Kabanata 15:
"Keira?" Tumayo si ina Lucita. "Ikaw ba 'yan anak?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Gabriel dahil sa kaba. "I-Ina ako nga po." Lalo akong kinabahan nang unti-unting lumapit sa akin si ina. Ang laki ng pinayat niya.
Hinaplos ni ina ang mukha ko at tumulo ang luha sa pisngi niya. "Anak bakit ngayon ka lang umuwi?"
Hinawakan ko ang kamay niya. "Paumanhin ina. Hindi ko po intensyong ngayon lang umuwi. Sobra lang po talaga akong nasaktan." Tumulo na rin ang luha ko. Nakaka-guilty kasi ang nangyari. Hindi ko naman sinasadyang bumalik sa present time at kagabi lang nakabalik dito. Siguro dahil nga ito sa nasaktan ako noong gusto ipakasal si Gabriel sa ibang babae.
"Dahil ba ito sa gusto ni kuya na ikasal si Gabriel sa ibang babae?" Pinunasan ni ina Lucita ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni ina. "Bakit kasi hindi mo sinabi na magkasintahan na kayo ni Gabriel? Hindi ka sana nasaktan."
"Paumanhin ina." Lalo akong naiyak. Sobra-sobrang guilty ang nararamdaman ko ngayon.
"Sssh. Tahan na anak." Niyakap ako ni ina kaya napahagulgol ako. Parang naging masamang anak ako dahil sa nangyari. Ayoko ng ganito pero nangyari na. Siguro naging pasaway ako kay mommy noon pero kay ina, hindi ko kayang maging pasaway. Iba si ina kay mommy. I feel how to have a mother to ina Lucita that mommy didn't do before the kidnap incident happen. Hinila ako ni ina papunta sa sofa at pinaupo niya ako.
Nakayuko lang ako at tumabi sa akin si ina. Naramdaman ko na nasa likuran ko si Gabriel. Nagiging madrama ako ngayong araw.
"Hijo kailan kayo nagkakitaan ni Señorita Keira?"
Napalingon ako kay Gabriel at nangungusap na huwag sabihin ang nangyari kagabi dahil for sure mababash ako ni ina Lucita. Ngumiti sa akin si Gabriel.
"Kaninang madaling araw ay nakita ko siya sa labas ng hacienda natin, ama."
"Bakit ka naman naroon, Señorita Keira?" Kunotnoong tanong sa akin ng ama ni Gabriel.
"Aaaah... Ano... Ano po kasi tiningnan ko po kung kumusta na si Señorito Gabriel." Napakagat labi pa ako. Kung sabagay ganoon naman talaga ang ganap pero slight lang. "Kung tuloy po yung..."
"Kasal niya kay Señorita Corazon?" Pagtutuloy ng ina ni Gabriel.
Tumango ako. "Opo."
"Tuloy ang kasal niya sa dalagang iyon." Seryosong sabi ni ama ni Gabriel.
Napayuko ulit ako. So tuloy talaga ang arranged marriage na 'yun. Ang sakit.
"Ama napag-usapan na natin ito."
"Desidido na ako sa desisyon ko—"
BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Historical FictionBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...