CHAPTER 10- Mystery Guy

599 25 1
                                    

*Penny's POV*

Buong araw ko iniwasan sina Pen at Dust dahil pakiramdam ko mababalatan ko talaga sila ng buhay lalo na't nawala ang cool ko sa canteen. 

Nakakahiya sobra!

Heck pakiramdan ko hindi na magiging tahimik ang buhay ko sa school. Badtrip!

sina Amy at Rem ang nag siguro na hindi ako malalapitan ng dalawa. Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla ko na lang sila naging kaibigan. Niyaya pa nga nila akong mag shoping pero tumangi ako.

Wala akong oras para mag mamili ng damit dahil wala rin naman akong pera.

May trabaho ako ngayong gabi sa isang 24/7 na karenderya. Hindi kalakihan ang sweldo pero pwede na para sa pang araw-araw ko na gastusin.

Pagbukas ko ng pinto ng maliit kong apartment ay agad akong humiga sa luma ko'ng kutson at ipinikit ang mata.

Ito ang unang beses sa buong buhay ko na wala akong ginawa buong araw kundi ang mainis at makaramdam ng mga kakaibang emosyon.

Hindi ko to gusto!

Lalo na si Pen... Nakakainis siya. Ano ba kasing gusto niyang mangyari? Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang paraan niya ng pagtrato sakin pero ayaw ko namang mag assume ng isang bagay kung wala naman tong kasiguruhan.

Lalo na at baka walang sasalo sayo.

Tch..ang bigat ng pakiramdam ko. Naubos na ata ang lakas ko para sa araw na ito. Pero alam ko na hindi ako pwedeng mag absent sa trabaho dahil sigurado na mag kukulang ang budget ko bukas.

Binuksan ko ang mata ko at sinilip ang oras sa orasan na nakasabit malapit sa may alababo.

6:45PM.

Maaga pa. Ang oras ng pasok ko ay 8:00PM- 12 midnight. Maswerte ako at mabait ang may-ari na si Aleng Patcheng dahil hindi 8 hours ang pasok ko, alam niya na isa lamang akong student. Libre din ang pagkain ko doon, minsan pa nga may nuuwi akong mga ulam na hindi naubos sa araw na iyon. Pero sinisigurado ko na balance ang intake ko ng pagkain.

Gulay. Karne. Gulay.

Masama sa katawan ang unbalance diet at pwede kang madapuan ng sakit kaagad.

Muli akong pumikit at inisip ang mga nangyari ngayong araw.

Nahuli akong nag cutting ni pen.

Hinalikan niya ako.

Dumating ang BFF ko galing ibang bansa.

Ipinagsigawan ni Pen sa campus na girlfriend niya ako.

Ipinahiya ko ang sarili ko sa canteen.

I groand.

This day is truly an unforgetable event.

Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko dahil hindi na magiging tahimik ang buhay ko.
.
.
.
"Miss Isang order nga ng Bulalo, tatlong kanin at isang litro ng lemon" order ng isang customer.

"Sige po saglit lang" bigkas ko at sinimulang ihanda ang order niya.

Ang Petchang's 24/7 eatery ay malawak at malagong karenderya dito malapit sa apartment ko. Konting lakad lang ay mararating mo na ang lugar na ito.

Gustong-gusto ko ang nag ta-trabaho dito lalo na at mababait din ang kasama ko. Sina ate Kim, ate janize at kuya kaloy. Pati narin ang taga serve ng pagkain na si kuya Paco.

"Bunso! Musta ang araw mo?" tanong ni kuya kaloy habang inaabutan ng bucket ng calamansi ang isang customer.

"Ok naman kuya kaloy, nakakapagod lang" bigkas ko.

"Nako bunso, gusto mo ba na umuwi muna? Wag ka mag alala sasabihan ko na lang si aleng patcheng" alalang bigkas ni kuya kaloy.

"Oo bunso, wag mo masyadong pwersahin ang katawan mo. Mahirap magkasakit" segunda ni ate kim.

"Ok lang po ako, pagod pero hindi ibig sabihin pagod na ako mag trabaho" sagot ko sabay tawa.

"Bah..kaya ka namin paborito bunso eh. Yan ang may pangarap!" puri ni kuya kaloy.

Nakakapagod talaga ang araw na to lalo na at ayaw akong tantanan ng isang asungot at yung BFF ko pa..jusko.

Para silang tubig at langis, apoy at tubig o positive at negative na pinag dikit mo ay parang isang nuclear bomb na sasabog.

Hindi talaga sila magkasundo.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin kay Dust na wala akong social media lalo na at ang cellphone ko ay keypad lang.

Siguro sabihin ko na lang sa kanya bukas na mag set kami ng araw na mag gala kami, syempre dapat walang pasok.

"Psst! Bunso ayan na yung suki mo" bulong ni ate janize.

Napatingin ako sa kakadating lang na lalaki.

Kung titingnan mo siya para siyang kawatan

nakasuot siya ng black leather jacket, black ripped jeans, black cap na halos takpan na ang buo niyang mukha niya at kung maglakad sobrang angas pero no worries, harmless naman siya.

Lumapit ako sa kanya at kinawayan siya.

"The usual?" tanong ko.

Tumango lang siya at hindi nag aangat ng tingin. Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya dahil nanatakpan ng anino ng cap niya.

Minsan nga nagkakamalan ko tong holdaper at susugurin ko siya na may dalang walis at pag papaluin siya.

Sobrang nahiya ako ng malaman na siya pala iyon. Hindi ko alam kung ano bang trip nya kasi talgang tinatakpan niya ang mukha niya sakin.

Ang weird lang niya. Tapos yung boses niya binabago niya. Mas pinapalalim niya kaya natatakot talaga ako minsan sa kanya.

Pero unti-unti din akong nasanay sa kanya.

Isa pa, siya lang ang kaisa-isang customer namin na nagbibigay ng tip derekta sakin. Five-hundred to one-thousand.

Nung una tinatangihan ko pero mapilit siya. Minsan hihilain niya ang kamay ko at ilalagay sa palad ko ang pera.

Hanggang sa nasanay na lang ako. Sinabi rin naman ng mga kasama ko na tanggapin ko na dahil pandagdag din iyon sa gastusin ko.

Kaya sobrang nag papasalamat ako sa kanya dahil ang laki ng tulong niya sa buhay ko.

Sinimulan ko ang order niya, Chapsuy, adobo at dalawang rice.

Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsasawa sa order niya na ito. Kaya minsan nag o-offer ako ng iba na buti naman ay tinanggap niya.

"Eto na order mo mister" bigkas ko at nilapag sa harapan niya ang pagkain.

Iniwan ko na siya para makakain na siya at maasikaso ang ibang customers, maya-maya pa ay tinawag niya na ako.

Alam ko na ang mangyayari kaya lumapit na ako agad para makauwi na siya.

One time kasi tinaguan ko siya dahil nahihiya ako sa pagtanggap ng tip niya ng pinahanap niya ako kina ate at kuya at nag nanatili siya doon hanggang sa maisipan ko ng magpakita.

Na guilty talaga ako ng sobra.

Lumapit ako sa kanya. Inabot niya ang kamay ko at naglapag ng. WHAT?!

T-Two thousand?!?!!?!

"H-hala! Ang laki masyado ng tip mo!" hindi ako makapaniwala.

Tumungo lang siya at tumayo sabay nag lakad na palayo.

Habang ako napa titig sa dalawang one-thousand na buo sa palad ko.

----

Hey hey. Got school kaya ngayon lang nakapag post. Phew..kapagod. Sino kaya tong misteryosong lalaki hmmm?

Time out muna sa #PENPENLOVETEAM at malaman ang ginagawa ni Penny para mabuhay.

Saludo ako sa kanya, kayo ba?

# PenPenLoveTeam
# NightWork
# MysteryGuy

Share. Vote. Comment 😊

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon