WARNING: SPG..😂*Penny's POV*
Naramdaman ko ang higpit ng kapit ni Pen sa bewang ko. Ipinulupot ko naman ang mga kamay ko sa leeg niya at dinama ang mga labi niya.
Hindi ko maipaliwanag..para bang tama ang ginagawa namin.
Para bang gustong-gusto ko ang ginawa ni Pen.
Umungol si Pen at pinasok ang bibig ko gamit ang dila niya at nakipag laro sa dila ko.
Napaungol din ako at kinapitan ang buhok niya ng mahigpit.
"Pencake.." bigkas ni Pen sa akin sa pagitan ng halik namin.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako...pero natatakot ako. Ayoko ng pakiramdam na ito.
Posible ba iyon? Ilang araw mo pa lang nakilala ang taong iyon pero na attach kana agad sa kanya? Nakakatakot isipin na minsan..
Ganoon kabilis magmahal ang isang tao.
Nag-init ang mukha ko ng mahimasmasan ako sa nangyayari. Gamit ang natitira ko'ng pwersa ay itinulak ko palayo si Pen pero hindi siya bumibitiw sa paghalik.
"Hmmm..P-pen. T-tigil" bigkas ko sa pagitan ng malalim naming halik.
Sumunod si Pen at huminto.
Nag titigan kaming dalawa. Sobrang pula ng labi niya dahil sa halik namin.
K-kissing monster!
"B-bakit..mo a-ako hinalikan?" naghihingalo ko'ng bigkas.
Nanlambot ang mga tuhod ko at ang init ng pakiramdam ko buti nalang at nakakapit ako kay Pen para hindi ako matumba.
Tinitigan lang ako ni Pen, ang mga asul niyang mga mata ay nagliliyab sa mga emosyong dumadaan dito.
Walang humpay ang pag-kabog ng dibdib ko..
Ngumiti si Pen sa akin.
Ngiting tagumpay.
"It is not obvious? I'm marking my territory" bigkas ni Pen sa isang mapang-akit na boses.
Namula ako ng husto.
"B-baliw!" naiinis ko'ng bigkas.
Tumawa lang si Pen at ilalapit na sana uli ang mukha niya sakin ng pagilan ko ito.
"Tama na, nakakadalawa ka ng halik sa akin at hindi naman tayo!" inis na bigkas ko.
Pinipilit ko'ng tumayo ng tuwid pero hindi ko kaya.
Ganito ba kalakas ang epekto ni Pen? O dahil sa siya pa lang ang lalaking nakahalik sa akin?
Natatakot ako.. Una sa lahat, Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
Posibleng laro lang ito sa kanya, habang ako naman ay..
Ayoko ko'ng mahulog sa isang bangin kung wala namang sasalo sa akin sa dulo nito...
"Aww...Gusto ko pa" malambing na bigkas ni Pen na nakapag-pabalik sakin sa realidad.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto mong balian kita ng buto!" inis na bigkas ko.
Tumawa lang ang loko.
"Yeah, you try pencake" mapanuksong bigkas ni Pen.
Ngumiti ako at pinalo siya sa balikat.
Hindi na ako nag abala pa na sigawan siya kung bakit niya ako hinalikan at magalit. Bakit?
BINABASA MO ANG
Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)
Teen FictionSi Penellope Cake Cruz o Penny ay isa lamang odinaryong student ng Pentheon High, isang private school pero nagawa niyang makapasok dahil siya ay isang scholar. ang buhay niya ay tahimik lang hanggang sa mapansin siya ni Pentonny Drake Cruz. apo...