“Buboy!!”
Tinawag ko ang kapatid ko na nasa loob ng isang convenience store. Pinuntahan ko siya doon at pumasok ako sa loob.
“Bat ka nandito? Ano ginagawa mo ditong bata ka?”
“Ate, nilibre lang kasi ako ni Kuya Minhyun ng Icecream”
“Paano mo nalaman pangalan niya? At nasaan yung Kuya mo”
“Sabi lang niya po sakin yung pangalan niya. Nandun po siya sa money changer na malapit ditto sabi niya mag-antay lang daw po muna ako dito”
Salamat naman! Nakahinga na ko. Akala ko talaga mawawala si Minhyun.
“Puntahan ko muna siya dun ah?”
“Wag na ate, antayin nalang natin siya dito”
-Minhyun’s pov-
Tapos na maghugas ng plato ang Lara na un ng naisip kong lumabas ng bahay. Ayoko sabihin sakanyang marunong ako mag-english kaya di na ko nagpaalam.
Paglabas ko ng bahay, nakita ko ang kapatid niyang mas bata sakanya. Buti nalang naalala ko yung itsura ng kapatid nun.
“Hey, do you want ice cream?”
“Do you speak English kuya”?
“Yes, just keep it secret to your sister. If you say to her, I will not treat you ice cream”
“Okay kuya, what’s your name”
“I’m minhyun, what is kuya?”
“It is older brother”
“Aaah! It is hyung in korea, what is your name?”
“I’m Clarence, but you can call me Buboy”
“Okay ^_^”
“Buti nalang marunong ako magenglish kuya”
“What???”
“Nothing kuya minhyun, come on! Let’s buy ice cream”
Sumunod lang ako kay buboy, naalala ko na wala pala akong pera na peso. Nagtanong ako kay Buboy kung saan pwede magpalit ng “won” to “peso” Buti nalang may tinuro siyang money changer na di kalayuan sa convenience store. Iniwan ko muna sa loob ng store si Buboy at nagpapalit muna.
“Can you change this?”
“Ah, yes sir! Just wait for a while!”
Nagbigay ako ng 10,000won, buti nalang binigyan kami ng budget ni president Lee, Secret nalang kung magkano.
“Sir this is your cash, 1.. 2.. 3..”
Yung 10,000won ko, naging 400+ pesos lang, apat na 100 at may mga barya. Masyado palang maliit ang pera dito. Sana mura lang ang bilihin.
Papunta na ko sa convenience store at pagkapasok ko, nakita ko si Lara na naghihintay kasama si Buboy. Patay! 400+ lang ang pera na napapalitan ko. Sana magkasya pag nilibre ko sila.
“Kuya Minhyun, I want this!”
Kumuha agad si Buboy ng icecream pagdating ko sa store at binigay sakin.
“Igo?” (this?)
Bumulong ako kay Buboy na wag siya magsasalita ng English sakin at ayaw kong ipagsabi sa ate niya na marunong ako
“Buboy! Pag gusto mo niyan, sakin kanalang magpabili!”
“Ayoko ate, sabi niya libre niya ko eh. Hayaan mo na si Kuya!!”
“Wag nga makapal mukha mo!”
Naririnig kong nag-aaway ata ang magkapatid pero di ko maintindihan ang sinsabi nila.
Nagbayad ako sa cashier at kumuha ng tatlo kagaya ng kinuha ni buboy. Nakahinga ako ng 150 lang lahat ng nabili kong tatlong icecream at may 300 pa ko. Binigay ko kay buboy ang dalawa at kinuha ko ang isa. Binigay ni buboy ung isa sa ate niya. Sa una, parang ayaw pa niya. Mejo nag-iinarte pa, pero kinuha na rin niya.
-Lara’s pov-
Binigay sakin ni Bubo yung isang icecream na binili ni Minhyun. Tinanggap ko nalang, saying baka matunaw agad. Paglabas namin ng convenience store, nakikita ko si Minhyun na kumakain ng icecream na sa sobrang init, tumutulo na sa gilid ng kamay niya.
“Moya???” (What???)
Tumatawa lang kami ni Buboy dahil nakakalat na sa kamay niya yung chocolate favor na icecream.
Buti nalang may dala akong panyo at binigay agad sakanya
“Gomawoyo” (Thank you)
“Gwaenchanhayo” (it’s okay)
“Ate? Ano yung sinasabi nyo?”
“Ah? Wala Korean words lang”
Nakangiti na parang nag-aasar si Minhyun ng narinig niya kong nagkorean, lalo tuloy akong nahihiya kung tama ba ang pagkabigkas at pagkasabi ko. >.<
Kahawig talaga ni Kimbum si Minhyun lalo na pag ngumingiti, pero parang pag mas matagal ko siyang tinititignan, parang mas gwapo talaga siya. Kaya lang may dalawang dimples siyang maliit bandang gilid ng labi, sobrang cute di ko maexplain. Bagay di sakanya yung taas-taas niyang buhok na parang nakawax. Matangkad pa, siguro mga 5’11’’ yung height niya. Halos hanggang balikat lang niya ako eh.
Dadaan na sana kami sa covercourt na malapit samin para panoorin ang naglalaro ng basketball ng may biglang may nakabangga sakanyang tumatakbong bata na may hawak na softdrinks na nasa plastic.
“Aah!!!!” Sumigaw yung bata
“Eotteoke, eotteoke??” (What to do, what to do??)
“Gwaenchanha???”(Are you okay???)
“Gwaenchanhayo” (I’m okay)
Nagulat akong biglang nabasa ang skinny jeans ni Minhyun. Baka mahal yun, pano pag pinag-abono ako???
“WAAAH! YUNG SOFTDRINKS KO!!! TT.TT”
Biglang umiyak yung bata at lumuhod si minhyun sa bata (ung isang paa lang ung nakaluhod)
Kumuha sa bulsa si Minhyun at kumuha ng 20 pesos at binigay sa bata
“Thank you kuya!!!” Biglang ngumiti ang bata
Pinauwi ko na si Minhyun para maligo nalang imbes na manood pa ng basketball sa court. Nagpaiwan sa labas si Buboy para maglaro. Dalawa kami ni Minhyun ang dumeretso sa bahay. Naligo na si Minhyun habang nanood ako ng TV ng narinig ko siyang sumigaw sa cr..
“Shower Eodiya??” (Where’s shower??)
Bigla akong lumapit sa cr, half naked na si Minhyun at nakashorts nalang. Tinakpan ko ang mga mata ko pero may nasisilip akong maliit na butas para makita parin siya. Inabot ko sakanya yung tabo dahil wala naman kaming shower at kumuha ng tubig sa timba. Binuhos ko sakanya yung isang tabo na tubig habang nakatingkayad kasi medyo matangad siya eh.
“Mohaeyo??” (What are you doing)
“Igo, igo, igo..” (This, this, this)
Tinuturo ko sakanya kung pano maligo ng nakatabo at lumabas na ko ng banyo, alam ko na kasi na kaya niya, malaki na siya. Pag labas ng banyo, napansin kong mejo may abs ni Minhyun. Wala pala siyang tuwalya, nahiya akong tignan at tumakbo ako sa kwarto ko para kumuha ng tuwalya para sakanya. Inibot ko sakanya to at tumakbo sa sala ng di tumitingin sakanya dahil sa hiya ko.
BINABASA MO ANG
30 Days with Him
FanfictionIsang Korean Boyband ang mapupunta sa iba't-ibang bansa sa asya tulad ng Japan, HongKong, Singapore, Thailand at pati na ang pilipinas. Sa limang myembro ng bandang ito, sino kaya ang makakapunta sa pilipinas? Abangan kung ano ang mangyayari sa isa...