Always be mine
Ang saya ko! Natupad na ang wish ko sa simbang gabi! Sulit ang pagpupuyat ng 9days. At buti nalang di ako tinamad kasi nanjan si Alex.
Naglalakad na kami ni Alex pauwi samin pero di nawawala yung ngiti sa mga labi ko.
“Hooooy! Baliw ka na ata eh? Ngumingiti ka nalang mag-isa!”
“Wala, masaya lang talaga ako!”
“Dahil sa Minhyun ba? Sino ba yun?”
Naalala ko na sinabi ni Minhyun na di sila pwedeng maggirlfriend ng dalawang taon kaya simula ngayon, wala na kong pagsasabihan na boyfriend ko siya. Sasabihin ko nalang sa mga friends kong kilala siya, break na kami. HAHAHA
“Wala special someone lang!”
“Sino special someone yan?? Korean ba yun?”
“Oo”
“Buti nagkakaintindihan kayo”
“Wag ka nga!”
-Alex’ pov-
Nakita kong ang saya ni Lara. Haaay, nakakaselos. Sino kaya yung Minhyun na yun? Bat iba yung ngiti ni Lara nung tumawag siya?
Naiinis ako dahil di ko na naamin sakanya noon palang na may gusto ako sakanya, naunahan tuloy ako! Kung special someone niya pa lang niya yun, ibig sabihin, di pa sila mag-boyfriend? Pwede pa ba ako manligaw? Hmmm.
Hinatid ko muna si Lara sa bahay nila bago ako umuwi. Ibibigay ko n asana sakanya kanina yung necklace na regalo ko para sakanya pero nawalan ako ng lakas ng loob eh.
Nakita ko lang yung kapatid kong si Michelle na nakaupo at nagbabasa ng libro sa duyan ng terrace namin.
“Mich! Bakit di ka pa natutulog?”
“Inaantay kita, ang tagal mo umuwi eh!”
“Ganun ba? Salamat sa pag-antay”
“Kuya!”
“Bakit?”
“Bat parang ang lungkot mo?”
“Mukha ba kong malungkot? Di ah? Hahahaha. Pero kilala mo ba yung special someone ni Lara?”
“Ay naku! Di niya special someone yun. Sa pagkakaalam ko boyfriend niya yun. Ilang araw din sa bahay nila yung lalaki nay un at pagkakaalam ko Korean siya”
“Talaga? Korean talaga? Ano pangalan?”
“Nakalimutan ko na! >.< Ang tagal na kasi nun eh. Nung summer vacation pa kaya yun! Haha”
“Umuwi ba ulit yun dito pagkatapos ng summer vacation?”
“Masyado ka ng curious kuya ah? Hahaha. Alam mo bang nagkagusto si Ate Kris dun, muntik na niyang agawin kay Lara yung korean na yun, pinigilan ko lang si Ate Kris”
“Nagawa ni Ate Kris yun? Hahahaha”
“Ewan ko ba dun sakanya. Dapat kasi kay Lara mo na itanong yung ibang information sa boyfriend niya na yun, tutal mas close naman kayo! Diba? Tulog na ko kuya! Matulog ka na rin”
“Oo na. goodnight bunso!”
Sumunod na rin naman ako, natulog na rin agad ako. Parang di matutupad yung wish ko sa simbang gabi ah? T.T Oo, naniniwala rin ako dun at yung wish ko, pumayag si Lara na magpaligaw siya sakin. Pero mukang di pa matutuloy! L Goodnight na nga sainyo. XD
BINABASA MO ANG
30 Days with Him
FanfictionIsang Korean Boyband ang mapupunta sa iba't-ibang bansa sa asya tulad ng Japan, HongKong, Singapore, Thailand at pati na ang pilipinas. Sa limang myembro ng bandang ito, sino kaya ang makakapunta sa pilipinas? Abangan kung ano ang mangyayari sa isa...