sa biyahe si Angela, I tried to start a conversation pero tango at iling lang ang nakuha ko sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang siya. Natigil siya sa paglalakad ng makita niya ang wedding picture namin na nasa sala.

"Manang Bibay." tawag niya

Agad namang dumating si Manang Bibay, "Pakitanggal ito."

"Bakit mo tatanggalin?" Kunot noong tanong ko

"Sa tingin ko mas bagay ang painting dito sa dingding." aniya

"No, Angela dito lang ang wedding picture natin." tanggi ko

She stared at me, "If my memory serves me right, your mother said na pagdating sa bahay, babae ang nasusunod."

She wants to go there? Fine.

"Kung ganoon dito ka lang sa bahay. Hindi ka magtatrabaho, ako ng bahala sa Estate."

"You love me, right?" she asked

"Yes."

"Then you should do everything to make me happy. Gusto ko ng painting sa dingding na 'yan." she said softly while there's a playful smile on her lips

"I love you Angela, I'll do anything to make you happy but I should do everything to make you fall for me and that's my first priority so our picture will stay there." sabi ko sabay sakop sa mga labi niya kahit pa nandyan lang si Manang Bibay

D*mn! I missed her lips.

ANGELA

Dahan-dahan kong iminulat ang mata, nananakit ang buong katawan ko. Nasaan ako? From what I remember bumangga ako sa isang kotse, am I in heaven o nasa ospital ako? Inangat ko ang aking nananakit na kamay at kinapa ang aking tiyan, how about my baby? Kamusta na siya?

"Angela, princess." I heard my dad voice

"D-dad..." I said kahit hirap na hirap dahil may kung ano sa bibig ko

"Princess, are you ok?" my dad asked, "Marga call the doctor."

"M-my bab-y."

"The baby is fine."

Napaluha ako, thank God my baby is fine. Bigla kong naalala si Xander, he doesn't want me, he wanted me to leave, alam na ba niyang buntis ako? Ayoko, ayokong malaman niya, masyado na kong nasasaktan and I don't want my child to feel the pain I felt noong hindi ako ang piliin niya.

"D-dad si Xander...I don't want him to know. Ayoko...I want to leave, ilayo mo ko dito. Please." pagsusumamo ko habang umiiyak

"Sshh...princess, its done. Sinabi naming patay na ang anak niyo at kapag pwede ka ng i-discharge ilalayo kita sa kaniya but for now bear with him, I can't ban him here dahil kaibigan ng mga Montero ang may-ari ng ospital but our secret is safe."

"Ilang araw na akong tulog?"

"Two days princess."

Dumating ang mga doktor, they check if I'm ok at nang matapos na umalis na sila kasabay din ng pagpasok ni Xander.

"Hon!" Madali siyang lumapit sa akin

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapadaing ako sa sakit, "Don't touch my daughter!" My father hissed

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." He said

I stared him blankly, "How's your daughter, Xander?"

Guiltiness and sadness was written all over his face, "S-she's ok."

"Mabuti naman." At least my conscience is clear walang nangyaring masama sa bata, "Congratulations."

"Angela... about our---"

I cut him off, "I don't want to talk about it." I looked at my dad, "Dad I want to rest."

"Umalis ka na Montero magpapahinga na ang anak ko."

"Pero dad---"

"Please Xander umalis ka na, I don't want to see you." I said

Bumagsak ang kaniyang balikat pero tumango ito, "I understand."



Malakas ko siyang itinulak, "Try to kiss me again without a permission, lalayasan kita." wika ko sabay alis

I went to the garden, tinignan ko ang kabuuan nito, walang nagbago ni isa.

"Hon," tawag ni Xander sa akin

Hindi ko siya nilingon, "Please Xander don't call me that."

"Angela we had a deal," paalala niya sa akin, "You're making this hard for us."

Umiling ako at nilingon siya, "You are the one who makes everything hard for me. Hindi mo dapat dinamay ang kompanya ng pamilya ko at sana hinayaan mo na lang akong makuha ang kalayaan ko."

"Am I really that bad? Na hindi mo na ko kayang patawarin? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon."

"Chance? Xander everytime you say sorry and I accepted it para bang nakakakuha ka ng permiso na saktan ako ulit. Noong tayo pa, ilang beses kong ibinigay ang tiwala ko sa'yo but in the end you always broke my trust." napangiti ako ng mapait, "So tell me Xander, should I give you chance?"

"I know I hurt you pero Angela hinanap kita, nagawa ko lang naman ang pagpapabagsak sa Estate para magpakita ka sa akin dahil sa mga taong lumilipas na hindi kita kasama ay parang nababaliw ako!"

"It's not enough reason! Hindi lang pamilya ko ang apektado kundi pati ang mga nagtatrabaho sa Estate!"

"I know that! But I'm willing to be a bad person to have you again."

"You know what? Everytime I see you parang bumabalik lahat ng sakit mabuti pa noong nasa malayo ako at hindi kita kasama."

"Tatlong buwan lang Angela, tatlong buwan lang, kalimutan muna natin ang lahat ng sakit and be with me at pagkatapos noon hindi na kita guguluhin."

Pinakatitigan ko siya, may usapan kami isa pa tatlong buwan lang naman at pwede na akong bumalik sa dating buhay namin ng anak ko.

Tumango ako, "Then don't argue with me, this time kung may gusto kang gawin sabihin mo hindi kita pipigilan, if you have a fling or anything just tell me hindi ako magagalit. Just be honest with me."

"Yes. This time I won't mess this up." Lumapit siya sa akin, "Can we seal it with a kiss?"

We have an agreement and I need to do my part.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon