Kabanata 35:
Pagdilat ko ay halos mapasigaw ako dahil nasa tapat ako ng pintuang bukas sa ibang bahay. "N-Nasaan ako?" Nilibot ko ang aking paningin. Ito ang bahay na napuntahan ko kagabi. "Bakit ako nabalik dito?"
Narinig kong nagsitahulan ang mga aso sa kalapit bahay.
"May tao ata, manang."
Kumabog ang dibdib ko. I-s-in-et ko kaagad sa 7:45 ang oras sa orasan ng nakaraan.
"Sino 'yan?"
Agad akong pumikit at bumulong. "February 21, 1890. Tangalan, Aklan."
"Sino ka?"
Pagdilat ko ay nasa loob na ulit ako ng kubo ko at nakasara ang pintuan. Agad kong nilibot ang bahay ko. Wala si Gabriel. Sigurado akong hinahanap niya ako ngayon. Bumalik ako sa sala at nakita ko sa mesita ang plato na may lamang manggang hilaw at mansanas na nakahiwa na. Bigla akong natakam. Hindi ko mapigilang kumuha ng isang hiwa ng mansanas.
Napapikit ako sa sobrang sarap ng lasa. "Ang sarap talaga!" Pinigilan ko ang sarili ko na kumuha pa ng isang hiwa. Hahanapin ko na lang si Gabriel. Sigurado akong magkakasalubong kami nun sa daan.
Ang una kong pinuntahan ay ang tahanan nila Crisanta. Baka nanghingi si Gabriel ng tulong sa magkapatid na 'yon. Pagdating ko sa kanila ay wala sila, pumunta daw sa kabilang bayan para bisitahin ang kamag-anak nila. Sunod kong pinuntahan ay ang tinitirhan ni padre Canciller.
"Naku, binibini! Hinahanap ka ng iyong asawa at kasama niya si padre Canciller."
"Ganoon po ba?"
"Opo."
Ngumiti na lang ako bago magpaalam. Babalik na lang ako sa kubo. Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga bata at ang isa sa kanila ay may hawak na gitara. Bigla ko tuloy na-miss ang maggitara. Lumapit ako sa kanila. "Maaari ko bang hiramin sandali ang gitara mo?" Tanong ko sa batang lalaki sa salita nila.
Tumango kaagad ang bata at inabot sa akin ang gitara. "Binibini, marunong po kayong maggitara?"
"Oo." Nag-strum ako. Nagkumpulan papalapit sa akin ang mga bata. "Gusto ninyo bang awitan ko kayo?"
"Opo!" Sabay-sabay nilang sabi.
Napangiti ako. Nagpatuloy ako sa pag-strum at ngayon ay tinutugtog ko ang Pag-ibig ni Yeng Constantino. "Ang pag-ibig ay hindi pagkain, 'pag pinagsawaan ipamimigay na lang. Ang pag-ibig ay hindi parang pusa, 'pag maingay ililigaw na lang. Kung sabihin kong mahal kita, 'yan ay totoo sinta. Huwag na huwag kang magdududa, hindi kita binobola... Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta. Kahit na topakin ka, iintindihin kita. Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta..."
BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Historical FictionBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...