Chapter 46

39 0 0
                                    

Did you miss me Minhyun?

-Mimi’s pov-

Dahil malapit ng mag-Christmas at January next year pa yung debut ko. Ang tagal noh? Pero okay lang, close naman ako kay President Lee eh. May naisip akong napabright-idea ^_^

Sa President Room

Pagpasok sa President roo, nakita ko agad si President Lee na nagbabasa ng papers at nagkakape.

“Hi President~ Busy ka ba?”

“Ah, di naman! May kailangan ka ba?”

“Gusto ko lang po sana mag-request sainyo. Last request ko na ito. Promise!”

Napatigil siya sa pagbabasa ng papers at napatingin sakin.

“Okay, okay. Anong request ba yan?”

“Gusto ko lang po magkaroon ng exposure para pag nagdebut ako next year, kilala na ko ng mga tao”

(Additional Info: Mimi is an actress/solo singer. She will be debuted next year with a new album)

“Anong klaseng exposure ba?”

“Gusto ko po magkaroon ng album para sa Christmas, pero di lang naman po ako mag-isa eh. Kasama po yung isang member ng FM Standing”

“Ah talaga? Interesting yan ah? Anong album ba?”

“Dahil marunong naman po sa English at magaling naman pong kumanta si Minhyun oppa, siya po yung gusto kong makasama sa album na to para kumanta ng mga Christmas carol”

“Okay, pumunta ka sa recording studio ngayon, dun mo sabihin sa mga editors at composers yung mga gusto mong kantahin para sa album na yan. Di pa ko pumapayag. Gusto kong kayo ang gumawa ng album at album jacket, ipakita niyo nalang sakin pagnatapos na. Pag nagustuhan ko yung tugtog at itsura ng album, papayag akong irelease niyo yun”

“Thank you President!”

Nag-bow ako sakanya

“Pero bakit si Minhyun napili mo? May relasyon ba kayo?”

“Ah~ Wala naman po”

“Huh? Alam mo namang nasa kontrata nilang di pwede ng relationship nila”

“Wala po kaming relasyon President. Syempre, kaya ko maghintay 18months. Yun nalang yung natitirang months diba? Alam ko yung 2years rule eh! Hahaha”

“Good! sige”

“Ay President, ikaw po magpilit kay Minhyun na gumawa ng album kasama ako please!!!”

“Ano? Kala ko ba close na kayo?”

“Syempre mas papayag yun kung ikaw magsasabi. Di maniniwala yun pag ako nagsabi”

“Okay. Oo na. Pwede ka ng umalis”

“Salamat President~ Bye po~”

Diretso na ko sa research room at music room ng company, para makapaghanap ng magandang Christmas carol. Excited na ko. Hihi ^_^

Pumunta na ko sa recording room at nakita ko yung isang editor dun. Inexplain ko sakanya yung gagawin at buti nalang naintindihan niya yung gusto kong mangyari, pumili siya sa twenty songs na naresearch ko.  Suggestion niya na mas maganda pag 3 to 5 lang yung kanta sa album. Sa 20 na naresearch ko, tatlo lang ang napili niya.

30 Days with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon