*Penny's POV*
One weak, on freaking weak ng hindi nagpapakita si Pen sa school!
At one week narin akong wala sa mood dahil..namimiss ko siya!
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya Theo may narealize ako.
Gusto ko si Pen..
Nakakainis! Hindi ko alam kung paano nag simula at kung paano nangyari pero..
GUSTO KO NA SI PEN!
Hindi ako tanga at pabebe para hindi pa marealize na nagkakagusto na ng ako sa kanya...at..at hindi ako maka-isip ng logical explination kung paanong nauwi sa pagkagusto ang dating asar na pagtingin ko kay Pen!
Pwede pala iyon ano? Ang mahulog sa taong saglit mo pa lang nakasama?
Pero ang kinakatakot ko ang mahulog pero wala namang sasalo..
"Penny, Tama na yang pag mumukmok mo. Naiinis ako na makita ka'ng ganyan" bigkas ni Dust sa kaliwa ko.
"Yeah..cuttie come on! I swear I'll Punch that Lucky ass guy for doing this to you" inis na bigkas din ni Blake sa kanan ko.
Nag angat ako ng tingin at ngumiti sa kanila ng pilit.
Nandito kaming tatlo nila Dust at Blake sa mall. sinusubukan nila ako'ng pasayahin dahil isang linggo din akong wala sa mood.
Kahit sina Amy at Rem ay hirap na pangitiin ako.
Pagkatapos ko'ng marealize na may gusto ako kay Pen ay hindi na ko nag paligoy-ligoy pa at sinabi kina Dust at blake ang nararamdaman ko.
Bakit ko pa papatagalin ang pagsabi kung sa huli ay masasaktan ko din sila?
Mabuti na ng nararamdaman nila na nareject ko sila kaysa sa ang paasahin silang dalawa.
Noong una ay tinatangi nila na may gusto ako kay Pen at baka naman dahil sa palaging nakakagawa si Pen ng paraan para masolo ako ay namimiss ko lang talaga siya.
.
.
.
.
"H-hindi 'yan totoo Penny. Ako? Ano ng nararamdaman mo sa akin?" bigkas ni Dust.Mukha siyang maiiyak na at kumirot ang puso ko dahil alam ko na nasaktan ko siya.
Nasasaktan ang Bestfriend ko.
Si Blake naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
tatlong araw na simula ng hindi pumapasok si Pen. Tinanong ko ang mama niya na si Principal ng school kung bakit hindi siya pumapasok pero iniwasan niya ang tanong.
Sobrang nalungkot ako at bumalik sakin lahat ng sinabi ni Kuya Theo..Gusto ko na nga siguro si Pen.
Mali..mahal ko na talaga siya.
Kaya kinabukasan inaya ko sina Dust at Blake na makipag-usap sakin sa roofdeck ng school para sabihin ang nararamdaman ko.
"S-sorry...Dust, Mahal kita bilang kaibigan ko. Bilang Bestfriend ko at kahit kailan hindi ka mawawala sa puso ko" bigkas ko.
Nag iwas ng tingin si Dust.
"H-Hindi kaba naapektuhan sa mga ginawa ko'ng panliligaw?" matabang na bigkas ni Dust.
Bumuntong hininga ako.
"Meron.. Kinikilig ako Dust, pero.." pinutol ni Dust ang sasabihin ko.
"Pero kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin?" bigkas niya at tumingin sa mga mata ko.
Kitang-kita ko sa mga mata ni Dust ang sakit at pagkabigo.
Hindi ako nagsalita.
Pumikit ng mariin si Dust at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)
Teen FictionSi Penellope Cake Cruz o Penny ay isa lamang odinaryong student ng Pentheon High, isang private school pero nagawa niyang makapasok dahil siya ay isang scholar. ang buhay niya ay tahimik lang hanggang sa mapansin siya ni Pentonny Drake Cruz. apo...