Kabanata 28

3.1K 141 7
                                    


Kabanata 28:



"Hindi ko ginagawa iyan. Ni hindi ko nga alam na may librong ganyan sa aking silid!" Bumaling ako kay ina.


"Tama ang aking pamangkin, Señor. Hindi maaaring magkaroon ng ganyan sa kanyang silid. Personal kong tinitingnan ang kanyang silid sa tuwing maglilinis ang aming mga tagapaglinis dahil nagkaroon ng banta ang kanyang buhay."


"Umalis na tayo."


"Señor—"


Halos mapasigaw ako dahil sa ginawa nila kay ina Lucita. Gusto kong lapitan si ina ngunit hinila na ako ng mga guardia civil. "Señor, wala po talaga akong kasalanan." Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin.


"Cállense!"


Bigla akong huminto sa pagpupumiglas at nag-mental note na manahimik dahil bigla nilang tinutukan ng baril si ina. "Sasama po ako, huwag ninyo na ako hawakan." Sumunod na lang ako sa kanila at lumingon ako kay ina. Binigyan ko siya ng isang ngiti na sinasabing huwag siyang mag-alala. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganung libro sa kwarto ko. Oo, nabasa ko na ang Noli Me Tangere dahil required 'yon basahin sa Filipino subject ko noong high school student pa ako. Paborito ko pa nga basahin ang Noli tapos ang librong ito pa ang dahilan ng first time kong pagkakakulong. Ni hindi nga ako sumasama sa mga rally ng mga estudyante doon sa panahon ko, tapos dito sasabihan ako na simuno ng pagrerebelde.


Naglalakad kami sa gitna ng daan at halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Hindi, sa akin. May mga naaawa at mayroon namang mapangkutyang mukha. Ganito ba talaga ang mga Pilipino noon at maski sa panahon ko? Itong ginagawa sa akin ng mga guardia civil ay walk of shame eh. Bakit ko kailangan mag-walk of shame kung wala naman akong kasalanan? Wala naman akong ginawang masama. Ni hindi nga ako lumalayo sa bahay ni ina. Hanggang flower garden lang ako. Hindi naman fair ito. Hindi ba pwedeng gumamit kami ng kalesa papunta sa estasyon nila? Agad-agad iwo-walk of shame na ako.


Gusto kong umiyak pero pinipilit kong huwag tumulo ang luha sa pisngi ko. Pinapakita ko sa lahat na malakas ako, na hindi ako mahina. Alam kong sinira ng kung sinumang tao na naglagay ng librong iyon ang pangalan ko. Ang tangi kong hiling ay malinis kaagad ang pangalan ko at makalaya ako.


Inabot ng isa't kalahating oras bago kami nakarating sa estasyon nila. Kung estasyon nga ang tawag doon. Sobrang taas ng sementadong bakod. Agad kaming pumasok sa loob. Hindi pala estasyon ito. Kulungan pala. Sobrang dilim dito. Tinulak ako ng isang guardia civil at muntik na akong matumba. Sumunod ako sa pinaka-head nila. May mga rehas na walang tao.


Nilunok ko ang aking laway at kinakabahan na ako ngayon. Palayo kami sa mga kulungan na nadaanan namin. Huminto kami sa harap ng isang pintuan. Pagkabukas nun ay sobrang dilim at may upuan at mesa sa gitna. Pumasok kami sa loob.


"Maupo ka d'yan." Utos sa akin ng tumulak sa akin kanina.


Agad akong umupo doon. Dito ba nila ako ikukulong? Sobra akong natatakot sa mangyayari sa akin.


It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon