CHAPTER 24- Dictionary

316 23 1
                                    

*Penny's POV*

Nag text sakin kagabi ang mokong na

'Be There at 8AM, make sure you are already dress or else I'll dress you myself!'

Halos mapamura ako sa kabaliwan ng lalaki na to at dali-daling nag naligo at nag bihis dahil 7:30AM na ako nagising. 

bago siya pumunta dito at saktong 8AM na.

Pagkabukas ko ng pinto ay napatitig ako sa kanya.

Nakasuot siya ng isang grey V-neck Shirt, jeans at converse. Ang buhok niya ay naka brush up at may mga konting strands ng buhok niya ang naka laylay sa mukha niya.

OK! First of all, hindi masama na titigan ko siya dahil ang gwapo niya ngayon..PERO hindi ibig sabihin ay gwapo siya. Period.

"Let's go" bigkas ni Pen at syempre hindi siya si Pen kung hindi niya hahawakan ang kamay ko.

Nag irap ako.

"T-teka..sasakay tayo diyan?!" gulat ko'ng tanong at tumingin sa itim niyang motor.

Tumingin sakin si Pen at ngumiti, ngiting nalakaasar.

"Why? You scared Pencake?" pilyong bigkas ni Pen habang nakatingin sakin.

Sinuntok ko ang balikat niya gamit ang malaya ko'ng kamay.

"Kainis ka!" bulalas ko.

Tumawa lang si Pen at hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

Napatingin ako sa kanya at nag tama ang mga mata namin. Kakaiba ang kulay ng mga asul niyang mata dahil mas maliwanag ang kulay nito ngayon.

Nahiya ako bigla pero hindi ako nag pahalata.

Naging seryoso ang mga tingin niya.

"Wag ka mag-alala Pencake. Hindi ko hahayaang mapahamak ka at lalong-lalo na hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko dahil.." limunok siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Importante ka sa akin" bulong niya pero narinig ko parin.

Namula ako ng husto.

Kainis ka Pen!
.
.
.
.
Dumating kami sa Park and Lake ng mga 9AM. Nakakatuwa na hindi binilisan ni Pen ang pagmamaneho ng motor dahil ang higpit ng yakap ko sa kanya. Naramdaman niya siguro na sobrang takot na takot ako kaya binagalan niya.

At ramdam ko ang Abs niya, Abs bes!

Kanina tinanong ko siya kung bakit dito at hindi sa bookstore dahil ang naalala ko ay nag papasama lang naman siya bumili ng libro pero ang sinabi niya ay nag bago ang isip niya.

Naghanap si Pen ng Parking spot at doon huminto. Nilagyan niya ng kadena ang gulong ng bike para secure ito.

"Ugh..Pencake pakiramdam ko nadurong na ang lamang loob ko sa higpit ng kapit mo!" pabirong bigkas ni Pen habang hinihimas ang tiyan niya.

Namula ako at pinalo siya.

"Kainis ka!" bigkas ko.

Tumawa lang ang loko at hinawakan na naman ang kamay ko.

"Tara na" bigkas niya.

Ang ganda ng paligid, maaliwalas at masarapa ang simoy ng hangin.

"Bago tayo mag lakad-lakad mag breakfas muna tayo" bigkas ni pen at hinila ako papunta sa isang stall na ang nakasulat ay

'Pancakes'

Natawa ako dahil ang pangalan ng stall ay halos kapangalan ng nickame ni Pen sakin.

Mukhang nabasa ni Pen ang isip ko at ngumiti sakin.

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon