Kabanata 4

7.4K 356 63
                                    




Kabanata 4:



"Keira... Kay gandang pangalan!"


Napalingon ako at nakita ko si Gabriel sa may pintuan. Ang bilis ng tibok ng puso ko, same noong gabing nagkita ulit kami. Napahawak ako sa dibdib kong wala sa oras. Tama nga. Sobrang bilis ng heartbeat ko.


"Kuya! Umalis ka dito dahil hindi magandang tingnan na nasa loob ng kwarto ng babae ang isang lalaking hindi niya asawa!"


Nawala bigla ang pagkatulala ko kay Gabriel dahil sa sigaw ni Anastasia. Napa-eye roll ako ng wala sa oras. Duh! Kung nasa year 2017 sila, okay lang pumasok sa room ko si Gabriel. Super conservative naman sa panahon na 'to.


"Ngunit gusto ko lamang-"


Tinulak ni Anastasia si Gabriel palabas ng kwarto ko sabay sara ng pintuan. Napabuntong hininga ito at ngumiti sa akin. "Pasensya na Binibining Keira sa inasta ng aking kuya."


I just smile. "Okay lang 'yun este wala iyon."


"Sobrang lang nag-aalala si kuya kung ano nang lagay mo ngayon at sa tingin ko'y napanatag na siya dahil nakita ka niyang maayos na." Lumapit siya sa akin at iba ang way ng smile niya. "Sa tingin ko, magkakilala na kayo ni Kuya Gabriel."


Syempre para iwas issue, iniwasan ko siya ng tingin. "Hindi ah. Malaki ang utang na loob ko kay Ginoong Gabriel because he save my life ay este niligtas niya ang aking buhay." Tumabingi ang ngiti ko. Ang hirap naman mag-pure tagalog na salita. I can't stop myself speak in english.


"Binibining Keira, anong nangyari sa iyo? Bakit ganoon ang ayos mo nang dinala ka ni kuya dito?"


"Di-Dinukot ako ng mga galit sa parents ko." Tumulo ang luha ko. "Sobrang takot na takot ako that night. Akala ko mamamatay na ako."


Niyakap ako ni Anastasia. "Sigurado akong mga rebelde ang mga dumukot sa iyo. Tumahan ka na at ika'y ligtas na. Iwaglit mo na sa iyong isipan ang masamang alaala."


I smile. "Salamat Anastasia."


"Walang anuman pero may tanong lang ako sa iyo."


"Ano 'yon?"


"Ano ang ibig sabihin ng perens at ng dat nayt?"


Nawala bigla ang ngiti ko. Bakit ba palaging nawawala sa isip ko na hindi common sa kanila ang English Language. "Uhm... Wala akong sinabi parents at that night ah. Sabi ko galit sa magulang ko at sobrang takot na takot ako ng gabing iyon."


"Ganoon ba? Mukhang mali lang ako ng narinig. Paano ka nga pala nagkaroon ng ganoong kasuotan? Kakaiba kasi iyon at hindi maganda sa paningin na nakikita ang iyong balikat. Mabuti na lamang at may dala si kuya na pañuelo para maipantakip sa iyong balikat."

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon