Chapter 32

62.8K 1.1K 46
                                    

Chapter 32

ANGELA


"Ate, it's delicious right?" tanong ni Andrei sa ate habang kinakain ang binake kong muffins

"Yes! Ang galing mo po Mama." sabi ni Sandra sa akin

Nginitian ko silang dalawa, its good to see them like this.

"Magaling rin bang magbake ang mommy mo, ate?"

Biglang nalungkot ang mukha ni Sandra, "Hindi naman ako pinagluluto ni mommy ko laging si yaya ang nagluluto. May work kasi siya."

"Nagwowork rin si mommy ko tapos wala akong yaya kasi siya ang nag-aalaga sa akin, minsan si Tita Ali or ang mga ninang ko."

Sandra pouted, "Buti ka pa. Ayaw kasi ni mommy sa akin kapag andyan lang si daddy doon lang niya ako inaalagaan." Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata niya, "S-siguro hindi niya ako love."

Nilapitan ko si Sandra at niyakap, "Princess, walang mommy na hindi love ang baby nila baka busy lang siya sa work."

Naiintriga tuloy ako kung anong trabaho ni Lara. Bumalik ba siya sa pagsasayaw? Napailing ako, hindi na siguro siya babalik doon dahil sinusustentuhan naman ni Xander si Sandra at alam ko ding ang asawa ko ang nagbigay ng bahay nito.

Speaking of Xander, 7pm na bakit wala pa 'yon? Ang sabi niya may kailangan lang siyang gawin sa opisina sandali.

"Mommy," tawag ni Andrei sa akin, umalis ito sa upuan at lumapit sa akin at alam ko na kung anong gusto niya, kaya binuhat ko siya at inupo sa lap ko

"Bumibigat ka na, baby."

"Siyempre po, big boy na ko." sagot naman nito na nagpangiti sa akin

"Baby boy pa din kita." sabay halik sa pisngi niya

"Kapag may baby sister na po ako, baby mo pa din ako?"

"Oo naman! You will be my forever baby, kayong dalawa ng ate mo."

"Magkakababy sister na kami, mama?" tanong ni Sandra

"Hopefully soon, princess pero malay natin baby boy pala ang maging kapatid niyo."

"Pero mommy I want a baby sister, I want to protect her." ani Andrei

I smiled, "You should protect your siblings, lalake man o babae pati ang ate mo, you should also protect her."

As of now wala pa din, nagtry na ako ng PT and its negative.

"I like that! When I grow up I wanna be a superhero! Like Thor!"

"Why not superman?" tanong ni Sandra

"Mommy loves Thor, she's a fan and my full name is Andrei Thorin Montero. Malapit na sa Thor tatanggalin lang iyong In."

Tumango-tango si Sandra, "My full name is Alexandra Montero, dapat daw may Mary iyon sabi ni Tita Athena pero tinanggal ni mommy kasi name daw iyon ni Mama Angela."

Kahit naman ako ang nasa sitwasyon ni Lara talagang aayaw ako. Ipangalan ba naman sa asawa ng lalakeng nakabuntis sa'yo ang anak mo, sinong papayag doon?


"Anong ipapangalan niyo kay baby girl, mama?" Sandra asked

Napag-isipan ko na 'yan, actually noong ipinagbubuntis ko palang si Andrei nag-isip na ko ng pangalan na pambabae in case na babae siya, "Ayesha Trinity Montero."

Natigil kami sa pagkukwentuhan nanv makarinig ako ng sigaw, "ANGELAA!! HARAPIN MO KO! HAYOP KA!" Hindi ko na kailangan tignan kung sino iyon because I know who it is.

Tumayo ako at inupo ko sa upuan si Andrei, "Andrei, show your room to your Ate tapos doon muna kayo, ok? Sandra look after your brother." sabay na tumugon ang dalawa, pumasok sa kusina si Nina at pinabantayan ko ang dalawa. Palabas na ako ng bahay nang masalubong ko si Manang Bibay

"Ma'am huwag na po kayong lumabas," sabi nito

"Its ok, manang. Ako na ang magpapalayas sa babaeng 'yon."

Lumabas ako sa gate, we don't have a security guard dahil secured ang village na ito, isa pa pagmamay-ari ito ng Estate kaya kampante ako.

"What are you doing here?" Matapang kong tanong

"Ikaw babae ka! Hindi ka na nakontento kay Xander pati anak ko inaagaw mo!" duro niya sa akin

"Hindi ba kinausap ka na ni Xander? Ipinagpaalam na niya si Sandra so what are you doing here?" I smell alcohol at halata sa mukha nito na nakainom ito


"Puta kang babae ka eh! Umalis ka na eh, bakit ka pa bumalik?! Masaya na kami ni Xander!"

"May I remind you Lara, I am the WIFE! Kung makapagsalita ka akala mo may karapatan ka sa asawa ko!"

"Mahal ako ni Xander! Asawa ka lang niya sa papel!"

I can't believe this bitch!

"Umalis ka na! Get out of my sight!"

"Hoy! Huwag mo kong ini-ingles ah! Akala mo kung sino ka! Ano ngayon kung edukada ka?! Eh ako naman ang naanakan! Ang anak ko ang panganay at siya ang magmamana ng kompaniya pagdating ng araw!"

"You're out of your mind!"

"Sira iyang matris mo eh! Baog ka! Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin mabigyan ng anak si Xander kaya pati anak ko inaangkin mo!"

"Excuse me! Ako baog?!" Hindi ba niya alam na may anak na kami ni Xander? Sabagay hindi naman magkukwento ang asawa ko sa kaniya!

"For you f*cking information, may anak na kami, lalake pa so please stop this nonsense at baka ipakulong kita!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko, "Sige mangarap ka!" aniya

Gaganti na sana ako nang marinig ko ang tawag ni Andrei, "Mommy!!" Tumakbo papunta sa akin si Andrei habang umiiyak

"Baby pumasok ka na doon."

"No, mommy! She hurt you!" anito na humihikbi, lumapit ito kay Lara at pinagsusuntok ito, everything happened so fast itinulak ni Lara si Andrei dahilan para madapa ang anak ko sa kalsada while there's a car heading towards him.

"ANDREI!!!" Sigaw ko

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon