Epilogo

4.3K 182 18
                                    


Epilogo:



"So class, we all know that Intramuros is the Walled City—" Nahinto akong magsalita dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Tawag galing kay Rhea. My secretary. "Excuse me, class. Please read your notes because we will have quiz later." Nagmadali akong lumabas ng classroom. "Hello?"


"Ma'am Keira, sorry po."


Kumunot ang noo ko. "Sorry for what?"


"Sorry po dahil hindi ko po nakuha ang portrait ni Anastasia Realonzo. May naunang nakabili ng portrait."


"What?" Pasigaw kong tanong. I cant believe it. Inaabangan ko ang portrait ni Anastasia tapos may mauuna sa akin. "Hindi ba nauna tayong nagsabing bibilhin natin 'yon? We even agree on what price they like. Paanong may nauna sa atin?"


"Ang sabi po mas mataas ang price na binigay ng bumili."


"Kilala mo ba kung sino ang bumili? Baka pumayag siyang bilhin natin iyon."


"Si Constantine po, Ma'am."


Napa-facepalm ako. Hindi ko na mabibili pa ang portrait na iyon. Si Constantine ang kaagaw ko sa mga bagay na konektado kay Gabriel. I really hate that man. Ang sabi ng lawyer niya ay curious siya sa mga Realonzo dahil may nabili siyang cabinet na may naiwang family picture ng mga Realonzo year 1889 kaya gusto niya bilhin ang mga gamit na konektado sa pamilya Realonzo. I really hate that man. Halos lahat ata ng gamit ng mga Realonzo ay nasa kanya na. Bakit ba kasi dumating pa ito ng Pilipinas?


Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa nangyari kay Gabriel noong nawala na ako kaya nga pinagpatuloy ko ang pag-aaral ng Archaeology. Now, I am famous Archaeologist and I teach Philippine History subject sa isang college school. Lahat ginawa ko para makilala sa mundo ng Arkelohiya. Gusto kong marami akong maging koneksyon para mapadali ko ang paghahanap ng information tungkol kay Gabriel kaso heto, dumating si Constantine. Nahirapan na akong maghanap ng information tungkol kay Gabriel. I really miss him so much.


"Pero Ma'am Keira."


"What?" Halos nanghihinang tanong ko.


"Tonight, may event po siya. Parang gusto niya po ipakita sa media ang collection niya and Ma'am, take note pili lang po ang dadalo ng event na iyo. And you are lucky, Ma'am Keira. Isa ka po sa napili niyang maaaring makakita ng mga collection niya in personal."


Bigla akong nagkaroon ng energy. "Are you sure?"


"Yes, Ma'am. Idadala ko po ba d'yan ang invitation?"


"No! Ihatid mo sa bahay." Pinindot ko na end call. Nagmadali akong bumalik sa classroom. "Class, you can leave now but be prepare for individual recitation."


Nagsigawan ang mga estudyante ko. Bago sila lumabas ng classroom ay nag-pray muna kami. Nang makaalis na sila ay nagmadali akong lumabas. Hindi na ako nag-logout sa record book. Bahala na. I'm excited so much.

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon