CHAPTER 21- Alliance

333 15 1
                                    

*Dustin's POV*

"Alam niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinatawag sa meeting na to?" bigkas at tumingin sa dalawa ko'ng kasama.

Si kiss snatcher(Pen) ay nakabusangot at masama ang tingin ay tumango sa akin.

Oo yan ang tawag ko sakanya, nangigilgil ako sa kanya dahil nahalikan na pala niya si Penny!

Fuck this dude!

Pero ok lang, as long as I'm here. Hindi na siya makakaisa pa kay penny.

Si kabute( Blake ) naman ay tumango at seryoso ang mukha.

Isa pa to. Bigla na lang sumulpot kung saan at niligawan si Penny.

Dadag pa sa problema ko.

Pero kung ayaw na naming madagdagan pa ang kumpetisyon ay kailangan ko'ng makipag tulungan sa kanila.

"Still, I would like to tell you guys that I hate you! And in the end Penny will be mine" bigkas ko.

Ako naman talaga dapat. Dahil simula pagkabata pa lang ay kilala ko na siya at kilala na niya ako.

We are meant to be.

Hinampas ni Pen ang Lamesa at tumingin sakin ng masama.

"How do you know penny will be yours?" bigkas ni Pen.

"Because I know" bigkas ko at nakipag tagisan ng tingin sa kanya.

Kapag ganitong lalaki sa lalaki lang ay pwedeng-pwede ko'ng ipakita ang masama ko'ng ugali.

Lalo na sa bwisit na to.

"Ok! Why don't we stop this and went down to business?" pag awat ni blake samin.

Ito naman, pa charming! Tsk. Natatandaan ko na attracted si Penny sa mga charming guys.

One time, nung elementary pa kami ay may crush siya.

Si Sam Sarmiento

Crush na crush iyon ni Penny at dahil nag selos ako ay extra ang pambubully ko sa kanya ng mga araw na iyon at ipinahiya siya sa harap ni sam.

Ang ending hindi na siya naglalapit kay sam o tingnan manlang ito.

Tsk..bumabalik na naman ang mga alala ko nung bata pa kami.

I was stupid and ignorant for hurting her that time. Kaya ginagawa ko ang lahat para makabawi sa kanya.

At hindi ko magagawa iyon kung masyadong marami ang kaagaw ko sa atensyon niya.

"So pinatawag ko kayo para sa isang meeting. We are all rivals in penny's atensyon at alam ko na pare-parehas tayo ng nararamdaman sa Theo na iyon" panimula ko.

Seryoso ng nakatingin sa akin ang dalawa.

"Kailangan nating siguraduhin na hindi siya manliligaw ka penny at all cost" bigkas ko.

"Tama na ang dalawang kaagaw kay Penny hindi ba?" bigkas ko.

"Yeah" tipid na sagot ni Pen.

"I'm with you" sagot ni Blake.

"Kaya naman dapat ay siguraduhin natin na walang gagawing move yung Theo na iyon kay Penny" bigkas ko.

"Roger" sagot nilang dalawa.

"So as much as we dislike each other, do we have an alliance?" tanong ko.

"Yes/yeah" sagot ng dalawa.

"Good tapusin na natin ang meeting na to" bigkas ko at tumayo na.

Unang lumabas si Pen at sumunod naman si Blake.

Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon