Sinasabi ko na nga ba at hindi na magiging tahimik ang buhay ko. Naiinis talaga ako dahil pakiramdam ko sinusumpa na ako ng mga titig ng mga tao sa palagid. Lalong-lalo na ang mga girls.
Alam kong gasgas na ang kasabihan na ito pero siguro kung nakakamatay lang ang masasamang titig kanina pa ako bumulagta dito.
Hindi ko naman hiniling na pagitnaan ako nitong dalawa, sila ang nag inssist na ilakad ako sa classroom ko.
Nagulat ako ng pag pasok ko pa lang sa gate ng school ay nadoon na silang dalawa at mukhang inaantay ako. Lalagpasan ko sana sila pero parehas nilang nahawakan ang dalawa kong kamay at sinabayan akong maglakad.
Dahil ayaw ko magalit ngayong araw ay pinilit ko na lang ng gawing blanko ang expression ko at maglakad ng tuwid.
Bahala sila sa buhay nila.
"Hey BFF, diba kaibigan ka lang? Pwede ba lumayo-layo ka sa pencake ko?" bigkas ni Pen at ngumiti ng pangasar kay Dustin.
Si Dustin naman ngumiti ng matigas kay Pen. Yung ngiti niya para papatay.
Eto na naman.
"Oh? Bakit hindi ikaw ang bumitiw? Sa pagkakaalam ko Stalker ka lang ni Penny" pangasar ni Dust kay Pen.
Nawala ang ngiti ni Pen at napalitan ng pagkainis.
"I'm not her freaking stalker!" Inis na bigkas ni Pen.
Oo nga pala, dahil wala naman akong social media ay hindi ko nagawang makausap si Dust. Pero nagulat ako ng may tumawag sa cellphone ko na unknown number at nang sagutin ko si Dust pala iyon.
Nag-usap kami tungkol sa nakaraan, kinamusta ang isa't isa at panay ang sorry niya dahil wala kaming communication all those years na nasa ibang bansa siya pero sabi ko ok lang.
Nag kwento rin ako sa kanya kung paano ko nakakilala si Pen. Maliban lang doon sa kiss.
Hindi niya pweding malaman iyon!
So ayon nga, nagulat siya at nagalit kay Pen at sinabi na kung kumapit sakin si Pen ay parang obsessed boyfriend pero hindi naman pala. Sabi niya bubugbugin niya daw si Pen, sabi ko wag na dahil ayaw ko silang mag away ng dahil lang sakin.
Syempre ako ang masusunod kaya nag Okey na lang siya.
"Plus I know the fact that you screamed to the whole campus that Penny's Boyfriend but your not" dagdag pa ni Dust na lalong nag painit ng ulo ni Pen.
"YOU-!!!" nanlaki ang mga mata ni Pen at magwawala na naman sana ng pigilan ko siya.
"Pen manahimik ka, ikaw naman Dust tigilan mo ng mangasar" inis ko'ng bigkas.
Sabay lang silang nag 'tsk'.
"Pwede ba bitawan niyo na kamay ko? Nakakahiya sa mga nakatingin! Baka kung anong isipin ng mga 'yan" bwisit kasi kung makatingin sakin yung ibang students akala mo pinag-sasabay ko tong dalawa.
WHICH IS NOT!
Hindi nila ako pinansin at hinigpitan lang ang hawak sa kamay ko.
Jusko'ng mga lalaki to.
"Ok boys! You have your time with our precious Penny kaya, shooo!" Bigkas ni Amy na naglakad papalapit samin. Nasa likod niya sina Rem at Chriss na mag kahawak kamay rin.
Iyon ang totoong relationship. Hindi katulad ng situation ko, alam ko na nakahawak sakin Dust kasi BFF ko siya at Protective lang habang si Pen, hindi ko alam kung anong trip ng isang to.
"NO/NO" sabay nilang bigkas kay amy.
Pero sinamaan sila ng tingin ni Amy na talaga napabitaw sila sakin kaagad. Kahit ako natakot sa tingin niya na iyon.. Para siyang anghel pero parang demonyo kapag tumingin ng ganoon.
Oo, ang O.A ng description pero kung makikita mo lang kung paanong ang malambot na ngiti ni Amy ay napalitan ng madilim na titig. Katakot talaga!
Hinatak ako ni Amy palayo sa dalawa na mukang nalugi, Habang sina Rem at Chriss ay nag pipigil ng tawa.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nagkaroon din ako ng space.
"Kami na mag hahatid kay penny sa class niya, wag kayong makulit na dalawa ok?" bilin ni Amy sa dalawa.
Wala silang reaksyon.
"OK?" ulit ni Amy sabay sinamaan sila ng tingin.
"Sige/sure" sabay nilang bigkas at tumingin sa ibang direksyon.
See? Nakakatakot kalabanin si Amy.
Nag simula na kaming maglakad. Yung dalawa sa likod sumunod pero hindi masyadong malapit at rinig ko na nag tatalo sila.
"Pasalamat ka dude at ayaw ko mag alala ang BFF ko sakin kaya hanggang ngayon ay hindi pa kita binubugbog!" bulong ni Dust pero rinig naman.
"Oh yeah? Gusto mo magkasubukan tayo mamaya?" bigkas ni Pen.
I can sense that his smirking after saying that.
"Hay nako sis ang haba ng buhok mo" bigkas ni Amy.
"Huh?" tanong ko.
"Ang haba! Nako girl pwede ko bang putulan yan? Two Hot guys are fighting over you!" nakangiting bigkas ni Amy.
I rolled my eyes.
"Nako Amy. Believe me na kapag sinabi ko nag papaangasan lang yang mga 'yan" badtrip ko na sagot.
Tumawa ng mahinhin si Amy.
Ang cute.
"Pero hindi iyon ang nakikita ko, By the way siguraduhin mong wala kang lakad ng sabado aalis tayo" bigkas niya.
"Huh? Bakit?" tanong ko.
"Were going to have our girlfriend day! At bibigyan ka namin ni Rem ng make-over!" masayang bigkas ni Amy sakin.
Napasimangot ako.
"Amy, wala akong oras sa ganyan plus wala akong b--" hindi ako pinatapos ni Amy.
"Hep-hep friendship! Don't worry hindi ka gagastos. Please! Pretty please with cherry on top?" nag puppy eyes si Amy sakin.
God, ang hirap tangihan!
"Err...ok" crap. Napasubo na ako.
"Yehey!" masayang bigkas ni Amy.
Napailing ako at ngumiti pero agad ding mawala ng may mapansin akong lalaki na nag lalakad sa unahan namin.
W-wait.. Yung tindig na iyon. Hindi ako pweding magkamali!
"Sis? May problema ba?" tanong ni Amy pero naka focus ako doon sa lalaki.
"Saglit lang Amy" bumitiw ako sa kanya at dali-daling hinabol yung lalaki.
"Saglit!" sigaw ko at hinawakan ang braso niya.
Ng lumingon siya ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako pweding magkamali. Alam na alam ko ang hugis ng mukang iyon.
"Ikaw?!" bulalas ko.
-----
My class ako ngayon, kaya baka ang next UD ay gabi na. I know bitin to dahil sa Cliff hanger na to pero salamat sa mga masugid na nag babasa ng akda ko at nag aantay talaga ng UD. Thanks ;)
Enjoy this chapter. :D
Vote and comment ;)
# MysteryGuy
# PenPenLoveTeam
# PenVSDust
BINABASA MO ANG
Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)
Novela JuvenilSi Penellope Cake Cruz o Penny ay isa lamang odinaryong student ng Pentheon High, isang private school pero nagawa niyang makapasok dahil siya ay isang scholar. ang buhay niya ay tahimik lang hanggang sa mapansin siya ni Pentonny Drake Cruz. apo...