CHAPTER 23- SaturDATE
*Penny's POV*
Hindi parin ako makapaniwala na si Blake ay iyong niligtas ko doon sa mga bully na iyon.
Pero ang mas ikinagulat ko pa ay ang malaman na siya nga talaga ang regular customer ko.
Nahiya talaga ako sa kanya pero agad ding nawala ng pasalamatan ko siya para sa pagbibigay ng malaking tip sa akin.
Kumunot ang noo niya at sinabing regular customer siya doon pero hindi siya umuupo malapit sa pwesto ko. Dahil umuupo siya sa may likuran ng kainan.
"S-seryoso ka?" tanong ko sa kanya.
"Yeah Penny, I just watched you from a far while eating, I leave a tip but I don't think I give them personally to you" bigkas ni Blake.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ibig sabihin hindi siya ang misteryosong regular customer ko na nagbibigay ng malaking tip.
Pero sino kaya?..
.
.
.
.
Saturday ngayon at eto ang araw ng date namin ni Dust.At take note. 8AM pa lang nasa labas na siya ng apartment ko.
"Good morning!" masayang bati ni Dust.
Bigla akong nahiya kaya sinaraduhan ko siya ng pinto agad. baka may laway pa ako at magulo ang buhok kaya dali-dali akong tumakbo sa CR. Para ayusin ang sarili ko at ng matapos ako ay binalikan ko siya.
"Tama ba naman na bigla mo akong saraduhan ng pinto pagkatapos kitang batiin ng Good morning?" nakasimangot na bungad ni Dust ng pagbuksan ko uli.
"Sorry na BFF, ikaw naman kasi parang kabute na bigla na lang sumulpot" bigkas at ngumiti sa kanya.
"Tsk. Pasalamat ka gusto kita" bulong niya.
"Ha?" tanong ko.
"Wala. Ang bingi mo" bigkas niya.
Abat!
"Kung sabihin mo kaya ng malakas at hindi pabulong ano?" inis na bigkas ko.
Tumingin siya sakin ng seryoso.
"Pasalamat ka, gusto kita" mabagal niyang bigkas.
Ahh!!!
Pakiramdam ko tumakbo ang puso ko. Ang bilis!
"P-pasok ka n-na nga, maliligo lang ako at bihis sa banyo.
Ngumiti siya at pumasok.
Kainis si dust!
.
.
.
.
.
Hindi parin ako makapaniwala na matagal na palang may gusto sakin si Dust.At hindi ko manlang napansin iyon..kaya ngayon ay pinagbibigyan ko siya na gawin to.
Oo nga pala, planado talaga ng loko ang date namin dahil buong araw kaming mag sasama at pinag paalam ako sa kay aleng Patcheng tungkol sa DATE namin.
Ang galing lang ng loko.
"Penny anong gusto mo'ng kainin?" tanong ni Dust habang tumitingin sa Cake stall na ito.
Nandito kami ni Dust sa Carnival de manila.
Napangiti ako habang inaalala ang mga childhood memories namin dito.
Napakakulit ni Dust, oo tinigil na niya ang pambubully sakin pero hindi parin nawala ang kakulitan niya na iyon. Nag paalam siya noon sa mommy niya na ipasyal kami dito noong birthday ko..
That time, hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na makikita ko siya.
"Huy penny!" bigkas ni dust na nakapag pabalik sakin sa realidad.
BINABASA MO ANG
Stalking Penellope Cruz(CHAPTERS RE-ASSESTMENT/COMPLETED)
Ficção AdolescenteSi Penellope Cake Cruz o Penny ay isa lamang odinaryong student ng Pentheon High, isang private school pero nagawa niyang makapasok dahil siya ay isang scholar. ang buhay niya ay tahimik lang hanggang sa mapansin siya ni Pentonny Drake Cruz. apo...