CHAPTER 19- Scheduling Dates

361 19 1
                                    

*Penny's POV*

One month, one month na jusko! Pakiramdam ko mababaliw na ako!

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng patago.

Oo! Patago!

Ayokong makita ang ni-isa sa kanilang tatlo dahil pakiramdam ko ma ca-cardiac na ako sa mga pinag-gagawa nila!

Pati sina Amy at Rem! Jusko! Kung hindi ko lang sila mahal na bugbog ko na yung dalawa na iyon!

Noong huling pag-uusap namin nila Amy at Rem ay parang naging mga diwata ng kasamaan silang dalawa!

Oo kasamaan!

Paano ba naman..
.
.
.
.
"IT'S FAIRYGOD MOTHER TIME" sigaw nilang dalawa.

Natanga ako.

"Huh?" takang tanong ko.

Pero ngumiti lang sila at kinindatan ako.

"You will see tomorrow my precious" bigkas ni Amy.

"We will make sure get yourself the right guy" bigkas ni Rem na inartehan ang pagsasalita.

Hindi ko alam kung anong iniisip nila pero kinabahan ako.
.
.
.
At eto nga, ang pakulo ng dalawang bruha ay ang tinatawag nilang

'Operation Find Penny's Perfect Guy'

Ghad! Nakakaloko silang dalawa!

Kinausap nila ang mga boy's para sa kanilang terms and condition para sa panliligaw sakin na sinang ayunan naman nila.

Take note. Walang consent sakin. WALA!

so binigyan sila ni Amy ng 1 week each to court me at para maibigay ko ang sagot na 'OO' sa 'will you be my Girlfriend?' questions nila.

The hell! No pressure daw pero sobrang na pre-pressure ako!

Isa akong hipokrita pag sinabi ko'ng hindi ko nagugustuhan yung mga ginagawa nila para mag OO ako..PERO!

God..nahihilo na ako. 

noong unang week ay si Blake ang parati ko'ng nakakasama. He would take me to different places and bring me to fancy restaurants and such.

Nakakahiya! Kasi lahat ng pinuntahan namin mga pang mayaman!

Again, Hipokrita ako kapag sinabi ko na hindi ko nagustuhan ang paraan ng panliligaw ni Blake.

A gentlemen with elegance and sophistication. Plus the dimples!

Sunod na week naman ay si Dustin, Medyo comfortable ako sa kanya pero awkward din kasi tinuring ko siya na BFF. Pero nag enjoy naman ako dahil dinala niya ako sa mga lugar na dati ng pinupuntahan, simple date at the parks. Maglalaro kami sa playground, bibili ng dirty Ice cream at mag malling at arcades.

A Guy next door with a sense of childishness and a mixture of Fun.

The Third week, ay si Pen. Jusko! Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag talo sa kung saan pupunta, anong kakainin, anong babasahin na Libro at kung ano-ano pa! Muntik ko na siyang layasan pero sa agad din siyang lumalambot at yayakapin ako tapos sasabihin niya na

"Ok Pencake, we will go with what you want" ang sinasabi ni Pen tapos ngingiti siya sakin. Ang mga asul niyang mata ay nakakatunaw!

Pero sa huli mag aaway din kami kasi mahihiya ako na gusto ko lang ang masusunod. Paano naman siya? Iyon na ang sunod na pag aawayan namin. Tapos tatawa na lang kami kasi para kaming mga tanga.

We fight, We make up, we laugh.

A boy with an immature but smart mind and has a very soft heart.

"Ay butiki!" sigaw ko ng may biglang may tumapik sakin.

"Kaloka ka sis! Sa ganda ko'ng to? Ihahawig mo ako sa butiki?" inis na bigkas ni amy at hinila ako.

"Bat ka nag tatago sa mga poste? May pinatay kaba?" tanong niya.

Napa facepalm ako.

"Amy, kung pumatay ako edi sana duguan ako!" inis ko'ng bigkas.

Tumawa lang siya.

Hinila niya ako palabas sa poste at saktong nag lalakas papalapit sina Dust , Pen at blake na mukhang may hinahanap.

"Oh there you are!" masayang bigkas ni Blake.

"Pencake! Saan ka nag punta?" tanong ni Pen. Halatang hindi siya masaya na nawala ako sa paningin niya.

"Penny iniwasan mo ba ako?" tanong ni Dust sakin.

Agad akong nag no sign sa kanya.

Bago pa tuluyang makalapit ang tatlo ay pinigilan na sila ni Amy.

"Hep! Ok boys, binigyan ko na kayo ng tig one week para masolo si Penny. Ngayon ako naman ang makakasama niya, wag Greedy kay? Basta same lang ang rotation niyo" bigkas ni Amy at hinila na ako palayo.

"Tsk. Pencake I'll text you" Bigkas ni Pen.

"I'll call you Cuttie" bigkas ni Blake.

"Penny dalawin kita sa work mo" bigkas ni Dust.

Oo nga pala noong date week namin ni Dust ay pumunta kami sa workplace ko. Jusko para siyang artista dahil dinumog siya ng mga babae doon para mag pa picture.

Pero hindi ito ang point! Dahil sa scheduling dates ay gumulo ang nararamdaman ko.

Dahil lahat sila ay nagkaroon ng epekto sakin.

Nakakainis! Bakit ba kasi tatlo pa sila? Isa lang puso ko. Isa lang bes!

"Long time no see sis ha? Paano ba naman kasi noong binigyan namin ni Rem ang mga boys ng Go signal at ang terms and conditions ay talagang tinodo nila agad!" bigkas ni Amy.

Napahilamos ako sa mukha.

"Amy, I feel so confuse! Nakakainis kayo" inis na bigkas ko.

"Sis, ginagawa natin to para mahanap o malaman natin kung sino sa tatlo ang may connection ka, aba! Ang swerte mo nga at may tatlong Hot guys, I repeat HOT GUYS ang nagkakandarapa sayo sis! At syempre para Anti-Paasa. Konsensya mo na rin kapag hindi mo pa to ginawa at hinayaan mo lang sila sa mga ginagawa nila" paliwanag ni Amy.

Napahawak ako sa sintido ko at pinisil ito.

She is right.

The last thing I wan't to do is paasahin silang tatlo sa hindi pagbibigay ng response sa mga feelings nila pero ugh!

This is so confusing.

Mag kakaiba silang tatlo and I admit that I enjoyes our dates.

Pero pakiramdam ko lang kasi hindi pa ako handa..

"Amy, ang hirap lalo na't one week each ko palang sila nakikilala. Ugh! At pakiramdam ko hindi pa ako ready" pag amin ko.

"Sis, I know. Ang haba talaga ng buhok mo and I swear one of this days kakalbuhin kita" pangasar ni Amy.

"Amy naman eh!" inis ko'ng bigkas.

Tumawa lang ang loka.

"Ok. Ok. Pero sis tiisin mo na lang until your stubborn heart finally find's one among the three" bigkas ni Amy.

Bumuntong hininga ako.

"Oh Hi kuya!" bigkas ni Amy.

Napatingin ako sa papalapit.

What is this weird feeling I felt just now?

----

Hey hey~

Pampatulog. Hinabol ko talaga. It's already pass midnight at pakiramdam ko na drain ko ang utak ko pero dahil gusto ko'ng makapag UD ay heto tayo.

So recap! Nag simula na ang ligawan session at one month na ang nakalipas. Dont worry may mga chapters kung saan mas detailed ang dates ni Penny sa tatlo.

For now, simula pa lang naman ng ligawan. 

So ayon, hope you enjoy this chapter. Goodnight ;)

# Dates

Vote and comment ✌

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon