Chapter 6

28 0 0
                                    

Minhyun’s Day 2

May 2 na, chinekan ko na yung kalendaryo sa sidetable ng kwarto ko. Lumabas na ko ng kwarto ng nakita ko si Minhyun na nakatingin sakin habang umuunat ako. Tumatawa lang siya habang kumakain. Nakita ko na kumakain siya ng lugaw. Kumuha na rin ako sa kawali at nagluto pala si Mama ng lugaw para kay Minhyun. Ang bait talaga ng Mama ko, pinagluto pa yung bisita namin.

Pagkatapos ko kumain, inutusan ako ni Mama na pumunta ng palengke at isama si Minhyun para makapili ng gusto niyang lunch. Pumayag agad si minhyun at nagulat ako na nakapants pa siya. Wala ba siyang shorts? Bibilhan ko nga siya mamaya sa palengke.

Sa palengke.

Sa sobrang tirik ng araw, lumalabas ang maputi niyang kulay at tumutulo na ang pawis sa ulo niya, pinapayungan ko nalang siya baka mangitim. Hehe. May nakita akong shorts na nakasabit sa bangketa na malapit sa palengke. Sinubukan ko kung bagay sakanya yung shorts na yun. Maputi naman siya kaya bagay sakanya yung kahit anong kulay. Dahil 2 for 150 yung shorts at may pera naman ako, binilhan ko nalang siya para maging komportable naman siya sa init dito sa pinas.

Namimili na siya ng mabibili sa palengke, napapansin kong puro gulay yung pinipili niya. May petchay, karots, bell pepper at iba’t ibang sili.

“Ayaw mo sa gulay at maanghang ah?”

“Mweo?” (What?)

“Aniyo, aniyo” (Nothing, nothing)

--

Marami kaming napamili. Pag uwi sa bahay, nagprito ako ng chicken para kay Buboy, nagsisimula ng maghati at magbalat ng gulay si Minhyun. Parang di siya marunong magbalat ng patatas at white squash kaya tinulungan ko nalang siya magbalat. Nakakatakot, baka di masarap yung lutuin niya.

Habang nagluluto na siya tinanong ko siya kung ako ang niluluto niya.

“Beef stew??”

“Nae, Ah! Ye, Ye?” (What? Ah! Yes, Yes)

Wow, Beef Stew. Naririnig ko nay un pero ngayon ko pa lang ako makakatikim ng pagkain na yun. Nagsaing na ko ng matapos na ko magprito ng chicken. Malapit na mag-12pm, natapos na rin ang isang oras niyang niluto. Tinext ko ang bestfriend kong si Candy na dito na muna siya maglunch samin..

Kumakain na kami, si Minhyun, Mama, Buboy at ako ng dumating si Candy na may dalang cake.

“Wow naman, yaman, may pacake-cake pa!”

“Binigyan ako ng pera ni Mayor, para daw to sa koryano na nakatira dito sainyo!”

“Wow! Tagala?! Sige magpapasalamat ako sakanya, text ko nalang siya. Minhyun, cake neol wihae” (Cake for you)

“Jinjja? Gomawoyo! Chocolit?” (Really? Thank you! Chocolate?)

Tumawa kaming lahat dahil parang bisaya ang pagkasabi niya ng chocolate. Nagtataka si Minhyun kung bakit kami nagtatawanan.

“Candy, kumain ka na dito para matikman mo na yung niluto ni Minhyun..”

“Ah, sige! Annyeong haseyo minhyun-ssi, Candy-imnida” (Hello Minhyun, I’m Candy)

“Neoneun dalkomhanyo?” (Are you sweet?)

“What?”

“Aah, hayaan mo nalang siya Candy kain ka nalang. Hehe”

Nagulat ako sa reaksyon ni Candy ng tinikman na niya yung niluto ni Minhyun na Beefstew.

“WAAAAAAAAAH!!! ANG SARAP! LASANG PANGMAYAMAN, PERO SOOOBRAAANG ANGHANG!!!”

30 Days with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon