Kabanata 29:
"Tiisin mo lang, hija, talagang masakit ito."
Napakagat labi ako nang may dumampi na kung anong bagay sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong halamang gamot ang inilalagay ni madre Dalisay sa likuran ko. Hindi ko alam kung paano ako nadala dito ni Gabriel basta noong nagising na ako ay nandito na ako sa loob ng kwartong ito at wala nang saplot sa katawan. Tanging kumot lang pantakip sa aking katawan.
"Kanulos-nulos ang nangyari sa iyo, hija. Napakawalang puso ng mga guardia civil na nanakit sa iyo. Kay ganda pa naman ng iyon kutis, malaporselana tapos ganito na lang nangyari. Mga lapastangan!" Marahang tinapik ni madre Dalisay ang aking likuran. "Hayan at tapos na. Dapat ay bukas na kayo umalis ng iyong kasintahan. Ang sabi sa akin ni padre Canciller kahapon ay pagkagamot ko sa iyo'y kailangan ninyo na umalis ng iyong kasintahan ngunit hindi mo kakayanin ang byahe."
Tumango na lang ako. Maski ako ay sang-ayon sa sinabi ni madre Dalisay. Hindi ko rin kayang bumiyahe na ganitong sobrang sakit ng katawan ko. Baka matuluyan ako sa daan. Tinulungan akong umupo ni madre Dalisay. Sinuotan niya ako ng sando, baro at saya.
"Kailangan mo na ring kumain upang lumakas ka. Maiwan muna kita dito at kukuhaan kita ng makakain." Nagmadaling iniwan ako ni madre Dalisay.
Huminga ako ng malalim at nilibot ko ang aking paningin. Katamtaman lang ang laki ng kwartong ginagamit ko at may isang bintana na hindi ko alam kung ano ang view. Gusto kong makausap si padre Canciller sa pagtulong na palayain ako. Gusto ko rin makita si ina Lucita para hindi na siya mag-alala. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Gabriel!"
Ngumiti siya at lumapit sa akin. "Kumusta ang iyong pakiramdam?"
"Bumubuti naman dahil nabawasan ang sakit na nararamdaman ko."
"Mabuti naman kung ganun." Inalis niya ang buhok na nasa mukha ko. "Paumanhin kung nahuli kami ng dating."
"Wala 'yon." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ang mahalaga'y magkasama na tayo ngayon."
Muli siyang ngumiti at kinuha ang kamay ko. "Mahal na mahal kita, Keira Silvano."
Napangiti ulit ako kasi naman kinilig ako bigla. "Mahal na mahal din kita, Señorito Gabriel."
"Sinabi ni madre Dalisay sa akin na kung maaari'y huwag muna tayo umalis, pumapayag ako sa sinabi niya. Wala namang nakakaalam na nandito ka bukod sa kutsero, kay padre Canciller at madre Dalisay. Kapag mabuti na ang iyong pakiramdam, doon lang tayo aalis. Magpapakalayo tayo."
"Ang ibig mo bang sabihin ay magtatanan tayong dalawa?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Para kasing sinasabi niya na magtatanan kaming dalawa.
Tumango siya. "Nalaman kong maraming kumukontra sa pagmamahalan nating dalawa kaya mabuting magpakalayo tayong dalawa upang hindi nila tayo mapaghiwalay. Inayos ko na ang iyong mga papeles. Aalis tayo sa bansang ito. Babyahe tayo papuntang Europa, doon na tayo titira." Hinalikan niya ang kamay ko. "Pumapayag ka ba sa plano ko?"
BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Historical FictionBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...