Dangerous Vixen

66.1K 1K 79
                                    

This is Briana's story, bukas ko po ipo-post yung book niya na may chapter 1 at 2 and hopefully chap. 3


Prologue

BRIANA

"Huwag na huwag kang lalapit sa isang Salcedo. They are bad and dangerous."---iyon ang laging paalala sa akin ng aking mga magulang noong bata pa ako kaya ang lagi kong ginagawa kapag may nakikilala akong bata sa playground tinatanong ko muna ang apelyido nila bago ako makipaglaro which they find very odd because its kind a weird for their part kaya hirap akong makahanap ng kalaro and then one day may lumapit sa akin na isang batang lalake.

"Hello," bati niya

"H-hi." bati ko pabalik

"Why are you alone?" He asked

"They don't want to play with me. Crazy daw ako." sabi ko na tila nagsusumbong

"Di naman ikaw drazy, pretty ka." aniya dahilan para mapangiti ang batang ako

"Pretty ako?"

"Oo kaya, drush ka nga ni Denver."

Kumunot ang noo ko, trying to understand him, "Drush? Ano 'yon?"

"Drush! Iyong kapag like mo iyong girl na pretty." paliwanag naman niya

Napatango-tango ako, "Ikaw like mo ko?"

Tumango siya tapos ngumiti ako, "Edi drush mo ko?"

"Oo! Pero gusto ko ako lang ang may drush sa'yo!" aniya

"Hindi pwede! Paano si mommy at daddy ko? Siyempre love at like nila ako." kontra ko

"Hindi naman counted ang mommy at daddy pati sibling, cousin, lolo at lola"

"Ah...eh si Yaya ko?" inosenteng tanong ko

"Hindi rin tsaka pwede ka lang magka-drush sa boy tapos ako naman sa girl lang."

Kumunot uli ang noo ko, hindi ko siya maintindihan. "Hindi kita maintindihan."

"Badta! From now on ako lang ang pwedeng magkadrush sa'yo tapod ikaw din dapat drush mo ko, bawal ka magkadrush sa iba."

Hindi ko siya maintindihan but I find myself nodding.

The boy smiled, "Good. Come on, les play." aya niya

"Ok! Pero ano muna full name mo?"

"Prey Daldedo."

Napangiti ako nang malapad, I'm safe.

That's what I thought, nalinlang ako! Hindi drush iyon kundi crush! At lalong hindi ako safe, I'm in a big trouble dahil Salcedo siya! Hindi Daldedo!

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon