Chapter 22

66.8K 1.2K 197
                                    

Chapter 22

ANGELA

"Mommy may question po ako."

"What is it, baby?" Tanong ko, pinapatulog ko na siya

"Daniel asked me why wala akong daddy. He mocked me mommy." sumbong niya

Daniel is our neighbor's son na mas matanda ng isang taon sa anak ko.

"Then what did you do to him?"

"Well...I said that I have a daddy at nagwowork siya sa malayo then hindi siya naniwala so..." guilt crossed in his face

"So...?"

"I punched him in the face."

"What?!" napalakas na tanong ko

Nakipag-away ang anak ko at hindi ko man lang nalaman iyon? Arrgh! I'm going to slap my brat sister!

"Are you mad, mommy?" naiiyak na tanong niya

I caressed his hair, "No but Andrei hindi maganda ang ginawa mo, you won't punch someone because he mocked or pissed you."

"Then what should I do?"

I pinched the bridge of my nose, "Huwag mo na lang siyang pansinin at hindi ka dapat nagpapaapekto kasi di ba hindi naman totoo ang sinasabi niya. You have a daddy."

"If I have a daddy, where is he? Bakit hindi natin siya kasama?"

I sighed. "He's busy with his work, di ba sinabi ko na sa'yo?"

"Yes pero mommy bakit ganoon? You are also busy with your work but you're still with me." Sumimangot siya, "Maybe daddy doesn't love me."

"That's not true, your daddy loves you so much."

"Mommy alam ko na po ang gusto kong gift sa birthday ko." He said

"What is it?"

"I want my dad as a present. I want to meet him."

I bit my lower lip, sino bang niloloko ko noong sabihin ko kay Xander na hindi siya kailangan ng anak namin?

"Please, mommy..." He pleaded

I found myself nodding, not able to say no. Siguro nga oras na para magkakilala sila.

Umupo siya sa kama at pinaghahalikan ako, "Thank you, mommy! I love you!"

Napangiti ako, "You're welcome, baby."


ALEXANDER

"I'll let you meet Andrei." She said nasa opisina ko siya ngayon

"Really?" I asked while smiling

"Yes, hindi na rin natin kailangan paabutin sa korte ang custody niya, we will have it equally pero tuloy pa rin ang annulment." Aniya dahilan para mawala ang ngiti ko

"Why?" Tanong ko, "Bakit ba gustong-gusto mong makipaghiwalay sa akin?"

"Xander matagal na tayong hiwalay. Just accept it, I want my freedom back."

Freedom? For what? Aanhin niya ang kalayaan?

"Freedom to start a new life, Xander. Iyong buhay na para sa akin sana kung hindi tayo nagmadaling magpakasal." Aniya na parang alam niya kung anong iniisip ko

"Nagsisisi ka ba na pinakasalan mo ko?" I asked

Umiling siya, "No pero nagsisisi akong nagmadali tayo. There are so many what ifs spinning in my head right now, Xander tulad ng siguro kung naghintay tayo baka hindi nangyayari sa atin 'to, siguro kung ngayon pa lang tayo nag-uumpisa baka walang Lara na sumisira sa atin, baka hindi tayo nagkakasakitan, at baka hindi ako nagsisisi ngayon but then there's Andrei siya na lang ang naging tama sa relasyon natin. He wants to see you and I want my son's happiness kaya hahayaan na kitang makilala siya."

"Hindi ba kasali sa what ifs mo na siguro kung hindi mo ko iniwan, kung hindi ka lumayo baka tapos na ang problemang 'to at masaya na tayo." Ayokong manumbat pero napupuno na ako, alam ko ang kasalanan ko at nagsisisi ako pero wala na ba akong karapatang sumaya? Ang makasama siya? Ang mabuo ang aming pamilya?

Kumunot ang noo niya, "Sinusumbatan mo ba ako?" Tanong niya

"Yes! You know how much I wanted to hate you Angela? Umalis ka ng walang paalam, pinalabas mong patay na ang anak natin at wala kang balak ipakilala siya sa akin, ninakawan mo ko ng pagkakataon na lumigaya sa limang taong wala ka! What you did is unforgivable pero hindi kita magawang kamuhian dahil mahal na mahal kita na kahit ilang beses mo kong iwan, ilang beses mo kong saktan, kahit magmukha na kong gago alam kong hindi kita matataboy at patuloy na mamahalin! So why can't you do the same to me?" Sigaw ko, a lone tear escaped from my eye

"K-kasi Xander," napahikbi siya, "Kasi hindi ako ikaw. Kasi hindi na kaya ng puso ko, I can love you, yes, but I don't know if I can still trust you."

"Hindi na rin kaya ng puso ko," mahinang sambit ko. "I can't let you go, Angela. I can't, so you choose mananatili ka sa tabi ko kasama ang anak natin o aalis kang mag-isa, forget I existed and so as our son."

Kita ko ang pag-awang ng kaniyang labi. Yes, this is me being ruthless. Kung hindi siya babalik sa akin ng kusa, ako ang gagawa ng paraan even it seems unfair to her.

The Hidden Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon