Kabanata 25

4.2K 184 31
                                        


Kabanata 25:



"Magandang araw po, Señorita!" Masayang bati sa akin ng tagalinis ng Casa Fabiana.


"Magandang araw rin sa iyo." Ganting bati ko. Ngumiti ako ng matamis at pinagpatuloy ang binuburda ko. Ang binuburda ko sa panyo ay isang paru-paro. Napangiti ako dahil maganda naman sa tingin ko ang kalalabasan ng ginagawa ko. Nasa sala ako ng Casa Fabiana at mas pinili ko na dito ako magtahi dahil maganda awesto ng inuupuan ko dito sa bandang bintana.


Minamadali ko ngayon na tapusin itong binuburda ko dahil gusto ko itong gawing regalo ngunit hindi ko pa alam kung kanino ko ito ibibigay. Muntik na akong sumigaw dahil sa gulat nang may lumitaw na dalawang rosas sa harapan ko. Napangiti ako dahil iisang tao lang ang gumagawa nito. "Gabriel!" Nilingon ko siya at nawala ang ngiti ko dahil ibang tao ang bumungad sa akin. "Señorito Felix, bakit ka nandito?"


"Pinadala sa akin ito ni Gabriel upang ibigay sa iyo." May inabot siya sa aking papel. "Mukhang paborito mo rin ang rosas, Señorita Keira."


Pilit akong ngumiti. At least galing pa rin kay Gabriel ang bulaklak kahit hindi siya ang personal na nagbigay. Umupo si Felix sa katapat kong upuan. Ipinatong ko sa mesa ang tinatahi ko at agad kong binasa ang sulat ni Gabriel. Bumuntong hininga ako. "Hindi pala siya makakarating ngayon." May biglaang pagdinig sa korte ang kliyente ni Gabriel kaya hindi siya makakapunta ngayon.


"Mukhang mahihirapan si Gabriel sa kasong hawak niya."


Napatingin ako kay Felix. Ito ang nagdala ng sulat at rosas kaya malamang ay nagkita ang dalawa sa korte. "Bakit mo naman nasabi?"


"Ang kalaban ng kliyente niya ay isang peninsulares na malakas ang kapit sa gobernador heneral."


"Ang kasong sinasabi mo ba ay ang pagkamatay ng isang maykayang indio sa kamay ng nagngangalang—"


"Oo, siya nga."


Napakuyom ang kamay ko. Isang hindi makatarungang pagdinig. Malaki nga ang posibilidad na matalo nga si Gabriel. Bakit ba hindi pantay-pantay ang pagtingin sa mga tao? "Labis na ang ginagawa nila."


"Señorita, magdahan-dahan ka sa iyong sinasabi dahil baka may makarinig sa iyo at baka ikapahamak mo pa." Pabulong na sabi ni Felix.


Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma. "Salamat sa pagdala ng sulat at bulaklak na binigay ni Gabriel."


Ngumiti siya sa akin at tumayo. "Bueno, mauuna na ako. Mamaya ay magkikitang muli kami ni Gabriel at sasabihin ko sa kanya na natanggap mo na ang sulat niya. Paalam."


Tumango lang ako. Sinundan ko na lang ng tingin si Felix. Ang binatang nagmahal ng labis kay Luciana. Hangad ko na sana ay makita na niya ang babaeng para sa kanya.


------


Napangiti ako. Kay ganda ng isusuot ko sa kasal namin ni Gabriel. Isa iyong full body gown na may trail. Mala-bell na sleeves at pañuelo. Bagay na bagay sa akin.

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon