Chapter 27

67 0 0
                                    

Minhyun’s Day 22 (Longest chapter)

Umagang-umaga, naririnig ko yung mga drums at tumutugtog, xylophone na matitining… Napadilat ako.

“Oo nga pala, fiesta na pala ngayon, pero ang aga naman ata mambulabog?”

Pagtingin ko sa orasan, 6am palang ah? Ang aga naman mangbulabog ng mga taong yan! :/ No choice, bumangon na ko. 8am yung first game nila Minhyun eh. Gigisingin ko nalang siya.

Pagpunta ko sa kwarto niya. Wala ng natutulog? San naman kaya nagpunta un? Himala, ang aga ata niya gumising? Inikot ko yung buong bahay, di ko talaga siya makita, kahit sa likod ng ref wala siya?? Haha

Lumabas nalang muna ako, baka sakaling sa labas makita ko siya. Di naman kalayuan yung court samin kaya dun muna ako pumunta, baka makita ko siya dun. Nakikita kong nagkukumpulan yung mga babae sa gilid ng court, bakit kaya? Baka may artista? Nakichismis ako kaya lumapit ako sa mga babae. Yung pagsilip ko, nakatingkayad na di makita ang tinitignan nila, nakaupo yung tinitignan nila eh, parang inayos yung sapatos. Kitang-kita ko agad yung sapatos, kulay green! Yung binili naming kahapon sa mall! XD Si minhyun ata yun! Ano? Artista??? HAHA

“Minhyun, I’m here”

“Baby, it’s you? Where are you?”

Girl1: Baby daw? Ano ba yan, mas maganda pa ko sa babaeng yan.

Girl2: Oo nga, pero sa bahay nila nakatira nuh? Baka tawagan lang nila.

Girl1: Pero kadiri. Duh! Mas maganda pa tayo sa babaeng yan, kapal ng mukha, baby pa yung nais

Gusto kong sabunutan yung mga nagbubulungang mga hipon. Ayoko mabad vibes kaya di ko na pinansin. Dapat kasi ginulo nalang nila ang lasing wag lang yung bagong gising na naghahanap sa nawawalang bata -____-

Nakita ko ng umalis si Minhyun sa mga nagkukumpulang babae. Alam ko naman wala siyang pakialam sa mga taong di niya kilala. Pag naging artista na talaga to, siguradong marami yung magiging basher niya sa pagsusuplado. Pero wala, snub niya lahat ng babaeng mukang hipon at lumapit siya sakin <3 HAHAHA

“Why are you here?” Nagtatakang tanong ni Minhyun habang nakatingin ng masama yung mga girls T.T

“Ah, I thought you were lost, that’s why I look for you”

“Haha. Our stretching and practice will start before the first game, so I woke up early”

“Ah, Goodluck! Hwaiting!! (Fighting) I want to watch your game!! J”

“Okay, cheer for me. Okay? Just sit on the side where I can see you”

“Opo”

Mejo nosebleed na ata yung mga babaeng nagkumpulan kanina. Ako rin kasi nosebleed na! haha XD Sana di dumagdag sa mga basher tong mga babaeng hipon na to. Kawawa naman si Minhyun pag dumagdag pa sila sa mga maninira sa kanya sa future. Pero sana, wala talagang magbash! :D

Kumain muna ng konting breakfast si Minhyun bago magsimla yung unang laro nila, kaya sinabayan ko na rin siyang kumain.

Nagstart na yung laro, nasa gilid lang ako may hawak ng towel at tubig, sinabi ko na sa kapitbahay namin na wag siya palalaruin ng matagal >.< Pero wala na kaming nagawa, si Minhyun daw yung pinakamatangkad eh, kaya siya yung ginawang center at kasama pa sa first five -__-

Buti nalang, kasama ko yung bestfriend kong si Candy, magkalaban yung street nila Candy at street namin. Nandito naman si Candy para panoorin yung kuya niyang kalaban ni Minhyun. Hihi :D FYI, yung street namin, blue team. Yung street nila Candy, yellow team. Yung dalawa pang street, red at green team. Kaya blue vs. yellow yung first game :3

30 Days with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon