Kabanata 39:
Umupo ako sa harap ng pyano. Kakalabas ko lang galing sa pagamutan at agad ding umalis si Gabriel para bumalik sa kanila. Si ina Lucita naman ay sigurado akong inaasikaso niya ang mga negosyo niya. Ako naman heto, ayaw nila pakilusin. Siguro mahigit dalawang oras akong nakahiga sa kwarto ko bago bumaba. Hindi naman kasi ako nakatulog. Sobrang nakakabagot.
Kasalanan ito ni Corazon kung bakit bawal ako magkikilos. Dapat naglalakad-lakad ako ngayon dahil kailangan 'yon para sa baby ko. Muntik na mawala ang anak ko ng dahil sa kanya. Sinisisi ko rin si Matias kung bakit nangyari ito sa akin. Kung hindi niya sinabi na malala na ang kalagayan ni ina Lucita, hindi sana kami babalik dito ni Gabriel.
Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat ma-stress. Nag-umpisa na akong tumipa sa pyano para makalma ako. Puros mga classical music ang tinutugtog ko hanggang sa Ikaw na ang tinitipa ko. Pumikit ako at nagha-humming lang ako.
"Ikaw, ang pag-ibig na binigay, puso ay nalumbay nang kaytagal ngunit ngayon nandito na ikaw, ikaw..."
Napahinto ako sa pagtugtog ng pyano at lumingon sa kumakanta. "G-Gabriel."
Nakangiting lumapit sa akin si Gabriel. "Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ikaw ay nasa iyong silid?" Tumabi siya sa akin.
Exaggerate akong sumimangot. "Ayoko doon. Wala akong mapagkakaabalahan."
Napailing na lang si Gabriel at tumipa sa pyano.
Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman kasi alam na marunong pala mag-piano ni Gabriel. "Heidenroslein D 257 ni Franz Schubert. Hindi mo sinabi na marunong ka magpyano."
"Para masurpresa kita." Kinindatan pa niya ako. "Hayaan mong magpakitang gilas sa iyo ang iyong esposo."
Natawa ako sabay tango. Magaling nga siya sa pagtugtog ng piano at parang mas magaling pa siya kaysa sa akin. 'Yung piano piece na noong nasa Aclan ko pa lang pinag-aralan, heto saulado ni Gabriel. Partida may music sheet akong gamit kapag tumutugtog tapos siya wala. Napapalakpak ako. "Ang galing mo!"
"Mas magaling ka, aking mahal."
Mahina ko siyang pinalo sa balikat. "Binubola mo naman ako. Naalala mo ba noong fiesta sa inyo at tinuruan kitang sumayaw ng Waltz?"
Tumango naman si Gabriel. "Oo naman, aking mahal. Sumasayaw tayo sa liwanag ng buwan at bituin. Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang." Marahan siyang tumawa kaya napangiti ako. Nag-umpisa akong tumipa sa pyano. Ang kantang hina-hum ko noong sumayaw kami ng Waltz. A Thousand Years.
"Iyan ang awiting hinuhuni mo noong gabing iyon."
Tumango ako. "Isang awit na Ingles sa panahon namin. Awit tungkol sa pag-ibig. Na mamahalin mo ang taong mahal mo na higit pa sa libong taon." Sinabayan ko ng pag-hum ang tinutugtog ko.
BINABASA MO ANG
It Started At 7:45
Ficção HistóricaBinigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam...