*Penny's POV*
Dumating na ang araw kinakatakutan ko.
Ang sabado.
Ugh! Kahit pa libre ang gagastusin nila sakin ay hindi ko parin to matatanggap!
ang makatanggap ng pera o tulong na hindi ko pinaghirapan ay kakaiba sakin.
Buong buhay ko ay nag ta-trabaho ako, kasama ang lola ko para mabili ang mga gusto namin.
Oo mahirap pero sa tuwing nabibili ko ang gusto ko. Katulad ng bagong T-shirt O kaya naman ay school supplies o di kaya mga pagkaing masasarap ay nararamdaman ko na independent ako.
Pero iba na talaga ang sitwasyon ngayon.
"Good morning Sis!!!!" bungad ni Amy ng pagbuksan ko sila ni Rem ng pinto sa apartment ko.
Halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat ng makita silang dalawa sa labas ng tinitirhan ko.
"P-paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" gulat ko'ng tanong.
"It was simple, We went to your records on the school files to find were you live" sagot ni Rem.
Napanganga ako.
"P-pwede niyo yung gawin?" gulat ko'ng tanong ko.
"Hay nako. Tama na ang tanong sis! Maligo kana at mag bihis!" ani ni Amy at pumasok sa loob ng maliit kong apartment.
"sis, mag-isa ka lang?" tanong ni Amy.
Tumango ako.
"Where are your parents?" tanong ni Rem.
"I have no parents" simple ko'ng sagot.
Napa 'gasp' silang dalawa.
"Oh no! S-sorry sis" nahihiyang bigkas ni Amy.
"Sorry penny, we should have not ask" segunda ni Rem.
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Wala iyon at matagal naman na akong naka move on" bigkas ko.
Totoo, simula ng mamulat ako at makipag laban sa buhay natanggap ko na wala akong nanay at tatay.
Si lola lang.
"Come here sis I'll give you a hug" bigkas ni Amy at hinila ako para yakapin pati narin si Rem.
"Group hug!" bigkas ni Amy
Ng bumitaw na kami bigla akong naging aligaga dahil hindi ko alam kung saan sila pauupuin. Kinuha ko yung dalawa kong monoblock at pinuwesto sa kanila.
"Upo muna kayo, maliligo lang ako" bigkas ko.
"Sige sis! Bilisan mo. Excited na ako para sa ating tatlo!" masiglang bigkas ni Amy.
Habang si Rem naman ay umupo sa upuan at nasimulang pumindot sa kanyang cellphone.
Probably chatting with Chriss.
Dahil ayoko ng pag antayin pa sina Amy at Rem ay binilisan ko maligo, pag labas ko ng CR ay napatingin ang dalawa sa akin.
"Wow! Hot body sis" bigkas ni Amy sabay kindat sakin.
"Kaya pala pinag aagawan ka nung dalawa eh" segunda ni Rem.
Tumawa ako.
"Mga Baliw" bigkas ko at nag bihis sa ng simpleng T-shirt, Jeans at worn-out converse shoes.
"Tara na guys!!" bigkas ni Amy, kinalakad naman ako at si Rem ng masigurado ko na naka-lock na ang bahay.
Saan kaya nangagaling ang energy ng mga babaeng to?
.
.
.
"Anong gusto niyong gawin ko sa kanya?" tanong ni Ramon, isang Hair Stylist at personal Hair stylist ni Amy.
BINABASA MO ANG
Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)
Novela JuvenilSi Penellope Cake Cruz o Penny ay isa lamang odinaryong student ng Pentheon High, isang private school pero nagawa niyang makapasok dahil siya ay isang scholar. ang buhay niya ay tahimik lang hanggang sa mapansin siya ni Pentonny Drake Cruz. apo...