Kabanata 7

6K 319 53
                                        


Kabanata 7:



"Masaya akong makilala ka Binibining Keira." Isang napakatamis na ngiti ang binigay sa akin ng babaeng halos kaedad lang ni Mommy.


Nanlaki ang mata ko kasi super duper ngayon ko lang na-realized na hindi si Mommy itong niyayakap ko kaya kaagad akong lumayo sa babae at nagmamadaling pumunta sa likod ni Gabriel. "Sunga mo Keira!" Nakakahiya bes.


Tumawa ang babaeng kamukha ni Mommy. "Mukhang makakasundo ko ang aking panauhin Gabriel, halika't pumasok kayo sa loob."


"Opo Tiya Lucita."


Tumango 'yung Tiya Lucita bago maunang pumasok sa loob.


Humarap naman sa akin Gabriel. "Halika na binibini at mayamaya ay mataas na ang araw."


"P-Pwede huwag na lang ako dito tumira? Nakakahiya kasi ang ginawa ko kanina." Gosh! Nagpaypay ako ng super lakas. "Grabe nakakahiya ako bes! Gusto ko na lamunin ako ng lupa ngayon." Tumawa ng super lakas si Gabriel so binigyan ko siya ng isang death glare. "Anong nakakatawa?"


"Wala binibini. Halika na't pumasok na tayo sa loob dahil hinihintay na tayo ni Tiya Lucita."


"Seryoso ka?"


Tumango siya. "Huwag kang mag-alala dahil sa tingin ko hindi naman nakakahiya ang ginawa mo kanina. Natuwa pa nga sa iyo si Tiya Lucita."


"Baka binibiro mo lang ako."


"Hindi kita binibiro Binibining Keira. Mabuti pa't mauna ka na pumasok sa loob. Hayaan mo at nandito lang ako sa likuran mo."


Napabuntong-hininga na lang ako. No choice ako, baka naman isipin ng tita ni Gabriel na ang OA ko baka hindi pa talaga ako payagang tumira sa house na ito.


Pagkapasok ko sa bahay ng tita ni Gabriel, bumungad sa akin ang isang napakagandang sala. Napa-wow na lang ako ng wala sa oras.


"Binibining Keira maari kang umupo." Sabay turo ng tita ni Gabriel sa isang upuan. Yung sofa version noon. "Ikaw rin Gabriel umupo ka." Tatabi na dapat sa akin si Gabriel nang biglang siyang hinampas ng tita niya. "Doon ka, huwag kang tatabi sa binibini. Masyado kang mapusok na bata ka!"


"Pasensya na tiya." Umupo si Gabriel sa solo na upuan.


"Binibining Keira ayusin mo ang paggamit mo sa iyong pamaypay. Masyado kang nakikita ni Gabriel. Teka lamang, magkatabi ba kayong dalawa sa karwahe?"


Sabay kaming tumango ni Gabriel.


"¡Dios mío! Isa kang mapusok na bata Gabriel! Ganyan ba ang tinuro sa iyo ni Kuya?"


Dahil sa nangyayari ngayon, napayuko ako ng wala sa oras. Geez! Nakakatakot naman ang tita ni Gabriel. Mukhang masungit siya. As in right now. What more pa kapag nalaman niya ang pinaggagawa namin ni Gabriel this past day.

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon