Kabanata 41:
Hindi ko ginawang tumingin sa babaeng naglalakad sa aisle. Ang babaeng dahilan kung bakit nagkagulo ang buhay namin ni Gabriel. Kung kanila lang ay ayos sa akin na ako tumugtog sa kasal na ito puwes ngayon ay nagsisisi ako. Kung pwede lang tumakbo papalabas ng simbahang ito. Tumingin ako kung nasaan nakatayo si Gabriel at nahuli kong nakatitig siya sa akin.
Hindi siya nakatingin kay Corazon. Nasa akin lang siya nakatingin na para bang ako ang pakakasalan niya ngayon. Hindi, nakikita ko sa mata niya ang kalungkutan na para bang ngayon ang araw ng kamatayan niya. Nahinto lang siya sa ginagawa niya nang nasa harapan na niya si Corazon at si Don Antonio. Walang ngiti sa mukha na tinanggap ang kamay ni Corazon at sabay silang naglakad sa harap ng altar.
Mayamaya ay huminto na ako sa pagtipa. Yumuko ako. Masakit dito sa puso.
"Hija, alam kong masakit."
Napalingon ako kay Madre Maria at nanlaki ang mata ko nang makilala ko ng mabuti ang mukha niya. "M-Ma'am Glenda?"
Ngumiti siya sa akin. "Sobra mong minamahal ang binatang iyan, hindi ba?"
Sinundan ko ang tinitingnan ni Ma'am Glenda. Mapait akong ngumiti. "Opo, mahal na mahal ko po siya."
"At alam kong ganoon rin siya sa iyo dahil wala naman siya diyan kung hindi ka niya mahal."
Kumunot ang noo ko. Bakit parang huminto ang paligid? Humarap ako kay Ma'am Glenda. "S-Sino ka ba talaga?"
Ngumiti siya at tumabi siya sa akin. "Ako si Ma'am Glenda." Marahan siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ako ay si Glenda. Hija, Glenda ang aking ngalan."
"Sige ikaw na si Glenda pero sino ka talaga? B-Bakit ako nandito sa panahong ito? Bakit mo ako pinahihirapan?"
Hinawakan niya ang kamay ko. "Sabihin nating isa akong diwata ng tadhana. Itinalaga sa akin ng ating Diyos na ako ang magtalaga ng nakatakdang kapares ng isang tao."
Pagak akong tunawa. "Pinagloloko mo ba ako?"
"Maniwala ka dahil nandito ka nga sa panahong ito."
"Pero bakit siya? Bakit sa panahong ito?"
"Dahil siya talaga ang nakatakda para sa iyo. Ito, makinig kang mabuti. Noon, may isang binatang diwata na ang pangalan ay Alexus. Sa kanya nakaatas kung anong panahon ipapanganak ang isang tao. Si Alexus ay umibig sa isang dalaga at ganoon rin ang dalaga sa kanya. Ang pagmamahalan nila ay bawal dahil pinagbabawal sa amin ng Diyos na umibig sa tao at dahil siya ay umibig sa isang tao, nagulo niya ang lahat. Nakalimutan niya na may tungkulin siya at dahil sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin, may tatlong sanggol na babae sa maling panahon pinanganak. Isa ka sa mga sanggol na iyon, Keira."
Naguluhan talaga ako sa sinasabi ni Ma'am Glenda. "Hindi kita maintindihan."
BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Historical FictionBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...