Chapter 18

62.8K 1.2K 59
                                    

Chapter 18

ANGELA

"What are you doing here?" kalmadong tanong ko sa buwisitang nasa harapan ko, I was busy doing some paperworks when my secretary said that a certain Lara wants to talk to me

"I heard sa bahay ka na ni Xander nakatira uli." she said

"So? Ano naman ngayon sa'yo kung nakatira ako sa bahay ko." Idiniin ko ang salitang 'ko'

"Matagal na kayong hiwalay ni Xan---"

I cut her words, "Just get to the point Lara as you can see I'm a vey busy woman at wala sa schedule ko ang makipag-usap sa isang tulad mo." Hinagod ko siya ng tingin, hindi na siya tulad ng Lara na una kong nakita, she's well cloth now, hindi na mahahalata kung saan siya nanggaling. My friends and I did some background check before and we found out na nagtatrabaho si Lara sa isang bar as a dancer kung saan sila nagkakilala ni Xander

"Gusto ko lang sabihin na layuan mo si Xander."  halos umabot ng 36th floor ang kilay ko sa sinabi niya

"Are you for real? You have the guts to say that to me?"

"Masaya na kami ni Xander kasama ang anak namin kaya hindi ka na dapat manggulo."

Wow! This woman sure has the thickest face on earth.

"Let me remind you Lara, I'm the WIFE at ikaw? Isang babaeng naka-one night stand lang ng asawa ko." tinignan ko siya ng matalim, "Hindi dapat ako ang ginugulo mo, si Xander ang kausapin mo."

"May anak kami."

Tinaasan ko siya ng kilay, "So? Ano naman ngayon?" Kung anak lang naman ang usapan meron din ako, lalake pa at hindi bastardo

"Hindi ka na mahal ni Xander. Pinaglalaruan ka lang niya! Ginagawang parausan!"

"At sa tingin mo ikaw ang mahal niya? Ikaw na pinulot lang niya kung saan?" I said mockingly, "A cheap dancer who got pregnant at ngayon parang asong tumatahol."

"Ako ang pinili niya noon." aniya na punong-puno ng kompiyansa sa sarili

Lihim kong naikuyom ang aking mga kamay, tinignan ko siya na parang hindi ako apektado, ayokong sumaya ang babaeng ito kapag nakita niyang naapektuhan ako, "Oh really? How come ayaw niya akong pakawalan ngayon? I filed an annulment pero ayaw niya you wanna know why?" I smiled at her, "Dahil mahal na mahal pa rin niya ako."

Akmang magsasalita uli siya nang maunahan ko siya, "Will you get out of my company? You're really ruining my day." Kakausapin ko pa mamaya si Xamder tungkol kay Andrei

"Hindi kayo magiging masaya ni Xander. Ako, ako ang mahal niya at ikaw isang parausan lang."

Natawa ako sa sinabi niya parang nabaligtad yata, di ba dapat ako ang nagsasabing siya ang parausan at ako ang mahal dahil ako ang asawa?

"Believe what you want to believe, I don't f*ckin' care." I dialled the security department and immediately they answered it, "This is Angela Montero, please come to my office, may gusto lang akong ipalinis na kalat, pakitapon sa labas." When they said ok, I ended the call

"Nagkamali yata ako ng tinawagan, dapat maintenance department pala." sabi ko

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi nakauwi si Xander kagabi?"

Kumunot ang noo ko, how come she knew my husband didn't come home last night?

"Dahil sa akin siya nagpalipas ng gabi." aniya dahilan para magdilim ang paningin ko

ALEXANDER

D*mmit! Hindi ko siya ma-contact! Where are you Angela?? Ang sabi niya uuwi siya at kaninang lunch dapat mag-uusap kami pero wala siya sa office niya at hanggang ngayon wala pa rin siya. Hindi na ako mapakali, naiinis ako at nag-aalala. Naiinis dahil nakausap ko ang secretary niya na may katatagpuin siya at akala pa nito na ako iyon dahil tinawag daw ng asawa ko na 'baby', alam kong si Andrei ang katatagpuin niya! D*mmit! Bakit kailangan nilang magkita?! Its 8pm! Lunch pa siya umalis tapos naka-off pa ang cellphone niya. Nag-aalala ako baka kung ano ng ginawa ng Andrei na iyon sa asawa ko or worse baka may ginagawa na sila.

An image of my wife kissing another man flashes in my mind. T*ngina! Makakapatay ako!!

Dali-dali akong lumabas ng marinig ko ang sasakyan niya. Nasa pintuan ako at hinihintay siyang makalapit, tinignan ko siya ng masama pero mukhang wala siyang pakielam.

"Pwede ba tumabi ka? Papasok ako." pagtataray niya, bakit parang siya pa ang galit?

Hinawi niya ako para makadaan pero hindi ako natinag, "Ayaw mo akong papasukin?" nakakunot noong tanong niya

"Saan ka galing?"

"Kumain ako sa labas."

"Hindi ba may usapan tayo?"

"Meron ba?? Sorry ha nakalimutan ko."

"Angela!"

Tinignan niya ako na parang napipika, "Can you please get out of the door?"

"Sinong kasama mo kanina?!" Di ko napigilang tumaas ang aking boses

"Pwede ba Xander?! Pagod ako kaya tigilan mo ko!" Sigaw niya sa akin

"Pagod?! Bakit ka pagod?! May ginawa ba kayo ng gagong Andrei na 'yon?!"

Bigla niya ako sinampal, "Huwag na huwagmong matawag na gago si Andrei or I swear Xander hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Galit na sabi niya

I can't believe that my wife slapped me just because of that guy, "Why Angela? Do you really love him para kalimutan mo ang kasunduan natin? Para makalimutan mo na may asawa ka? Hindi pa ba ako sapat?" Puno ng hinanakit na sabi ko

"Ako Xander sapat ba ako? Mahal mo ba talaga ako?" She asked

Bakit binabalik niya sa akin ang tanong? Siya ang nakipagkita sa lalakeng 'yon!

"Bakit bumalik sa akin ang tanong, Angela? Simula ng umuwi ka wala akong ginawa kundi iparamdam sa'yo na mahal kita kahit na nagmumukha na kong tanga! Lahat ng gusto mo sinusunod ko!" Inis na sabi ko

Ngumiti siya ng mapait, "Except from one Xander."

Ano bang sinasabi niya?! Wala akong ginawa!

"Pwede ba, Angela! Hindi ako ang may ginawa ngayon!"

"Then saan ka natulog kagabi?!"

Natigilan ako, "Angela..."

"Sa office ba? O sa bahay ng kabit mo?!" Sigaw niya

I reached for her hand pero lumayo siya sa akin, "Your d*mn mistress went to my office! Really Xander? Ipamukha ba naman sa akin na siya ang pinili mo noon." She looked at me with a blazing eyes, "The truth is wala naman akong pakielam kung makipagkita ka sa kaniya, wala rin akong pakielam kung anong gawin niyo! But you! You asked for a chance! For the nth time Xander you lied to me! Hindi totoong nasa opisina ka kagabi di ba? You were with Lara and only God knows what you two did!" Humakbang siya paatras, "A chance for our marriage? Bullsh*ts, Xander! Hindi na tayo maaayos dahil hindi ka na magbabago, lagi mo na lang akong ginagago."

"Angela...let me explain."

"No, Xander. Sawang-sawa na ko. Isa lang naman ang pinakiusap ko sa'yo, ang huwag kang magsinungaling pero anong ginawa mo?!"

"I went there because Sandra asked for me, matagal na kaming hindi nagkikita kaya pinagbigyan ko na. I didn't tell you because I don't want to hurt you." pagpapaliwanag ko

"And by not telling me you think you spare me from pain? Xander! Sinabi ko na sa'yong hindi kita pagbabawalan! Hindi kita pakikielaman sa lahat ng gusto mong gawin." Her tears flowed, "I gave the chance you asked, unti-unti na kitang minamahal uli, unti-unti na kong nagtitiwala but... you're doing it again, you're hurting me again."

Nagpanick ako ng tumalikod siya, "No! Please don't leave me." pigil ko sa kaniya habang yakap mula sa likuran, "Honey please don't." pagmamakaawa ko

Pilit siyang kumawala sa yakap ko, "Let me go, Xander." Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya

"Let me go! You're hurting me!" aniya kasabay ng hikbi niya dahilan para makaramdam ako ng panghihina

Nakawala siya sa akin kapagkuwan ay hinarap ako, "Let's end this contract, if you want the Estate then you can have it. Uuwi na ko." aniya na parang pagod na pagod na, she took a step

"Angela please, please stay with me." gustong-gusto ko siyang pigilan pero hindi ko siya hinawakan dahil takot aking masaktan siya uli.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon