Chapter 38

30 0 0
                                    

Minhyun’s Extension day 3 of 3 (Back to Korea)

-Mate’s pov-

Maaga rin kaming gumising ni Jonghwa hyung para samahan si Minhyun hyung pasakay ng eroplano. Buti nalang may nagcancel ng flight at napunta kay Minhyun hyung yung flight nay un. Galing na rin ni Jonghwa hyung mag-english, siya kasi nakiusap eh! Hehe

“Bye hyung! Bigay mo tong drumsticks ko para sa girlfriend mo. Kahit di ko siya nakausap ng maayos, gusto ko naman siya para sayo”

“Kinausap din ako ni Mate kanina na ibibigay niya yung drumsticks niya kaya naisip ko ding ibigay tong pick ng electric guitar ko, wala akong nabigay sakanya para magpasalamat eh. Kaya ito nalang, sana magustuhan niya to”

“Salamat Mate at Jonghwa hyung! Alam kong magugustuhan niya yung binigay niyo. At napakaswerte niya pag sumikat tayo kung sakali”

“Hahaha! Tama!” Parang kambal kaming tumawa ni Jonghwa hyung.

Sana magustuhan talaga ni Lara yung regalo naming ni Jonghwa hyung.

-Minhyun’s pov-

5:30am palang nung lumipad na yung eroplano. Grabe, buti nalang nakiusap si Jonghwa hyung at may pagkachickboy siya ng konti. Nakuha ko tuloy tong flight na to. Ang aga pa, at sigurado akong mahaba yung araw mamaya.

Past 6am ng nakarating ako ng Manila. Gusto ko talagang sumasakay ng airplane, napapabilis yung buhay. Hehe. Dumeretso agad ako kay Mayor, sana sakto ako. Halos 2hours din kasi yung biyahe papunta dun.

Nagmemessage na nga muna ako kay Lara, sinend ko yung picture kong kunwari na malungkot at nakalagay.

“Goodmorning baby, I miss you!”

Di ko ineexpect na magrereply siya sakin, maaga pa eh. Sana di niya mapansin na nasa bus ako, mukha ko lang naman yung pinakita ko eh! Hehe

-Lara’s pov-

Naalimpungatan ako, tinignan ko yung oras sa phone ko, 7am palang. At nakita ko rin na may nagtext sakin. Wait, si Minhyun?? Nataranta ako at binuksan ko agad yung message niya sakin.

“Ang cute! Pero bat malungkot siya?”

Nakita ko yung  reaction niya, bat malungkot. Haaay, miss ko na rin siya. Ayoko magmessage back na may picture ako, ang pangit ko, namamaga pa mata ko. Hehe. Nagreply ako ng “I miss you too” at natulog na lang akong ulit.

-Minhyun’s pov-

Malapit na kong bumaba ng mabasa ko yung message niya na “I miss you too L” Grabe, yun lang tinext niya? Pero okay lang, makikita ko naman siya mamaya. At mukang gising na siya. XD

Pagdating ko, dumeretso agad ako sa Mayor’s office, buti nalang sinama ako ni Lara dito noon kaya medyo alam ko yung daan papunta sa office.

Dahil wala pa si Mayor, yung secretary niya yung nag-interview sakin. Nagfill up ako ng form, nakalagy dun. “What did you experience here?”

“Did you experience the fiesta? Tell us your experience”

“How will you rate our city from 1 to 10, 10 is the highest”

Yun yung ilan sa mga tanong, sinagutan ko naman siya at alam niyo na kung ano yung mga naranasan ko dito. Parang essay yung sinulat ko sa dami. Nilagay ko na rin na, “I found my love and I think my destiny in your city” bahala na sila, nirate ko rin sila na 10. Marami akong naranasan dito eh. Syempre, di ko makakalimutan lahat.

After 30mins., natapos din akong magsagot, grabe, sumakit yung daliri ko sa dami ng sinulat ko. Dumating na si mayor at nagpasalamat sakin, nabasa niya na kasi yung mga sinulat ko. Nakipagshakehands siya sakin at nagpapicture pa. Mag-na-9am na ng nagpaalam ako, di ko nakita yung bestfriend ni Lara dito, pero mas mabuti na di ko siya nakita baka itext niya pa si Lara, isusurprise ko nga siya.

30 Days with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon