Special Chapter 3

57.8K 970 42
                                    

Advance Merry Christmas, folks! Hi to Ms. SakuraYushi who made my new book cover. Thank you a lot!


ANGELA

"You're late again, Briana!" Lady hissed and Briana just playfully rolled her eyes.

"And you're always on time, Dy." She talked back.

"Hindi ka na nasanay kay Bri simula highschool tayo laging late 'yan." Cami said

Lumapit si Briseias sa amin at nagmano, ganoon rin ang ginawa ng mga anak namin, lumapit ang mga ito kay Briana at nagmano.

"We have to go baka bigla na namang magbago ang isip ng mga asawa natin." I said to them, we are going to Cebu to have our vacation.

"Oh, tell me about it. Kung hindi ko pa tinakot ang asawa ko hindi niya ako papayagan!" Lady said habang naglalalad kami papunta sa private plane.

"That's right, tinakot ko nga ang asawa ko na isang taon siyang matutulog sa guest room kapag hindi niya ako pinayagan. Ikaw?" Kwento ni Cami

"Na bubogbugin ko siya." Aniya dahilan para matawa kami.

"I also threatened Alexander, I told him na uuwi ako sa bahay ng mga magulang ko at isasama ko ang mga bata kapag hindi niya ako pinayagan." Nakangiting kwento ko. "I bet Briana threatened her husband too."

"Nope! Madaling kausap ang asawa ko. We just have a casual talk like I just told him na hihiwalayan ko siya kapag pinagbawalan niya ako and then he immediately said ok." Briana smiled. "And since kasama niyo ang mga anak niyo sinama ko na rin ang prinsesa ko."

Napailing na lang kami. Our daughters are with us, hindi kasi papayag sila Xander kung kaming apat lang. Napatingin ako sa mga bata. Time flew so fast, 18 na si Yesha while Sandra is 25, almost 20 years na rin pala ang lumipas nang bumalik ako galing Switzerland which I don't regret.

"Habang tumatagal lalo mong nagiging kamukha si Yesha." Lady commented.

Napangiti ako sa sinabi niya. Kaya lalong humihigpit si Xander, 20 na si Sandra nang payagan niyang magpaligaw ito.

"At habang tumatagal nakikita ko ang resemblance ni Lara at Sandra." Briana whispered.

"Bri."

"I'm just stating the fact, A. Nonetheless, she's your daughter at pamangkin namin siya." She said.

"That's so sweet, Bri but you're still tactless." Cami said.

"Whatever, Cams! Maganda pa rin ako lalo na ang anak ko."

After hours of travelling, we get to Briana's newly opened resort in Cebu at dahil gabi na kaming nakarating ay dumiretso na kami sa villa na tutuluyan namin.

"Wow, Ninang ang ganda po dito." Yvon said, the ten-year-old daughter of Lady.  Manghang-mangha siya sa view nang makita namin ang dagat kinaumagahan after we ate our breakfast.

"Of course, sweetie. Hindi naman bibili ng property si Ninang kung hindi kasingganda mo." Briana kissed Yvon's cheek.

"See, Yvana. Ninang said I'm beautiful, ikaw pangit." Sabi pa nito sa kakambal niyang si Yvana.

Akmang sasagot si Yvana nang pumagitna na si Lady.

"Mommy, sinabi ba ni Daddy na susunod sila dito?" Ayesha asked.

Kumunot ang noo ko. "No at hindi sila susunod dito. This is our girl's vacation."

"You sure?" Tanong pa niya

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon