Chapter 45

44 0 0
                                    

Minhyun, what did you say?

Nakauwi na kami sa apartment nila Minhyun. pero syempre, apat lang kami. Di ako kinausap ng parents niya simula pa kanina. Ano kayang meron? Mas lalong gusto kong malaman yung sinabi kanina ni Minhyun. “Ne, Laraneun nae chwigo chingu-imnida”. Mas di ko pa makalimutan yung mga salitang yun kesa sa pananabunot sakin ni Mimi sa banyo eh. Di ko alam kung maganda ba ‘tong araw na to o confusing. Di ko na alam yung nangyayari. Dahil sa pangyayari ngayon, gusto ko na umuwi sa pilipinas! TT.TT

Pumasok agad ako sa kwarto ko para tignan sa dictionary na dala ko yung meaning ng sinabi ni Minhyun. Ne= yes

Alam ko nay un kaya yung ibang words nalang yung kailangan kong malaman.

“Laraneun, laraneun” Word ka ba? Bat di ko mahanap sa dictionary >.<

Next word na nga, di ko makita yung ‘laraneun’ eh. “Chwigo, chwigo” Wait, naalala ko na tong word na ‘to “Best! Tama! Best nga!” yes! Nalaman ko na! Chingu, friend meaning niya. Alam ko na yun. So, pag pinagsama lahat, “Yes, Laraneun my best friend” Sh*t! Ano ba yung Laraneun?Word ba talaga yun?

Di ko rin nagets yung mga sinabi ni Minhyun, di ko makuha eh. Kaya itutulog ko na lang ‘to. Baka bukas ng umaga, malaman ko na. haha. Tama, itutulog ko nalang ‘to. Zzzzzz

-Minhyun’s pov-

Back to dorm, di ko makalimutan yung sinagot ko sa mga tanong ni Mimi. Bat pa kasi niya tinanong yun.

Nasa kwarto na kami ni Jonghwa hyung.

“Hyunie, good decision na sinabi mong bestfriend mo lang siya. Pag nalaman ni manager, lagot ka. Ayokong matanggal ka sa banda natin. Hirap talaga pag may company na sumusuporta satin. Kelangang masunod yung rules nila”

“Okay lang yun hyung! Pagkatapos kong masabi yun, nawalan na ko ng lakas ng loob na mayakap si Lara. Pag umuwi yun sa Philippines, di ko na siya makikita. Baka years pa ulit bago ko siya makita. Haaaay”

“Wag mo na isipin yan hyunie. Atleast narinig niya yung ginawa mong kanta para sakanya diba?Diba? Yung last part ng kanta mo na “Neoreul jikilge” (I will protect you), magagawa mo rin sakanya yun. Ginagawa mo na nga ngayon eh. Pinoprotekhan mo siya sa mga gagawin ng mga tao na makakalaman na girlfriend mo siya”

“Sabagay, tama ka hyung”

*knock knock knock*

“Hyung~”

“Si Mate?”

“Oo nga, si Teng yan, pagbuksan mo hyunie”

“Ikaw na hyung, parang nakamagnet yung likod ko sa kama eh!”

“Ay naku, sige na. sige na, ako na magbubukas”

“Hyung!”

“Oh teng?Anong kailangan mo?”

“Kakausapin ko lang si Hyunie hyung sa ginawa kanina ni Mimi. Di ako makatulog sa mga pinagtatanong niya sa’yo eh. Jonghwa hyung, pwede dalawa lang muna kami?”

“Ano pag-uusapan niyo?Tungkol kay Mimi?Di pwede na wala ako sa usapan!”

“Hyung???”

“Oo na, lalabas na. iihi lang ako at may pag-uusapan kami ni Jikyung”

Walang nagawa si Jonghwa hyung at lumabas din.

“Hyunie hyung, pasensya pala sa ginawa ng kapatid ko kanina ah? Nasabi mo tuloy na bestfriend mo lang si Lara”

30 Days with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon