Chapter 15

69.7K 1.1K 26
                                    

Chapter 15

ALEXANDER

"Namiss ko 'to." Angela said while eating kwek-kwek

"Ako rin. I missed doing this with you." I told her, inaasahan kong iirapan niya ako pero mali ako she smiled sweetly at me.

Tumusok siya ng kwek-kwek at inumang sa akin iyon, is this for real? Susubuan talaga niya ako, "Open your mouth Xander." aniya

Binuksan ko ang bibig ko at isinubo niya iyon sa akin, "F*ck! F*ck! Ang init!" Nagtatalon pa ako sa init, bakit ba naman kasi hindi ko muna hinipan?

Angela laughed, "Ikaw naman kasi eh." sabi niya

Tinignan ko siya ng masama, "Nasaktan na nga ako tinatawanan mo pa ako. Kasalanan mo 'to eh." kunwari sisi ko sa kaniya

Nawala ang ngiti niya, f*ck! magagalit ba siya? Akmang babawiin ko ang sinabi ko nang magsalita siya, "Subuan mo din ako para makaganti ka." malumanay niyang sabi

Hinawakan ko ang mukha niya, "Angela, I'm sorry. Binibiro lang naman kita and I will never do that just to hurt you."

"Xander,"

"Gusto mo ba ng ice cream? Ibibili kita." sabi ko

Tumango siya bilang pagsang-ayon, "Hihintayin kita sa bench na 'yon." aniya

Medyo natagalan ako sa pagbili ng ice cream dahil ang daming bumibili at nang malapit na ako ay natanaw kong may kumakausap na mga lalakeng mukhang college student sa asawa ko. Nagmamadaling lumapit ako.

"Miss pwede bang makuha number mo?" rinig kong sabi ng isa, nang tuluyan na kong makalapit ay hinapit ko ang bewang ng asawa ko

"Number ko gusto mo?" Matalim na tinignan ko ang tatlong itlog

"Boyfriend mo ba 'to miss?" tanong ng isa na mukhang hindi gagawa ng matino

"Hindi niya ako boyfriend. ASAWA ako." sabi ko

Biglang umatras ang tatlo, "Ahm...sorry po." sabay alis

"Hala! Tinakot mo 'yung mga bata." natatawang sabi ni Angela

I tsked, "Dapat lang takutin ang mga 'yon."

"Relax ka lang. Masyado kang hot." Kinuha niya ang ice cream sa kamay ko, "Bakit isa lang ang binili mo? Ayaw mo ba?" tanong niya

Ngumiti ako, "Gusto."

She licked the ice cream, "Bakit isa lang?"

"Gusto kong kumain ng ice cream pero gusto ko share tayo." pilyong sabi ko

"Ayoko nga! Kadiri ka talaga! Di bale sana kung nakacup iyong binili mo."

Akmang kakagatin ko iyong ice cream pero mabilis niya iyong naiiwas, "Tumigil ka Xander. This is mine."

"And you are mine." banat ko

"Gusto ko ng siomai, bili mo ko. Hintayin kita dito." aniya

No f*cking way! Baka mamaya hindi lang tatlong itlog ang lumapit sa kaniya, "Sama ka na lang sa akin."

"Tinatamad ako at masakit ang paa ko."

Tinignan ko ang paa niya, nakaflat na sandals lang siya ngayon at kita ko ang pamamaga ng mga paa niya, "What happened to your feet?"

ANGELA

"Shopping." Simpleng sagot ko, kahapon kasama ko si Andrei we went to the mall, binilhan ko siya ng mga damit since kakaonti lang ang dala namin.

"Ilang oras ka nagshopping?"

"4 hours." sagot ko, napakakulit at likot kasi ng anak mo, hindi ako hinayaang makapagpahinga

"4 hours?! Tapos galing ka pa ng office? Hindi ka ba napagod para magshopping ng ganoon katagal?"

'Anong hindi? Sobrang pagod ko pero kailangan kong bumawi sa anak ko, dalawang araw ba naman akong hindi magpakita sa kaniya pasalamat ka nga nakatakas pa ko kanina', piping sagot ko

Hindi na lang ako sumagot and I heard him tsked, bumaba siya at tumalikod sa akin, "Hop in." aniya

"Bakit?"

"Dadalhin kita sa bilihan ng siomai."

"Bakit kasi hindi mo na lang ako bilhan?" tanong ko

"Kasi po baka may mga lalakeng lumapit na naman sa'yo. Sumakay ka na, nagmumukha na kong tanga dito." reklamo niya

Lihim akong napangiti sa sinabi niya, so he's being what? Possessive? Sumakay ako sa likod niya, mabuti na lang at nakapants ako.

"Bakit parang bumigat ka?" tanong niya dahilan para matampal ko ang likod niya

"Bababa na ko." inis na sabi ko

"Joke lang 'yon! Ito naman di na mabiro."

"Xander!" biglang sigaw ko dahilan para matampal ko uli siya, "Manyak ka." mariing bulong ko

"What? What did I do?"

"You're touching my butt!" mahinang sabi ko

"Well my wife kailangan kong gawin 'yon, gusto mo bang mahulog?"

Aba't! "Pero hindi kasali ang pagpisil doon." sabi ko

Xander just laughs, "I missed this." aniya

Mas kumapit ako sa kaniya, ipinatong ang aking baba sa balikat niya.

'Me too.' my mind said

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon