CHAPTER 26- Challenging Hearts

320 16 2
                                    

*Penny's POV*

Tahimik ako'ng nagbabasa ng mga lessons ko dito sa school libary. Pero hindi ko maiwasan na hindi isipin ang mga nangyari kahapon.

Yung mga malalamig na tingin ni Pen sa Emily na iyon at ang mga tingin ng pangungulila sa mata ng babaeng iyon.

"Ahh!" inis na bigkas ko.

Sumalampak ako sa desk at ginulo ang buhok ko.

Walang pumapasok sa isip ko.

"Bakit ba ako apektado?" bulong ko at pumikit.
.
.
.
.
"Drake?" narinig naming dalawa ni Pen at napatingin sa babaeng palapit sa amin.

Napansin ko ang pag iba ng aura ni Pen. Ang asul niyang mga mata ay nawalan ng kulay at naging madilim ang mga ito habang nakatingin sa babae.

"Emily" malamig na bigkas ni Pen.

"Hi..Drake" bigkas ni Emily at mukhang nag iingat siya sa mga sinasabi niya.

Bakit kaya?

Biglang tumayo si Pen at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na Penny" walang emosyong bigkas ni Pen.

Dali-dali ako'ng tumayo. Hindi ko inaasahan ang tawag ni Pen sa akin.

'Penny'

Bakit ganoon? Hindi ako natuwa ng tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa nickname na lagi niyang tinatawag sa akin.

Naunang mag lakad si Pen.

Ako naman sumunod lang at tinitingnan yung babae.

"DRAKE WAIT!" Sigaw ng babae.

Napahinto si Pen.

Ano bang meron sa kanila? At bakit Drake ang tawag niya kay Pen? Teka..diba second name ni Pen ang Drake?

Sino ba ang babaeng 'yan?

Huminto si Pen at nilingon ang babae.

Ang bigat ng habang ni Pen, ang mga bagang niya ay nagtatagis at ang galit sa mata niya.

Kahit ako natakot..

"What do you wan't?" malamig na bigkas ni Pen.

"I-I J-just..I--" nag stammer si Emily pero hindi na siya pinatuloy pa ni Pen.

"If you want to say something just spill it already, I do not want to waste my time on unworthy people" malamig na bigkas ni Pen at ngumiti ng matabang.

"Penny, Tara na" walang emosyong bigkas ni Pen at hinatak na ako palayo.

Lumingon ako at tiningnan si Emily na ngayon ay nakatayo at umiiyak.
.
.
.
.
"Arrrggh!" I groand.

Pagkatapos ako'ng ihatid ni Pen sa apartment ay agad din siyang umalis.

Bakit ba ako naapektuhan? Bakit?

Tingin ko alam ko na ang sagot pero pinipilit ko'ng isantabi.

"You seem stress?" bigkas ng isang pamilyar na boses.

Tinaas ko ang ulo ko at nakita ang mukha ni Kuya Theo na nakangiti habang nakatingin sakin.

"Oh..Kuya Theo ikaw pala" bigkas ko.

Umupo si kuya Theo sa upuan sa harapan ko.

"Care to tell?" bigkas ni Kuya Theo.

Kahit na ang weird ng feeling ko sa kanya ay mukha naman siyang accomodating at...

Wala kasi sina Amy at Rem. Kainis!

"Uhhmm..K-kuya Theo. Kasi may kaibigan ako na a-ano..nakita na hindi masaya iyong kaibigan niyang lalaki at pakiramdam niya nasasaktan siyang makita na ganoon ang lalaki tapos ano..anong masasabi mo doon?" tanong ko kay Kuya Theo.

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon