Chapter 9

69.7K 1.4K 92
                                    

Chapter 9

ALEXANDER

When the meeting was adjourned at nakaalis na lahat ng BOD, galit na binalingan ako ng asawa ko

"What is this all about, Montero?"

"I'm claiming what's mine."

"Claiming what yours? Wala kang pag-aari dito Xander. The Estate is mine, matagal mo ng alam 'yan."

I smirked at her, "The Estate? I'm not talking about it, what I'm claiming is...YOU."

"Ano ba Xander! Pwede ba tigilan mo na ako! Matagal naman na tayong hiwalay kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan!"

"Hindi tayo hiwalay Angela. Hindi tayo naghiwalay kahit na isang araw man lang. Hindi man kita kasama pero hindi tayo hiwalay, you are still my wife---"

"In just a d*mn paper!"

"A paper that says you're mine." nagtatagis na bagang na sabi ko

I saw how pissed she is right now, akmang tatalikuran niya ako para umalis ng magsalita ako, "Let's make a deal, Angela."

She looked at me intently, "What deal?"

"I'll give you want you want, ibibigay ko ang lahat ng shares ko sa Estate at tutulungan kitang ibangon ito and in exchange of that you will be my wife for three months." I said

Nang-uuyam na ngumiti siya sa akin, "Be your wife for three months? Ano bang tingin mo sa asawa Xander? Napapalitan? May expiration date?"

"Hindi, kaya nga hindi kita mapakawalan dahil hindi kita kayang palitan." She rolled her eyes, "Nasa sa'yo pa rin ang desisyon kung gusto mong manatili sa tabi ko pagkatapos ng tatlong buwan," Na sisiguruhin ko, "You see Angela I'm willing to spent my whole life with you."

"Well I'm not. I don't want to spent my precious life with you."

Ouch!

"I'll make a draft of our agreement, bukas pupunta ako sa opisina mo." Aniya

Umiling ako, "Uuwi ka na bukas sa bahay natin. Pack your things and be with me tomorrow."

"Mag-uusap muna tayo bukas sa bahay." May finality sa boses niya, "Then after 3 months we will proceed to our annulment and you will cooperate this time."

Kinabukasan, maaga akong nagising, nilibot ko ang buong bahay para makita kung malinis at nasa ayos ang lahat lalo pa at darating siya, I know how she wants our house to be clean and organize. Ipinahanda ko rin ang mga paborito niyang pagkain at ilan pa rito ay ako ang nagluto.

"May darating ka bang bisita?" Nagulat ako ng may magsalita mula sa likuran ko but when I recognize her voice nakangiting hinarap ko siya

"Good morning." Masiglang bati ko

"Morning." She greeted back, "May darating ba?" tanong niya

"Dumating na."

Kumunot ang noo ng maganda kong asawa, "Tigilan mo ko Alexander, umagang-umaga." Aniya na parang alam na babanat ako

"Ito naman ang aga-aga ang sungit mo."

May inilabas siya mula sa envelope na dala niya, inabot niya sa akin iyon, "Here."

It was our agreement, napakunot ako ng noo ng may hindi ako nagustuhan sa mga nakasulat, "No sex?"

"Yes." She said

"Hindi ako pumapayag." pagtutol ko, paano ko magagawa ang plano ko para mapanatili siya sa tabi ko kung wala kaming intercourse.

"I forbid you to have sex with me pero pwede mong gawin iyon sa ibang babae. I don't mind." sabi niya na parang iyon ang pinakanatural na sabihin sa sitwasyon namin

"No Angela. You will be my wife in every way, babalik tayo sa dati."

My wife laughed then she smiled at me, "Gusto mong bumalik tayo sa dati? Noong mga panahong kahit anong sabihin mo paniniwalaan ko? Noong panahong mahal na mahal pa kita at nagpapakatanga ako para lang hindi ka mawala sa akin?" she asked, "No, thanks. I had enough besides hindi na kita mahal."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay parang may sumakal sa puso ko. Hindi na niya ko mahal habang ako ay mahal na mahal pa rin siya.

Naikuyom ko ang kamao ko but I still managed to smile, "Then I'll make you fall for me again."

She rolled her eyes, "If you will have sex with me then dapat ako lang baka mamaya may sakit ang babae mo mahawa pa ako."

"You're the only one, Angela."

"Bakit ba hindi ko magawang maniwala sa'yo? Anyway since I'll be your wife for three months, you provide for all my needs and wants, nakasulat yan sa kontrata."

"Wala akong problema doon."

"Well then hand me your credit or debit card mamimili ako ng mga damit ko."

Napangiti ako, "Sasamahan kita."

This will be our date.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon