Kabanata 27

3.3K 142 6
                                    


Kabanata 27:



Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Tumahan ka na. Wala kang kasalanan sa nangyari kay Florentino."


Umiling ako. Ako ang may kasalanan dito. Kung sinuman ang nagtatangka sa buhay ko ay siguradong gustong-gusto niya akong mawala sa mundong ito. Ano bang ginawa kong masama sa kanya? Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Gabriel sa buhok ko.


"Ikaw ang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko,
Ang hangin na humahaplos sa aking pagkatao.
Ikaw ang simbolo sa pag-asa ng buhay na natamo,
Ang dahilan kung bakit bumabangon at hindi nagpapatalo."


Napahinto ako sa paghikbi. Umaawig ba si Gabriel?


"Hindi dama ang daloy ng mundong tumatakbo,
Dahil Ikaw ang kasama at ginugusto.
Ito lamang ang maaari kong ibigay sa iyo
Ang isang wagas na pag-ibig, alay sa 'yo mahal ko.

Sa kawalan ay laging tinatanaw,
Ang puso mo ang bintana at ako'y nakadungaw.
Nagbigay ng kulay sa mundo kong mapusyaw,
Ang pag-ibig ko sayo ay nananatiling wagas at umaapaw."


Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko kaya napapikit ako. Unti-unti akong kumakalma. Lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin. Nang lumayo na ako sa kanya ay isang matipid na ngiti ang binigay sa akin ni Gabriel at pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko. "Gabriel..."


"Tumahan ka na. Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi mo kasalanan ang nangyari dahil nakatakda na iyon mangyari. Hindi na natin maibabalik pa si Florentino. Sa ngayon, mabuti nang ligtas ka, kayo ni Anastasia. Magpahinga ka muna, iyan ang kailangan mo ngayon dahil sa dami ng sugat na natamo mo." Inalalayan niya akong humiga.


Pinigilan ko siya nang maglalakad na niya palabas sa kwarto kung nasaan ako. "Huwag mo akong iwan. N-Natatakot ako."


Ngumiti siya sa akin at bumalik sa pwesto niya kanina. "Gusto mo bang umawit ako para makatulog ka?" Tumango ako bilang sagot. Muli siyang ngumiti at hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha ko. "Ikaw ang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko, Ang hangin na humahaplos sa aking pagkatao..."


------


"Dahan-dahan lang sa pagbaba." Paalala ni ina habang bumababa ako sa kalesa.


"Tiya, bubuhatin ko na lamang si Keira para hindi na siya mahirapan."


Mahina kong pinalo sa braso si Gabriel. "Hindi naman ako nahihirapan na maglakad o bumaba sa kalesa." Oo medyo masakit pa ang katawan ko pero kaya ko naman maglakad mag-isa. Sadyang O.A lang si ina at Gabriel. Gusto nila all the time ay may nakaalalay sa akin.


"Mas gugustuhin ko na buhatin kita kaysa hayaan ka na mahirapang maglakad."


Muntik na akong mapa-eyeroll. Naku! Baka mainis sa akin si ina kapag nakita niyang ginawa ko iyon. "I'm fine este ayos lang ako, huwag na kayong mag-alala." Nauna na akong maglakad para ipakita sa kanila na kaya kong mag-isa pero ewan ko ba sa paa kong ito at bigla na lang akong natapilok kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nandyan si Gabriel para maalalayan ako kaagad.

It Started At 7:45Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon