Chapter 19

62.7K 1.2K 46
                                    

Chapter 19

ANGELA

Pagkauwi ko sa bahay ng mga magulang ko ay sinalubong ako ni Ali.

"Buti naman umuwi ka na ate, kanina pa nangungulit at umiiyak si Andrei." sabi niya

Tinanguan ko siya, "Sige aakyat na ko."

"Ate," tawag niya, "What happened to your eyes? Umiyak ka ba?"

Tipid ko siyang nginitian, "Don't worry too much, brat. Matulog ka na, may pasok ka pa bukas." I said

Tinalikuran ko siya at umakyat sa kwarto ng aking anak, nasa pintuan pa lang ako ay dinig ko na ang iyak niya biglang nangilid ang luha sa aking mga mata. Why is this happening to my family? Ang akala ko mabubuo na kami, akala ko magiging ok na ang lahat but I was wrong. Maybe Xander and I are not really meant to be. I knocked at my son's door.

"M-mommy?" He asked behind the door

"Hey baby, can I open the door?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na, sinalubong niya ako ng yakap. Binuhat ko siya sabay hagod ng likod niya.

"Why are you crying baby?"

"Akala ko po you broke your promise. Akala ko po di ka mag-i-sleep dito." my son said, "Mommy dito ka na lang po, don't leave me."

'Don't leave me.' tila narinig ko ang boses ni Xander ng sabihin iyon ng aking anak

Naiyak ako sa sinabi niya, "I won't leave you baby. Dito na lang si mommy, kung aalis man ako isasama kita. I'm sorry baby."

Medyo lumayo si Andrei sa akin para tignan ako, "Mommy don't cry, di na po ako magkacry." aniya na pinunasan pa ang basa kong pisngi gamit ang kaniyang mga maliliit na kamay

"Ok hindi na magkacry si mommy."

"I love you, mommy."

"I love you too, baby."

We don't need you Xander. Ok ng kami na lang and its a good thing na hindi ko pa nasasabing may anak tayo dahil mas magiging komplikado at madadamay pa si Andrei sa gulo natin kung sakali.

ALEXANDER

Tatlong araw nang wala ang asawa ko sa poder ko, 3 days in hell and I felt like dying parang bumalik ako sa dati noong itinakas siya sa ospital, noong mga panahong nagmamakaawa ako sa pamilya niya na ibalik siya sa akin.

Galit ako sa pamilya niya dahil sa pagtatago nila sa misis ko pero mas galit ako sa sarili ko dahil gago ako, hindi naman kasi siya aalis kung hindi ko siya sinaktan.

"You look like sh*t, man!" I heard Denver's voice, "What happened?"

I looked at him, "My friends! Come! Join me." Aya ko sa kaniya sabay taas ng bote ng beer, hindi pa ako lasing dahil kauumpisa ko palang

Napailing si Prey, "Where's Angela?"

"Oh? My wife? She just left because I'm a liar. Napakasinungaling ko kasi."

"Hindi pa natatapos ang tatlong buwan ah?"

Alam ko pero sinukuan na niya ako, napakagago ko kasi, "Umalis na kayo." taboy ko

Umupo si Prey sa sahig ng master bedroom at kumuha ng isang bote doon, "May problema din ako."

Umupo na din si Denver, "Si Briana?"

Tumango ito, "Tingin ko na-iinlove na siya sa gagong model na 'yon."

"Iyong date niya?" I asked

"Yes,"

"Gago ka kasi, hiniwalayan mo tapos ngayong may bago siya namomroblema ka." Sabi ni Denver, "Ikaw naman? Bakit umalis si Angela?"

"Pinuntahan siya ni Lara, inaway at sinabing doon ako nagpalipas ng gabi noong malakas ang ulan. D*mn! Hindi ako nagstay doon dahil gusto kong makasama ang babaeng iyon, nagstay ako dahil wala akong choice, ang mali ko lang sinabi ko sa kaniyang nasa office ako." paliwanag ko

"I saw Angela at the park." ani Prey

"What are you doing at the park?" Anong gagawin nito sa park?

"Sinundan ko si Briana."

"You're a f*cking stalker, dude! That's creepy." Denver said

"Sino bang hindi sa atin? Ikaw nga hanggang ngayon nagpapahabol ka pa rin kay Lady pero kapag hindi ito aware kulang na lang maging aso ka kakasunod." Tinignan ako ni Prey, "Anyway, I saw Angela and Briana with a kid. Hindi ko alam kung kanino ang bata, kung kay Briana malamang ako ang ama,"

Bigla ako kinabahan, "Pero kung kay Angela siguradong sa'yo 'yon." Tuloy ni Prey sa sinasabi niya

"Hindi mo ba nakita ang mukha ng bata?" tanong ko

Umiling siya, "When Briana saw me agad niyang binuhat ang bata at inilayo. T*ngina! Mababaliw na ko sa kakaisip! Paano na lang kung nabuntis ko siya noon? Napakagago kung sakali pero mas hindi ko yata kayang tanggapin kung sakaling may anak siya at hindi ako ang ama."

Natahimik ako, imposibleng anak namin iyon ni Angela, our child died already at kasalanan ko iyon but what if... her parents lied, may posibilidad nga na ganoon dahil hindi ko nakausap ang doktor. Bigla akong nabuhayan ng loob at napatayo.

"Saan ka pupunta?"

"I'm going to see my wife." hindi ko na sila hinintay magsalita, I went to the bathroom and took a bath.

Nagbabakasakali akong buhay pa ang anak namin and when that happens nothing can separate me from my family, not even her father.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon