Minhyun’s Day 24
Dumaan muna kami sa hospital para papalitan yung bandage sa kamay ni Minhyun, mejo manipis na yung bandage na nilagay, at napansin kong medyo nabebend na ni Minhyun yung kamay niya. Bilis daw ng paggaling ng injury niya. Buti nalang pinayagan siya magstarcity. Disabled loveteam kami ngayon, si Minhyun sa kamay at ako sa tuhod. Pero okay lang, it’s a tie lang. hehehe
Nagpants nalang muna ako, pagnagshort ako ngayon, baka asarin ako ng mga kaibigan ko! XD
Nasa star city na kami ng nakita na namin sila na nag-aantay sa labas. Si Cherry nalang at yung boyfriend niya yung hinihintay namin.
Rea: Lara, anong nangyari sa kamay ng boyfriend mo?
“Ah? Nung fiesta kasi samin, naglaro siya ng basketball. Tas naipit yung kamay niya nung kukunin na yung bola”
Rea: Ay, Fiesta sa inyo? Di mo nalang man kami ininvite
“Sige, pumunta kayo. Puro palaro lang yung meron sa lugar namin, parang mahilig kayo sa sports! Haha”
Kei: Pumunta na tayo dun kila Lara nung 2ndyear tayo diba? Sayo mo pa nga ayaw mo na pumunta dun kasi wala naman kainan
“Haha! Oo nga, sinabi mo yun!”
Rea: Talaga? Nakalimutan ko na yun -_-
Kei: Nanjan na si Cherry! Tara na! Magbayad na tayo.
--
Di naman ako umalis sa tabi ni Minhyun, ayoko ma-out of place siya. Kahit first time ko dito, sana di kami maligaw. Pagpasok namin sa loob, may mga tinda ng kung ano-ano. Wala namang masyadong tao, buti nalang kasi ayoko pumila >.<
Dito sa loob, puro pangbata yung mga rides, pumila agad sila sa “Vikings” yung barko, sumama na rin kami ni Minhyun.
Nakasakay na kami, nag-su-sway sway lang kami. Hanggang sa pataas na pataas na yung pag-angat, mejo nalulula na ko (pero wala akong fear of heights), parang may part na rin sa katawan ko na gusto magpaiwan! XD Tinignan ko yung expression ni Minhyun… Bat poker face? Di ko alam kung natutuwa siya o natatakot na rin siya. Nakita kong kinuha niya cellphone niya at binuksan ang camera. Tinapat niya yung front camera sakin. >.<
Pagbaba namin, mejo sumakit yung tiyan ko >.< badtrip, may tinignan din si Minhyun sa phone niya, yung video ko na ewan.
“Hyunie! Delete that!”
“Ayoko. You’re so ugly when you’re scared! Hahahaha”
“Give your phone”
“I don’t want!”
Inaangat lang niya yung phone niya. Eh di ko naman abot! Hanggang sa sumuko na ko, at kunwari di ko siya pinapansin,
Cherry: Unang rides palang sinasakyan natin, LQ (love quarrel) na agad kayo?
“Ayaw niya kasi burahin yung pangit kong video na natatakot. Pero di kami LQ nuh? LQ agad?”
Mag-isa lang sa likod ko si Minhyun, kay Cherry kasi ako tumabi, eh katabi ni Cherry si boyfriend niya. May nakita akong dumaan na Korean, ang ganda, ang tangkad. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makadaan siya kay Minhyun, tinitigan naman ng girl si Minhyun at nakangiti. Dedma naman si Minhyun. Loko yung koryanang yun, kala ko kakausapin niya si Minhyun. pero di pa rin ako nilalapitan ni Minhyun. ano to? Siya yung nang-away tas di ako papansinin? Pero di naman ako yung tao na nagtatago ng sama ng loob. Kaya habang hawak ni Minhyun yung phone niya, nag-ninja moves na ko. Nagtagumpay akong kunin yung phone niya. Haha!
“Don’t get that!“
Hinanap ko agad yung video ko na natatakot ako, bat wala? San kaya napunta yun?
BINABASA MO ANG
30 Days with Him
FanfictionIsang Korean Boyband ang mapupunta sa iba't-ibang bansa sa asya tulad ng Japan, HongKong, Singapore, Thailand at pati na ang pilipinas. Sa limang myembro ng bandang ito, sino kaya ang makakapunta sa pilipinas? Abangan kung ano ang mangyayari sa isa...